(JUNE 4 2005)
Habang nag-aaral si Norma ay todo kayod ang kanyang ina na si Katrina. Dahil sa hirap ng buhay at kasulukuyang nasa Grade 10 si Norma at malapit na itong grumaduate kung kaya't napilitan si katrina na pasukin ang lahat ng trabaho.Tumawag ang kanyang kaibigan ni Katrina na si Jennifer na nag tatrabaho sa Indonesia.
Katrina: Hello Jennifer? Napatawag ka ata...
Jennifer: Hello Katrina kamusta ka na??
Katrina: Eto ok lang at hangang ngayon naghahanap pa rin ako ng trabaho....
Jennifer: Ahh ganun ba....may iaalok sana ako sayong trabaho...
Katrina: Anong klaseng trabaho at saan?
Jennifer: Dito sa Indonesia....ang trabaho ay bilang yaya
Katrina: Sigurado ka ba diyan?
Jennifer: Oo.. so ano payag ka ba???
Katrina: Syempre naman alam mo namang kailangan na kailangan ko ng trabaho ngayon dahil malapit na mag graduate ang inaanak mo
Jennifer: Oh sige sundin mo lahat ng pinag uutos ko ahh dapat i-submit mo ito lahat
Katrina: Teka Legal ba yan?
Jennifer: Hindi naman pero promise di ka mahuhuli.
Katrina: Sige kaka usapin ko muna ung inaanak mo siguradong di payag yun eh...pero tatanggapin ko yang alok mo
Jennifer: Oh sige! maglilinis muna ako dito at baka dumating na ang amo ko...
Nang matapos ang usapan nila biglang nalungkot si Katrina dahil alam niyang mawawalay sa kanya ang kaniyang anak.
Habang naglilinis si Katrina ay biglang dumating si Norma na may daladalang magandang balita
Katrina: Oh nak nandyan ka na pala
*niyakap ng mahigpit ni Katrina si Norma
Norma: Opo nay.... Nay bat po ba ang higpit ng yakap nyo sakin may nangyari po ba?
Katrina: Wala naman nak basta tandaan mo lang mahal na mahal kita
Norma: Nga po pala nay may balita po ako sayo
Katrina: Ano iyon nak?
Norma: Wag po kayong mabibigla ahhh.....NAY MAY POSIBILIDAD NA MAKAPASA AKO BILANG SCHOLAR SA ATENEO UNIVERSITY!!!
Katrina: TALAGA NAK!! SALAMAT NAMAN SA DIYOS!!!
Norma: Opo nay....kaya konting tiis na lang po yayaman na rin po tayo
*Nagyakapan ng mahigpit sina Katrina at Norma*
Napalitan ng tuwa ang lungkot ni Katrina kung kaya di niya na sinabi na siya ay aalis at pupunta ng ibang bansa.

YOU ARE READING
Sacrifice
Historia CortaIto ay isang storya ng mga OFW na kung saan iniwan ng isang ina ang kanyang anak para sa kinabukasan nito ngunit lingid sa kaalaman nito,ito pala ay isang trahedya na mag hihiwalay sa kanilang mag ina