One shot

8 0 0
                                    


Hinahanga ko si Anna siya ay naging kaklase ko sa haiskul. Siya ang pinakamaganda, matalino at pinakamarunong sa amin, ngunit minsa'y nahihiwagaan ako sa mga kilos niya. Ewan ko ba!... Basta'y waring iba, hindi ko maipaliwanag. Siya, ako at ang dalawa pa naming mga kaibigan ay laging makikitang naglalakad sa kampus ng paaralan o di kaya'y magkaka-umpok sa isang tabi ng upuan sa kampus,nagbibiruan, nagtatawanan o di kaya'y nagrerepaso ng mga aralin at kumakain. Sa araw araw ay ito na ang ganap naming magkakaibigan. Hindi na mawawala ang ganitong gawi namin. Si Maricar ay mataba, mahilig sa sine, pasyalan at party at napakahilig sa mga dayuhang sikat katulad ng mga koreanong may mga kulay ang buhok at mukhang adik sabi ng iba. Samantalang si Precious ay madaldal, malakas ang loob at palabiro. Masasabing isa rin ako sa marurunong, hindi katalinuhan ngunit masipag at responsableng mag-aaral. Kaya nga ba't itong dalawa naming kaklase ay naging malapit sa amin ni Anna.

Laging kaming magkasama ni Anna, sa araw araw ba naman hindi na yata kaming naghihiwalay e. Sabi nga ng iba'y mukhang magkapatid na daw kami. Kahit araw-araw kaming magkasama ni Anna. Malimit walang kibo at matipid kung tumugon sa mga tanong at sinasabi ko. Hanggang ngayon ito'y malaking pala-isipan sa akin bakit siya'y ganun. At kung minsa'y kapag nakikita ko siyang mag-isa palaging ko siyang napapansing walang kibo, tulala at waring laging malalim ang iniisip. Madalas ko tuloy siyang tinatanong; "Anna may problema ka ba? Ayos ka lang ba? Bakit lagi kang tulala?". Subalit wala naman siyang masabi sa akin. Iiling na lamang siya at makikita ko na lamang na namumuo sa kanyang mga mata ang luha. "Okay lang ako!. Nagsasanay lamang ako umarte dahil sasali ako sa Theater ng kapatids sa susunod na araw," Sabit niya sa akin. Biglang tatayo sa kanyang kina-uupuan,Sabay mangyayayang kumain sa canteen.

 Tila'y nagiging reporter ako kapag ganito ang mga tanong ko sa kanya. Dahil pilit kong binubusisa kung ano bang nasa isip niya. Hay nako!!.... "Wala na naman akong nakalap na impormasyon" sabi ko sa aking sarili na waring nanghihinayang at sabay ng bugtong hininga. Pag dumating na sa puntong medyo nakukulitan siya sa akin at alam kong naiinis na siya, hindi na ko nag-uusisa pa. Baka ayaw niyang pag-usapan kung ano mang bagay o bumabagabag sa kanyang puso't isipan. Sa bagay lilipas naman ito. At magiging ayos rin naman siya. Laging sambit sa sarili. Ngunit minsa'y napansin kong siya'y lumayo sa akin. Nagrerepaso kami para sa pagsusulit noon. Bigla na lamang siyang tumindig at sa may ilang metrong kalayuan, siya ay dumura. Naisip kong ito marahil ang dahilan ng kanyang ikinikilos. Nagtuloy siya sa palikuran ng paaralan. Sinamantala ko ang pagkakataon, nagtungo kaagad ako sa lugar na pinagduraan niya. Subalit wala naman akong makitang masama sa kanyang dura. Hindi ito ang dahilan, ang naisip ko. At dali-dali ko siyang pinuntahan sa palikuran ng paaralan, aking nadatnan si Anna sumusuka sa lababo at tila'y namumutla at nanghihina dulot sa dami ng kanyang sinuka. Kaagad ko naman tinawag sina Maricar at Precious upang tulungan akong dalhin sa clinic si Anna. Sa pgkakataon na iyon. Bigla pumasok sa akin isip "baka naman buntis siyaaaaaaaaaa... Hindi maari!!!!! Sa isang banda, hindi iyon baka'y may sakit lamang siya.. Pilit kong sinasabi sa aking sarili. Makalipas ang ilang minuto, pumasok ako sa klinic ng aming paaralan kung saan naroon ang aking kaibigan na si Anna. Bumungad sa akin ang ngiti ng aming doktora, biglang sambit "Ayos na ang iyon kaibigan, nakakain lamang siya ng hindi naka-akma sa kanyang tiyan". Nang marinig ko iyon, kumalma ang aking isip, ngumiti at nagpasalamat sa doktora. " Maiwan ko na kayo" sambit muli ni doktora. "Maraming salamat po doktora" sambit naming apat. "Annaaaaaaaaaa!!!" Pinakaba mo kami akala naming kung napano ka na sambit ni Precious. "OO NGA!PASAWAY KA" sambit naman ni Maricar. Huwag niyong pagalitan si Anna, hindi niya rin gusto ang nangyari. Magpasalamat na lamang kayo sa Panginoon dahil kasama parin natin siya. Aking sambit. "Tama na yan guys, buhay pa ko oh? Hindi pa ko patay! Umayos nga kayong tatlo" sambit ni Anna sa amin. "TAMAAAAAAAAAAAAAAA" sabay- sabay naming sinabi kay Anna. Sabay yakap ng mahigpit kay Anna... "LOVE YOU FRIEND" at sabay apir sa isa't isa.

