"Girl, saan ka ba pupunta?" tanong ng kaibigan kong si Chay.
"Uhh doon oh," turo ko sa upuan na pang-dalawahan sa gilid. Lunch time na kasi kaya naghahanap na ako ng upuan at baka maubusan pa kami ng pwesto.
"Ano ka ba! Hindi tayo dyan uupo!"
Ang hilig talaga sumigaw nito eh ang lapit ko lang naman sa kanya. Nakakahiya tuloy sa ibang tao kasi napansin ko na sumusulyap-sulyap sila sa amin.
"Sa garden pala tayo ngayon? Mainit ata eh." Maarte pa naman si Chay. Ayaw niyang pagpawisan at mainitan.
She rolled her eyes before answering, "basta!" Tignan mo talaga. Ang gulo kausap ng babaeng 'to. "Just wait for me na lang!"
Malamang! Saan pa ba ako pupunta diba?
After she was finished buying her lunch (nakabili na ko), nauna na siya maglakad habang nakasunod ako. Baka maasar kapag humiwalay ako sa kanya. Parang bata lang na kasama sa palengke, ano?
Inilagay niya yung tray sa isang table na may bag sa upuan kaya napakunot yung noo ko.
"Bakit dito? May bag oh. Malabo na ba mata mo?" Akala ko ulo niya lang may sira. Pati ata mata nadamay.
Inirapan nanaman ako! Tutusukin ko mata nito eh!
"Umupo ka na lang, Serena!" Lakas din makautos. Winner talaga!
Eh ano pa ba ang laban ko? Edi umupo na lang ako. Basta kapag nagalit yung may-ari ng bag iiwanan ko si Chay at kakain mag-isa sa garden.
Kakain na sana ako nang pigilan ako ni Chay. Tinanong ko pa kung ano ba problema niya pero pinandilatan lang ako ng mata kaya tumahimik na lang ako. Kumakalam na sikmura ko at baka masabunutan ko na talaga si Chay dahil sa mga kaartehan niya.
Chay suddenly waved so I looked at her weirdly.
Muntik na akong mapatalon sa upuan ko nung may nagsalita sa likod ko.
"Hey cous, been a while."
Bakit ganun yung boses niya? Ang manly tapos yung amoy niya hanggang sa pwesto ko naamoy. Naliligo ata sa pabango.
Gusto kong lumingon pero nahihiya ako. Baka ang dugyot ng mukha ko!
Nagulat ako nung sa tabi ni Chay umupo kaya naman magkatapat kami.
At damn, kung hindi lang nakakahiya pagpapantasyahan ko na lang siya all day pero dahil nandyan ang magaling kong kaibigan eh hindi ko ginawa. Baka idagdag niya 'to sa libro niyang 'Funny moments ni Serena #epic'. Yes, totoo 'yan!
"Oo nga cous, matagal-tagal na rin. Kahit nasa iisang school tayo hindi tayo masyadong nagkakasama kasi busy ka sa practice."
He chuckled (muntik na ko himatayin). "Strict si coach eh," sabi niya sabay tingin sakin.
May ganito palang kamag-anak ang best friend kong abnormal? Ni hindi man lang nabanggit sakin! I mean, madami namang gwapo sa school at gwapo rin yung brothers ni Chay pero parang ang intense nitong kasama niya. Ibang level eh!
Chay cleared her throat and I was brought back to reality. "As I was saying, Serena ito nga pala si Aenon. Pinsan ko. Captain ng basketball team. At Aenon ito naman si Serena Hope. Kaibigan kong baliw."
Oh gosh, kailangan pa ba imention yun?! Nakakahiya!!
Buti na lang nga at natawa siya kundi sinabunutan ko na talaga itong si Chay!
"Hi Hope, nice to meet you," he said, offering a handshake.
Nung sinabi niya pangalan ko, ewan ko ba. Parang iba. Parang special. Kasi Serena ang tawag nila sakin eh. Tapos siya Hope.

BINABASA MO ANG
Desperate To Have Him
Ficção GeralI wasn't the girl every boy noticed, but I was the girl he noticed, and to me, that was everything.