Ariah' s POV
🎵 'Till the day my life is through
This I promise you 🎵Natigil yung pagtugtog ng cellphone ko ng may magtext. Si Nico, boyfriend kong suplado. Hahaha, joke lang. Kahit suplado yan mahal ko yan. Actually, ngayon lang siya sa akin nag text after one week. Busy daw kase siya sa school because of reportings and project. LDR kase kame. Long distance relationship' kaya mahirap, iniintindi ko na lang. Nasa ibang school siya hindi same nung akin.
From: Babe Nico <3
Punta ka sa court. Now na.Wala man lang, I miss you? Baka busy talaga yon atleast nagtext na siya sa akin. Nagbihis agad ako at pumunta ng court.
"Mama, puntahan ko lang po si Nico ah." Paalam ko.
"Sige ingat anak."
"Ate yung mga notebooks mong naiwan sa library pinapalinis na ni Papa eh." Sigaw sa akin ni Aaron, nakababatang kapatid ko.
"Oo pasabi na lang mamaya ko kukunin ah? Sige, alis na ko. Bye"
Dali dali akong lumabas at pumunta ng court. Stress na stress na ko hahaha. Di 'bale, maganda pa naman ako. Pagdating ko ng court akala ko may liga or something, wala pala. Nakita ko lang si Nico dun sa dulo. Nakita niya na rin ako pero hindi man lang ngumiti.
Parang may bago?
"Hi babe, miss you. Bakit mo nga pala ako pinatawag? Miss mo rin ako no?" Sabi ko at niyakap siya pero bumitiw siya.
Anyare'?
"Ariah, bitaw." Mahinang sabi niya na nakapanlalambot sa pakiramdam. Bakit Nico? Hindi kita maintindihan. Lately kasi sobrang cold niya sa mga text niya eh.
"Why Nico? Bakit mo nga pala ako pinapunta? Miss na kita".
"Ariah, break na tayo."
Ha?
Pakigising naman ako kung nanaginip lang ako oh. Dali' niyo naman. Hindi niya na ba ko mahal? Hindi talaga kita maintindihan eh. Sana panaginip lang to pero hindi eh. Kinurot ko yung sarili ko pero nasaktan lang ako.
"Ha? Joke ba yan, hahaha nakakatawa ka talaga Nico." Sabi ko kahit alam ko na. Alam ko namang seryoso siya nagpapakatanga pa ko.
Bullshit lang.
"Intindihin mo na lang, hindi na kita mahal. Mahal ko pa pala siya Ariah. Siya lang pala laman nito". Sabi niya turo ang kanyang puso.
"Bakit ako ba maiintindihan mo? Nico baka naman nakukulangan ka lang sa akin pero ako talaga ang mahal mo oh. Diba sabi mo-."
"Di pala totoo, hindi kita mahal at hindi pala kita minahal."
Oh my god. All these years hindi niya pala ako minahal. Ang laki mong TANGA Ariah. Hindi ka na mahal naghahabol ka pa!
"Ganon ba? Sorry ah! Sorry umasa ako na ako lang. Salamat sa lahat." Sabi ko at umalis ng umiiyak.
Ayaw ko na siyang makita pa. Baka masampal ko lang siya. Yung taong mahal ko. Pero dapat hindi na ngayon. Kailangan ko ng mag move on. Madali lang ba yun? Yung tipong paggising mo, nalimot mo na siya. Hays. Imposible. Dahil makakalimutan mo lang siya kung ang mga alaala niyo ay lilimutin mo rin.
Napakagago mo Nico. Tapat ako sa iyo pero niloko mo lang ako. Ikaw ang tanga, hindi ako. Hindi ka dapat iniiyakan. Dumertso ako sa bahay, dumeretso sa kwarto ko. Ayaw ko muna ng kausap'
"Ate eto na yung mga notebooks mo, ako na nanguha oh. Can you open the door." Sigaw ni Aaron.
"Palagay na lang sa sala Aaron. Matutulog na si ate." Sabi ko at pinipigilang marinig niya ang iyak ko.
"Hindi ka na po kakain?." Sigaw niya ulit.
"Busog pa ko, sige na."
I think di lang talaga tayo para sa isa't isa Nico. And sana maging masaya ka sa ginawa ko. Kase ako magmomove na ko ako sa iyo. Kumbaga mala SHOUT OUT TO MY EX lang. Hahaha.
Malilimutan rin rin kita.
------
Monday na which means weekdays na naman. Morning routines again. Chuchuchu. Nag-uniform na ako and naglagay light make-up. Pagbaba ko, as usual wala si Mom and Dad. Syempre sasabihin nila busy sa business matter. Tsk. Lagi na nga silang wala eh. Wala na kaming quality time together. Buti ka nung weekend umuwi sila.
"Aaron, sila Mama ba wala uli?" Tanong ko.
"Opo ate eh. Ge papasok na po ako. Andyan na girlfriend ko eh."
Hanu daw?
"Hoy Aaron ang bata bata mo pa ah. Girlfriend girlfriend ka ng nalalaman! Grade six ka palang boy!" Sigaw ko. 'Tong batang to talaga eh. Pabugbog ko kaya ng matauhan.
"Si ate palibhasa niloko bitter!" Sabi niya sabay belat. Tumakbo na palabas. Pauso talaga ang lalaking yun. Ke bata bata alam na ang love love na yan.
Kumain na ako at pumasok na rin. Sumakay na ko sa kotse. Yep may kotse ako, regalo sa akin nila Mama nung 16th birthday ko. Sweet naman pala -.-
🎵 Di ko maintindihan
Pag-ibig mo't kapatawaran
Pag-ibig natin pantayan
Hinding hindi mo ko iniwan
Sino ba naman ako
Ako'y di karapat dapat 🎵Fuck.
Natigil ang pagsa-soundtrip ko ng may gumasgas sa gilid ng kotse ko. Seriously? Di ba siya marunong mag-drive? Papuntahin ko kaya ng driving school eh no?
"Hey, alam mo ba na nagagasgas ang car ko ng dahil sa iyo." Sabi ko kahit di ko siya makita. Lalaki ba ito or babae? Well I don't care. Hmmp.
Binaba niya ang windsheild and...
Wow.
Ang gwapo.
~~~~~
Next update pag sinipag, chos.
-messidae
YOU ARE READING
I Promise You
Teen FictionSiya si Ariah Kylee Elizalde, simple at kalog na babae na minsan ay naging sawi na rin sa pag-ibig. Nakilala niya si Ethan Mariano, ang nagpatibok ulit ng kanyang puso. Pero sa isang iglap, iniwan lang rin siya dito bakas ang kanyang mga PANGAKO. Tu...