hugot

2 0 0
                                    

#WattpadConfession

Hi World of Wattpad! I want to confess something. Ako yung tipo ng babae na walang pakielam sa mga famous sa campus. Yung tipong pag dumaan sila sa harapan ko, wala lang sakin unlike other girls na nagbubulungan at kinikilig pag nakita na sila. Ang sabi ko kasi sa sarili ko, puro pa fame lang yang mga yan. Puro yabang, papogi! Nag ka ex naman ako, hindi man kasing gwapo nang mga pa fame sa campus atleast hindi naman puro yabang. Hanggang sa isang araw, napagtripan namin ng kaibigan kong lokohin ang isa sa mga campus crush. Pinadalhan namin sya ng mga letters na puno ng kalokohan, at ang sinabi ko sa letters ay may gusto ako sakanya. Hindi ako nagpakilala, kapag naman nakakasalubong ko sya ng wala ang kaibigan ko ay umiiwas ako. Syempre mahirap na. Haha. Ang dating pinanghahawakan kong "Hindi ako magkakagusto sa mga famous ng campus dahil puro yabang lang sila" ngayon nag bago na ang pananaw ko dahil nakita kona ang sarili kong may gusto ako sa famous na pinagtripan ko. One day, nagpadala ako ng letter ang sabi ko dun ay ito na ang huli kong magpapadala ng letter dahil ayokong lumalim ang nararamdaman ko sakanya. Dumaan ako ng classroom nila para makita ko kung nabasa nya na ba. Pagkadaan ko, nakita ko syang binabasa yung letter. Tumakbo naman ako palayo ng classroom nila at sumilip sa kanila. Nakita kong lumabas sya ng classroom nila at parang may hinahanap. Napayuko at napabuntong hininga..

Sorry, sorry kung napagtripan kita. Akala ko nung una hindi ako magkakagusto sa isang famous na tulad mo pero mali pala ako. Nakita ko yung sarili kong napapangiti kapag nakikita ka. Ninenerbyos pag anjan kana. Kaso, may girlfriend kana daw. 😞 Kahit papaano, naging masaya ako ng dahil sayo. (Sana mabasa mo to.)

-sabea

******HUGOT******Where stories live. Discover now