Nagtapos na kami sa haiskul, Si Anna ang aming balediktoryan samantalang ako ang sumusunod sa kanya. Gayon na lamang ang katuwaan nina Maricris at Precious pagkat maluwalhati rin silang makapasa at nakatapos. Sa pagkakataon ito, Saya lamang ang bumabalot sa aming magkakaibigan. Matapos ang aming Graduation Day, dalawang buwan pa lamang ang nakalipas, Nalantad sa aking paningin ang isang balita sa pahayagan. Si Anna ay nagpakamatay! Nung una'y hindi ako naniniwala, baka hindi naman siya mali yang pahayagan na yan, Tsssssskkk hindi gagawin iyon ng aking kaibigan, may usapan kami na tutuparin namin lahat ng pangarap namin sa buhay. HINDI NIYA MAGAGAWA IYON... BULAAN KANG PAHAYAGAN KA,biglang pinunit ANG PAHAYAGAN at kasabay ng maluha- maluhang mata. "RIIIIIINGGGGG" tumunog ang cellphone... "Hello? Maricar? Uyyy napatawag ka..." "Friend alam mo na ba ang balita?". Anong balita? Sabihin mo na pabitin ka rin e. hahahahaha... " Friend PAAAAAAAAA..PAATTTTT PATAY NA SI ANNNAAAAA..." "Hala? Hindi magandang biro yan maricar ahh!. Ano ba kasi??. FRIEND patayyyyy na nga siya eee. *BOSES NA HALATANG UMIIYAK*.Bigla kong pinatay ang cellphone. "ANNAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!! BAKIT?? PAANO NA KO, PAANO NA KAMI? Paano na ang lahat. Bakit mo kami iniwan..." aking sambit habang umiiyak at nagwawala sa aking kwarto. Tanging mga luha ko lamang ang dumamay sa akin. Aking pinuntahan ang bahay nila Anna, nakita ko ang mga ilaw, mga bulaklak at mga taong nagsusugal at nagkakape. Habang patuloy ako sa paglakad hindi ko lubos maisip ang taong kasama ko noong buhay haiskul pa ko, ay makikita kong nakahimlay sa puting sapin at tanging salamin ng kabaon ang bubugad sa akin. Hindi ko mapigilan ang aking luha sa patuloy ng pagtulo nito. Sobrang sakit ng pangyayari ito. Hindi ko kayang tanggapin. HINDING-HINDI!.. Aking tinanong ang mama ni Anna, kung ano ang dahilan bakit nangyari ito. Pilit nilang sinekreto sa akin at sa iba pang malalapit sa puso ni Anna. Naiintindihan ko ang pamilya ni Anna, aking igagalang ito. Kahit sobrang sakit biglang kaibigan niya hindi ko alam kung ano ang puno't dulo ng kanyang pagpapakamatay.

Nagtapos na rin ako ng college sa kursong Bachelor of Mass Communication, at sina Maricar at Precious sa kursong Edukasyon. Masaya kami, ngunit mas masaya kung kasama namin si Anna. Ngunit ang totoo'y wala na siya. At sa pinagtatrabahuan kong kompanya nagtapuan ko ang Ate ni Anna. Pilit kong siyang tinanong tungkol sa aking kaibigan. Sinabi niya ang buong detalye, at ang tanging ko na lamang ulit nagawa ay umiyak ng umiyak. Ang dahilan pala ni Anna dahil may sakit siyang tuberculosis stage 4. Yun pala ang dahilan niya kung bakit siya dumura noong, at kinausap ang doktora naming na ilihim sa aming ang kanyang tunay na karamdaman, Dahil ayaw niya kaming maapektuhan dahil sa karamdaman niya. Pilit niyang pinakiusap na ilihim ito sa mga taong malalapit sa puso kahit siya'y patay na. Hindi ko alam anong magiging reaksyon ko sa nalaman ko. Sobrang sakit at panghihinayang ang aking nararamdaman. Gayon pa man, hinahangaan ko parin si Anna dahil sa ginawa niya para sa aming magkakaibigan. Siya'y mananatili sa aking puso pang habang buhay. Si ANNA aking matalik na kaibigan.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang matalik kong kaibigan si AnnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon