Kabanata 10

435K 14.9K 5.8K
                                    

#JustThisOnce

Kabanata 10 

Hindi ako sigurado kung nabigla lang ba ako kaya nasabi ko iyon sa kanya. But one thing was for sure... I was just guarding my heart. I didn't want to fall in love yet. I didn't want to get hurt too soon. Baka kasi sa pagkakataon na 'to, hindi ko na kayanin.

Parker was just looking at me, his face devoid of any emotion. Alam ko na dapat magsalita ako pero wala akong salita na maisip para sabihin. I knew I needed to say sorry, but a part of me didn't want to.

A part of me wanted to stay away from him—far away from him.

Ilang segundo na naka-tingin lang kami sa isa't-isa. Gusto kong hatakin ang oras para bumilis pero pakiramdam ko ay mas lalo lang bumabagal. And when I felt droplets of water pouring, at saka lang ako nakahanap ng sasabihin.

"Malapit ng umulan. Umuwi ka na," I said. He just nodded and turned his back on me. And why the fuck did it sting a little? I just did the right thing! It was right to tell him to back off. Ayoko na maging rebound niya, o siya na maging rebound ko. We're both from failed relationships and it would only cause us more harm kung pagpapatuloy namin ito—kung anuman ang tawag sa ginagawa namin.

Maybe I'd been too nice to him, too... but he's making me want to take care of him! Just one look at him and I wanted to envelop him in a hug. I wanted to shield him from everything... but I also wanted to protect myself. Paano kung nahulog ako sa kanya? Sasaluhin niya ba ako? Handa niya bang ipagpalit iyong mother figure niya para sa akin?

Ang daming uncertainties. At hindi ko kayang sumugal.

* * *

The next day, however awkward it was, pinilit ko na pumunta pa rin. After all, trabaho ko naman na tulungan siya sa kahit ano na kailangan niya. Pagdating ko sa bahay, nagtaka ako dahil may kasabay ako na papasok.

"Si Parker Palma po?" tanong sa akin nung lalaki.

"Sino po kayo?"

"Ay, delivery po. Nandyan po ba sa loob?" tanong niya at saka may nilabas na form at pina-pirmahan sa akin. Nang tignan ko iyong nasa loob ng paper bag, nakakita ako ng mga pagkain.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. It was me who practically told him to fuck off kaya bakit ganito ang nararamdaman ko? Bumili na si Parker ng pagkain niya—at ito lang naman ang ginagawa ko kaya nandito ako. Dapat maging masaya ako. Tinupad niya iyong sinabi ko sa kanya. Hindi na siya nagiging paasa dahil sa ginagawa niya.

But why did it still suck?

Hawak ko iyong paper bag. Alam ko na dapat ko na lang iwan iyon pero may nagtulak sa akin na umakyat at dalhin ito sa kanya. I gently knocked on the door and it was open.

"Good morning," I greeted. He was by his desk, and religiously studying, as per usual. Alam ko na narinig niya iyong boses ko, pero pinili niya na 'wag akong tignan.

"Nandito na 'yung pagkain mo," I announced. He remained silent. "Iiwan ko na lang dito." At hanggang sa makalabas ako, wala akong narinig mula sa kanya.

Sa mga sumunod na araw, ganoon ang nangyari. Tuwing umaga, darating ako at ako ang magrereceive sa pagkain na dinadala para kay Parker. Aakyat ako sa taas at ibibigay ko sa kanya iyong pagkain. And then he would act like he didn't hear anything at all.

But he employed my services... kaya naman kahit wala akong ginagawa, I opted to stay and just read books habang nagpapalipas ng oras.

"Nasa taas si Parker," sabi ko kay Preston nung pumunta siya.

Just This Once (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon