Prologue

0 0 0
                                    

Ang istoryang ito ay ginawa ng manunulat para sa mga taong open minded lamang kung hindi ka open minded,  huwag mo nang basahin pa.

Strictly beautiful, Bambi_Zhou

======

Prologue

Lakas ng init ng hangin ang sumalubong sakin paglabas ko ng van na sinasakyan namin. Ibang iba ang klima dito kesa sa Baguio, doon malamig kahit summer pero dito parang Africa sa sobrang init.

"Daine! Ipasok mo na yang mga gamit mo, hinihintay tayo ni Ma'am Gladis sa loob!" Sigaw ni Tatay galing sa loob ng bahay este mansyon na ngayon ay titirhan na namin.

Driver at magiging Gardener ngayon si  Tatay, dito siya inirikomenda ng kaibigan niyang driver din sa kabilang mansyon dito sa subdivision.  Ginagawa lahat ni Tatay ang makakaya niya para masuportahan lahat ng pangangailangan namin, kahit na dadalawa nalang kami. I owe him so much kaya ginagawa ko ang lahat para mapasaya siya. Pati nga pagsama ngayon dito ay ginusto ko kahit alam kong maninibago na naman ako.

Dali dali kong binuhat ang aking bag na naglalaman ng ilang gamit ay sinundan ko si Tatay sa loob ng masyon. Sumilip agad sakin ang malawak na living area na parang conference hall ang laki at mga magagarang mwebles, picture frames, dingding, floor, sofa, mesa, malaking chandelier at mahabang staircase papuntang second floor ng bahay. "Wow" Ganito ang gusto kong bahay.

Naabutan ko si Tatay na kausap ang isang mestisang babae sa gitna ng living area.

"...oh! Is she your daughter?" Napabaling lahat sakin pati ang mga ibang katulong.

"Ah opo Ma'am! She is my lably dawter!" Sambit ni tatay na kinangisi ng babae.

"Hi I'm Gladis Lee and welcome to my house." Sabi nito at nakibeso pa sakin. Nahiya naman agad ako.

"Thank you Ma'am sa pagbigay ng trabaho kay tatay."

"Oh it's okay! Beside's kailangan talaga namin ng  driver ngayon lalo na't palagi akong nagtratravel. And by the way hija drop the Ma'am just call me Tita." Sabi pa nito na nakapagpangisi sakin.

Binalikan ulit niya si Tatay at nagbigay ng mga instructions. Napabaling naman ako sa glass wall kung saan makikita mo ang garden at swimming pool, lumapit ako doon. Tsaka ko lang napansin na may mga tao palang nagsasaya doon. Pitong bulto ng lalake at isang babae. Masasabi kong gwapo silang lahat at kahit alam kong ka-age ko lang sila ay namangha ako dahil sa features na meron sila.

Napatili ang babae nung ihagis siya ng isang lalaki na tawa ng tawa. Nagsitalon din naman ang anim, ang isang nagtulak ay naiwan doon na humahalakhak habang tinituro ang babae na ngayon ay masama ang tingin sa kanya. Hindi nito nakitang umahon ang isang lalaki at tinulak din siya, ngayon ay parehong tumatawa ang babae at ang lalaking nagtulak sa lalaking nagtulak sa kanya. Napangiti ako, the way the guy smile my hearts beating fast. Hindi ko alam pero crush ko na ata siya.

Tatalikod na sana ako dahil tinatawag na ako ni tatay ng may mahagip ang mata kong nakatingin sakin. The way he look at me parang napakalaki ng kasalanan ko. Kumunot ang noo niya at napailing bago bumalik sa pagswiswimming pero ako hindi natinag, tiningnan ko pa din siya.

"Daine, he's my son. Kyven Lee." Narinig kong sambit ni Ma'am Gladis sa likod ko.

Kyven huh? Maganda kaya ang magiging trato mo sakin? Magiging magkaibigan ba tayo? I hope so, pero parang malabo e. Hmft. Bahala na nga. Naglakad ako at sinundan si Tatay sa magiging kwarto namin pero bago yun, tumingin uli ako sa glass wall kung saan nakita kong nakatingin muli sakin si Kyven himdi lang siya kundi pati mga kasama nito. May sinasabi ang isang kasama niya at tinatanguan na lamang nito, bago ako makaalis doon ay nasilayan ko pa ang pagtaas ng gilid ng labi niya dahilan para maalibadbaran ako. Gosh!! Damn that smile!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Together (Solid 7 Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon