Lap Dance 1

50.6K 147 2
                                    

Nina's POV

Kakaubos lang namin nang dalawang bote ng Captain Morgan. Our usual drink pag may pera kami. Kakabukas lang ni Corinne sa bote ng tanduay select. Yung lang daw kasi ang pwede niyang ipuslit sa bar ng resort nila.

Anim kami ngayon sa beach resort ng tita ni Kara. Apat kami magkakaibigan, ako, si Kara, si Natalia at si Janine. Kasama rin namin ang nakakatanda ng isang taon na pinsan ni Kara na si Corinne at ang nakababatang kapatid ng isang taon ni Natalia na si Tasha.

Nasa tabing dagat kami nag-iinuman ngayon. Good thing they don't have strict rules here. Pero nakakatulong rin na may kasama kaming kamag-anak ng may-ari. "Truth or dare tayo?" nakangising aya ni Janine na tinamaan na. Siya kasi pinakamahina basta inuman. She promised herself she wouldn't start drinking until she graduated college kaya eto. Para nang baliw kakangiti. Para nang bata mag-aya ng truth or dare.

"Ano tayo? Mga bata?" naiirita kong tanong. Kanina pa ako naiirita actually. Nandito rin kasi tarantado kong ex.

Nakalimutan kong pinsan din ni Kara at kapatid ni Corinne at boyfriend ni Natalia si Jacobo na kaibigan ni Dominic. Nagkataon rin na isa sa mga kaibigan ni Dominic na si James na boyfriend naman ni Janine. Ba't kasi pumatol pa ako sa kaibigan ng mga boyfriend ng mga kaibigan ko. Tapos ngayon parang meron ding something kay Tasha at sa isa pang kaibigan ni Dominic na kasama nila na si Greg.

Roommates kami sa dorm ng mga babeng to habang yung apat na mga damuho naman ay naging magbarkada nung maging blockmates sila. Ahead sila sa amin ng isang taon pero dahil five year course sila kaya sabay sabay kaming grumaduate. Nagkakilala kaming lahat sa isang subject na kinuha naming summer ng first year namin. Late silang apat pumasok habang ako at si Kara ay late enrollees kaya nasa likod kami ng classroom.

Kakagraduate lang namin kaya eto, relax muna bago maghanap ng trabaho. "Hayaan mo na Nin. Naubusan na rin kasi tayo ng gagawin," sabi ni Corinne. Kinuha ni Kara yung bote ng captain morgan at sya ang unang umikot nun kahit sobrang hina lang kasi nasa buhangin. "Oh Nina. Ikaw nauna. Truth or dare?" tanong ni Kara.

"Truth," bored kong sagot. Masyado akong tamad para pumili ng dare. Baka ano pang ipagawa nitong mga gagang to.

"Ba't ba sobrang bitter ka kay Dominic? Aside from the fact na siya nakipaghiwalay at sobrang nadurog pride mo." diretso niyang tanong. Tinaasan ko lang ng kilay. "Ano ba naman yang tanong na yan Kara. Ano tayo? High school?" natatawang tanong ni Natalia. Nasasabi niya lang yan dahil masaya naman siya kay Jacobo.

Di ko naman rin naman kasi talaga inamin sa kanila ang totoo. "Okay. Fine. Yung totoo? Para kasing nagsawa na siya sa akin o dahil na rin siguro sa di ko siya mapakilala sa parents ko at ayaw ko munang ipakilala niya ako sa parents niya. Pero di niya naman inamin. He said he wanted to concentrate on his studies and pressured din siya sa parents niya. May iba na yata siyang nilalandi nung nagkahiwalay kami na naging girlfriend niya after around a month namin maghiwalay."

"Ba't kasi sobrang strict ng papa mo," nang-aasar na sabi ni Janine. "Buti pinayagan ka na niya ngayon." Sa totoo lang, this is the first time na nagpaalam ako sa parents ko na may ganito akong lakad. Dati kasi patago lahat. Patago yung relasyon namin ni Dominic. To the point na takot akong lumabas kami kaya laging sa school lang kami nagkakasama. Patago rin lahat ng gala ko at inuman.

Inabot sa akin ni Kara ang bote na pinaikot ko naman agad. Tumapat ito kay Janine. Ngumisi ako. "Ano ang pinaka intimate na ginawa niyo ni James?" Di ko na siya pinapili ng truth or dare.

Pinamulahan siya. Alam ko naman talaga anong pinaggagawa nila. Gusto ko lang aminin niya. Siya kasi pinakainosente sa amin magkakaibigan. Sa salita at sa gawa. Pero alam ko ang likaw ng bituka ni James. Kaya nga magkaibigan sila ng ex kong hayop. Ngayon lang rin nagtino si James eh. "We did it," she muttered. "Ano? Di ko marinig," pang-aasar ko. Pinanlisikan niya ako ng mata. "Fine. We did it. We had sex already. Nung isang taon pa," namumula niyang amin. Napatawa kaming lahat. Yan kasi. Ba't nag-aya pa ng ganitong laro. Siya pa tuloy napahamak. Pero sabagay, malapit na sila mag three years. And knowing James, di yun makapaghintay.

Inikot ni Janine ang bote at tumapat yun kay Tasha na tila namutla. Nagsisisi na to ngayon ba't siya sumama. Sinanay na siya ng ate niya sa inuman para alam niya limitasyon sa alak. Nakayuko itong sinabi ang salitang truth kahit di pa tinataong ni Janine. "Ikaw Natasha! Ano na ba talaga kayo ni Greg? Alam namin si Greg ang pinakamatino sa kanila magkakaibigan pero lalaki pa rin yan. Gago pa rin yan. Mas madalas yung ulo sa baba at hindi sa taas ginagamit. Bata ka pa naman." Kung makapagsalita naman tong si Janine. Nasa edad naman yata siya ni Tasha nung maging sila ni James. Naging bitter rin ng konti kasi mukhang may LQ sila ngayon.

Titig na titig rin si Natalia sa kapatid niya. Magkaibang magkaiba kasi sila. "Walang kami Ate Janine," nahihiya niyang sagot. Medyo naiilang. "Magkatext paminsan minsan. Magkachat. Lumalabas nang iilang beses pero di naman po seryoso." Nagtanguan kaming lahat.

Inikot naman ni Tasha ang bote at tumapat ito sa akin ulit. Alam kong di niya yun sinadya pero nakakapunyeta pa rin. "Rules have changed guys," biglang anunsyo ni Kara. "Dapat alternate ang truth at ang dare. At since tapos na mag truth si Nina, dare na dapat ngayon." Habang sinasabi yun ni Kara, may binubulong si Natalia sa kapatid niya. I don't like where this is headed. Si Corinne at Janine lumingon saglit sa grupo nina Dominic. Nasa may sun loungers kasi sila malapit sa isa sa mga beach front cottage na di kalayuan sa amin. Nag-iinuman rin tulad namin.

Humarap sa akin si Tasha. "Ate Nina, ilap dance mo po si Kuya Dominic." Pinanlisikan ko ng mga mata si Natalia. "Thirty seconds," dagdag niya pa.

"Seryoso?" tanong ko. Tumango na man si Tasha. Sinabayan din ng lahat. Putangina!

Author's Note:

Di ko alam san ko to napulot. I honestly don't know. 3 chapters lang si Nina at Dominic. Pagkakasyahin ko sila sa 3 chapters lang talaga. HAHAHA

If you noticed, my characters in all of my stories are always into the habit of drinking kahit college pa lang. Di ko naman sinasabi na mabuti ginagawa nila. Pero di ko rin naman sinasabing masama. Gawain ko kasi ito nung nag-aaral pa ako. Also, if you notice, they are into premarital sex. I'm not saying its good. But I'm not saying its bad as well. It's just a reality.

Compilation of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon