#WattpadConfession
Ako lang ba dito yung hindi sikat na author na umaasang sumikat ang mga gawa? Yung tipong kahit malabo iniisip mo padin na sisikat ka. Well, wag tayong mawawalan nang pag asa. Isa lang yung moto ko pag gumagawa nang story e, ayun ay yung "Don't compare yourself to others. " ayan yung linya ni mama na tumatak sa isip ko. Kadalasan kasi kinukumpara ko yung gawa ko sa iba, na kesyo ang gaganda nang mga stories nila samantalang ako hindi. Pero ano bang mangyayari kung puro tayo ganun diba? Wala naman mangyayari kung hindi tayo magtitiwala sa sarili natin na kaya natin. Kaya naman talaga natin, sadyang binababa natin yung sarili natin. Iniisip na hindi kaya kahit kaya. Wag lang tayong mawalan nang pag asa. Lahat naman nang mga sikat na authors ngayon ay dumaan sa gantong stage e. Yung tipong madodown kapag walang nagbabasa nang story nila, kapag walang nag vote o di kaya'y nag comment. Ako nga e masaya na kahit 50Readers lang nagbabasa nang story ko. Pero sobrang saya ko nung naging 700Readers yun, malapit nang mag 1k. Yung tipong nakakabless! Nakakabless kasi may mga nagbabasa, may mga nakakaappreciate. Yung tipong may maeentertain ako na readers na sasabihan nya is sobrang saya nya kapag nag update ako. Sobrang nakakataba nang puso! Kaya sa lahat nang writer dyan, wag tayong mawawalan nang pag asa. Wag nating idown yung sarili natin, wag tayong mag isip nang mga nega na bagay. Magtiwala tayo sa sarili natin na kaya natin. Fighting lang mga bes, kaya natin 'to! Tsaka pray lang, wala namang impossible.
-sabea