Siya Na Nga (ONESHOT)

2.9K 67 19
                                    

Copyright 2014 © Yeppeun

Siya Na Nga | One Shot Story

FACEBOOK GROUP: http://www.facebook.com/groups/IstoryaheNiBlesie

***

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang kahulugan ng tunay na pag-ibig. Nag mahal ako, iniwan, umasa, naging tanga at nasaktan. Ilang beses ko ng naranasan nang paulit-ulit ang mag mahal pero sa huli ito ako umiiyak at nasasaktan. Ilang beses ko na rin sinabi sa sarili kong siya na nga.

Pero sa ilang beses na iyon lahat sila iniwan ako, sinaktan at pinaiyak. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Kapag pumasok sa isang relasyon para ka na rin pumasok sa pakikipag-laban o giyera. May mananalo at may matatalo. May mga masusugatan, masasaktan at mapupuruhan. Ako itong nangunguna sa pakikipag-laban, kaya ako itong laging napupuruhan. Wala akong pinagsisihan, ginusto ko ito, nag mahal ako...

Ilang tao na nga ba? Hindi ko na mabilang, may mga naka relasyon, may mga nag paasa lang, naging ka-MU o kung ano-ano pa. Lahat na yata naranasan ko, lahat sila sinabihan ko ng salitang mahal kita pero alam mo ang mas malala? Sinabi ko sa sarili kong siya na nga.

Malandi ako? Siguro iyon ang tingin ng mga tao, wala naman akong magagawa hindi ko naman kontrolado ang mga isip at bibig nila. Iyon ang nakikita nila sa akin pero hindi nila alam ang tunay na istorya. Wala naman akong paki sa sasabihin ng mga tao. Masaya ako at nag-mamahal ako, hindi sila ang nasa kalagayan ko, hindi sila ang masasaktan kapag iniwan ako.. Kundi ako lang.

Sa mga taong minahal ko, ibang-iba silang lahat. Hindi ko sila pinagkukumpara, dahil sa bawat taong minahal ko may kani-kaniyang silang katangian at kani-kaniyang paraan kung paano ako iniwan. Nakaka-pagod na e, paikot-ikot na lang. Mag mamahal at masasaktan. Sa dami nila, isa lang naman ang hiniling ko iyong makamit ko ang happy ending na sinasabi ng karamihan. Wala naman masamang umasa na may happy ending, kasi kapag nag mamahal ka hindi mo maiwasan na maniwala sa salitang happy ending. Marami na akong minahal, pero kahit isa sa kanila hindi ko nakamit ang happy ending. Siguro nga, hindi totoo iyan.

Noong nakaraang buwan may taong nag tapat sa akin na mahal niya daw ako. Iyong salitang mahal kita katumbas pa ng isang mahika. Nakakapanlinlang, dahil kusa mo na lang mararamdaman iyong pag huhuramentado ng puso mo, iyong pagka-hulog mo sa patibong ng salitang mahal kita. Tulad ng mga nakaraan ko, naging kami at minahal namin ang isa't-isa. Sa tuwing kasama ko siya lagi kong nasasabi sa sarili kong siya na nga.

Ngunit, masyadong mapaglaro ang tadhana. Nakaka-gago dahil iniwan na naman ako. Pinanghahawakan ko pa rin ang salitang mahal kita, pero wala na akong magagawa kundi ang bitawan din siya. Nakaka-pagod, pero iyong puso ko patuloy lang sa pag hahanap ng taong siya na nga.

Naisipan ko na rin mag time-out muna. Gusto kong mag pahinga kahit sandali lang kaso ang pag-ibig na ang kusang lumalapit. Hindi ako uhaw sa pag mamahal, maikli lang kasi ang buhay kaya hinahanap ko lang talaga iyong taong siya na nga ang para sa akin.

Para sa akin ang pinaka masakit sa parte ng pag mamahal iyong ibinigay mo na lahat-lahat dahil akala mo siya na nga talaga. Pero hindi pa pala. Iyon bang pinaranas lang sayo kung gaano kasakit ang masaktan at ang iwan.

Lahat naman sila nag bigay aral sa akin, sa bawat luha at sakit na dinanas ko katumbas 'non ang pagiging matatag ko sa sarili ko, ito ako ngayon handa na naman humarap sa panibagong pag subok, mas matibay at hindi na marupok.

Lahat sila sinabihan kong siya na nga pero lahat sila iniwan din ako.

Nandito ako ngayon sa simbahan, nag lalakad patungo sa taong pakakasalan ko. Lahat nag flashback sa utak ko, lahat-lahat ng hinanakit, pangungutya ng mga tao, mga pagkakataong iniwan ako at lahat-lahat ng masasakit na ala-ala. Mabilisang sumagi sa isip ko.

Ilang hakbang na lang maaabot ko na ang kamay niya.

Ilang hakbang na lang masasabi na namin sa isa't-isa ang salitang I do.

Ilang hakbang na lang magiging asawa ko na siya.

Bigla kong naramdaman ang pangamba sa dibdib ko, sa lahat ng naranasan kong masasakit na ala-ala muli kong naramdaman..

Nangangamba akong iwan niya ako kalaunan.

Tulad ng dati, sinabi ko sa sarili kong siya na nga. Tulad ng mga taong sinabihan ko noon, lahat sila iniwan ako.

Natatakot ako.

Baka kasi iwan niya rin ako.

Siya na nga ba talaga?

Sa lahat ng taong nag daan sa buhay ko.

Nangangamba akong baka hindi pa siya ang para sa akin. Baka kasi isa siya sa mag paparanas sa akin kung paano ang masaktan, baka isa lang siya sa mga taong iiwan rin ako balang araw at baka isa lang siya sa mga taong masasabihan kong siya na nga.

Pero sana ngayon...

Siya na nga.

Siya Na Nga (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon