Case File: 1

173 2 0
                                    

5 araw na ang nakalipas mula nang naging ka-trabaho ni Jannie si Adrian at hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala.

* Office, 7:30 am

Jannie's POV

Napatingin ako  sa wall clock. 7:30 am.

" 7:30 na, Wala pa rin siya. Tss, ba't pa naging team leader kung tanghali na nagigising."

"Kanina pa akong 6:00 dito" pahabol na sabi ng kumag na nasa pintuan na pala. Makatingin naman ng masama kala mo may ginawa ako sakanya.

Hindi ko nalang siya pinansin at binaling ang atensyon ko sa mga work papers na nasa desk ko. Napansin kong bigla 'tong kumapal.

"Hoy! Sa'yo ba 'tong mga files na to? Ba't nasa desk ko buwisit ka."

" Ayusin mo yan, Isalangsang mo ng maayos sa cabinet files ko "

" Ano? Eh files mo 'to eh "

" Ano ka ba dito? "

" Aba! At ginagamit mo pa ang posisyon mo! "

" Nakalimutan mo na ba sabi ng papa mo? "

Napatigil ako.

* Flashback *

Pumasok ako sa opisina ni papa na may galak at tuwa dahil nga nakapasa ako ng board exams at ngayon ay magtatrabaho na sa Law office niya. Pero laking gulat ko na nandoon yung buwisit na kumag.

Tumingin lang ako sa kanya na para bang nagtataka at gulat na gulat.

" Please stop staring at me like that, It's rude " 

Wow ah! English , english ka pa !

Tinignan ko lang siya.

" Indeed, please Janessa stop being rude "

Aba't kinampihan pa ni papa . Sasapukin ko na 'tong kumag na 'to pati papa ko na-brainwash.

Nilayo ko ang tingin ko sa kanya at tinignan na lamang si papa.

" Pa, I shall start working here by tomorrow "

" Good, you'll be working with our young fellow here, Adrian"

" A-ano? Working with him? PA! "

" But he wanted a job at binigay ko 'to, after all kailangan natin ang mga katulad niya "

" But pa, I'm already here "

" But having him is better too."

" Pa! "

" Don't complain like a child. Now go to the new building, find room 43, and that should be your office "

" Oh and by the way, please Mr. De Vera, assist Jannessa and teach her "

Wala na kong nagawa kaya nga buwisit na buwisit ako kay papa pero wala akong magagawa kundi sumunod afterall, he's my father.

* End of flashback *

" Oo na! " sinunod ko na lang siya.

Sa totoo lang ayoko naman talaga maging lawyer eh.

Kilala kasi ang pamilya ko dahil sa lahat ng kapamilya ko nasa law, mga may kinalaman sa mga krimen at kung hindi ay politics ang trabaho nila. Kuya ko isang defense lawyer sa isang tanyag na Law office sa US, Ate ko naman  isang forsenic scientist at ang isa ko pang ate ay isang Special Agent. Hindi ko nga lama kung gusto na nilang mamatay oh ano eh kasi sobrang delikado ng pinaggagawa nila eh, pati ako gusto pa idamay.

Mr. LawyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon