Chapter 12

851 21 0
                                    

Shijila's POV

Nandito na kami sa Mansion nila James, nasa library ng bahay nila to be exact, bawal raw kasi sa room niya at may mga books dito, wala naman rin kaming magagawa, hindi namin toh bahay eh.

Naasign na pala kami at ako eto.

Type
Type
Type

Type sa laptop. "I'm done" masayang sabi ni Loren, "kanina pa ako" sabi ni Ara na busy sa laptop niyang mag brows sa social media, dahil may WI-FI, "tapos narin ako" sabi ni James. Ba yan, kami nalang ni Liam, "Guys, garden muna ako" paalam ni Loren at tinanguan lang ni Liam si Loren na lalabas na.

Nasa carpet nga pala ako na naka indian sit, at nasa tapat ko si Liam, at si Ara nasa single couch, si James lumabas rin kasama si Loren, sumunod din pala yun. Biglang nagring phone ni Ara kaya nagpaalam siyang lumabas muna. Kami nalang ni Liam dito, ano ba toh? Kunti nalang talaga, at matapos na ako.

Malapit naaa..

"Done/Finish" sabay naming sabi ni Liam at sinira ang laptop namin, tumayo na ako at siya rin. "Liam puntahan natin sila" sabi ko, at lumabas na kami. Pagkalabas namin wala si Ara o sila James at Loren.

Liam's POV

" Garden tayo" sabi ni Shi at naglakad na kami patungo sa  garden. Hindi parin ako maka get-over, dahil kasal na siya. Wala rin naman siyang boyfriend noon na seryoso, bakit di ko na niligawan!?

Oo may gusto ako sakanya, i mean mahal ko siya, highschool pa kami, ang jolly niya kasi noon at mahilig sa sports, hindi rin maarte, maganda rin siya, kaya siguro nahulog ako. Nang nalaman kung kasal na siya, wala na akong magawa kundi tanggapin at magmove-on for the better, ayaw ko naman maging selfish at agawin siya, basta kung saan siya masaya dun na ako.

"Liam" tawag niya saakin. "Hmm" pababa na kami sa hagdan. "Anong oras na?" Tiningnan ko naman wrist watch ko. "10:14, uuwi kana?" Madilim na, delikado ngayon. "Ah, oo eh. Late na kasi" tumango na ako at dumiretso na kami sa garden.

"Loren, James, si Ara?" Sabi ni Shi sakanila Loren na nagpicturan kahit madilim at si James na busy sa phone. "Nandun oh, may kausap sa phone, si Skyler yata" sabi ni Loren. "Ah, sige, alis na ako" paalam ni Shi. "Sige, hintayin lang namin si Ara." Sabi naman ni James na busy sa phone niya.

"Bye na sainyo" at tuluyan na siyang umalis patungo sa sasakyan niya.

Shijila's POV

Nandito na ako sa elevator ng building sa PH ni Drian. Tiningnan ko phone ko at may 1 miss call at 1 message from Drian.

From: Adrian

  Anong oras ka uuwi? Tumawag ang mom mo kanina para kamustahin ka.

Ay sayang, buhay pa pala si mama? Grabe ngayon niya lang naisipang tumawag, kay Drian pa, psh.

Bumukas na ang elevator sa floor na pupuntahan ko kaya bumaba na ako at naglakad pamunta sa pinto niya. Nang nasa harap na ako nilagay ko na ang code kahit may card naman ako para buksan to, mas trip ko lang yun.

Pagkatapos pumasok na ako at nakita ko si Drian na kumakain ng pizza sa living room kaya lumapit ako at umupo sa tabi niya at kumuha ng pizza, gutom kaya ako.

"May birthday party daw bukas, beach party, para raw sa birthday ng anak ng ate mo" omyg! Birthday pala ni baby Theo bukas, why so forgetful Kacy.

"Aabsent daw muna tayo sa monday dahil overnight at magdala ka raw ng swim suit" beach paaarrtehhh, alam kung kasama sina Berl at Mint dito kaya, dali-dali akong pumunta sa kwarto ko at tinawagan si Mint. Mga tatlong ring bago niya sinagot.

"Wutt?" Ay, taray ni Mint.

"Hello rin ah" sarcastic na sabi ko.

"Ay, ikaw pala Kacy" di man lang pala tiningnan, pasalamat ka love kita.

"Napano ka bruha?"-me

"Ah..eh..kasal na ako"-Mint

"What!? When?!"-me

"Kanina, naka pirma na kami. Iisa na nga bahay namin. Eto pa, iisa lang kwarto namin."-Mint

"G luck bruha"-me

"Nga pala, ba't napatawag ka?"-Mint

"Beach party bukas ni baby Theo, mall tayo"-me

"Nakabili na ako ng damit ko  at busy ako tomorrow, at ito pa, isama ko raw si Spade sa birthday ni baby boy"-Mint

"Ahh, okay, kami nalang ni Berl. What time pala ang start, at asan?" Di kasi ako nainform.

"3 pm sa resort ni ate Chloe"-Mint

"Ah, sige, by-" bastos! Binabaan agad ako.

Tinawagan ko nalang si Berl at himiga.

"Kacy, mall tayo bukas"-Berl

"Sige, at 9 am tayo,"-me

"Sige, byie" at binaba niya na. Hindi ako nainform na ako ang tatawag at sila ang mag eendcall.

Kinabukasan

Nakabihis na ako, skinny jeans, black crop top, at white balenciaga shoes. Tapos na akong magpaalam kay Drian at kumain ng almusal kaya papunta na ako sa mall.

Berl's POV

Naagahan ako dito sa mall ng mga 1 and a half hour dahil, nakaka embyerna na dun sa bahay, di ko alam na usu na pala ang fix marriage, una si Kacy tapos si Mint at ngayon ako. Kala ko ba mahal nila ako.

Hindi ko alam ang name nung guy basta Smith ang apilyedo niya at half hilaw rin daw siya. Actually magkikita SANA kami ngayon pero tinakasan ko sinabi kung birthday ni baby boy ngayon, at akala pa nila na boyfriend ko raw yung baby boy nayun, tsk.

Naglibot muna ako at pumunta muna sa arcade, so maglalaro ako mag-isa. Nandito na ako sa arcade at naka bili na ako ng token, pumunta agad ako sa vending machine na may dolls at dun ko hinulog ang dalawa kung token.

Ginawa ko na yung dapat ko gawin pero ayaw, hindi ko rin nakuha kaya umulit nanaman ako ng  ulit ng umulit hanggang nag vibrate phone ko sa bulsa ko. Kinuha ko naman ito at tiningnan.

From:Kacy

  Berl, nandito na ako, asan kana?

Magrereply na sana ako ng nagtext siya ulit.

From:Kacy

   Sa Florel nalang tayo magkita.

Nireplayan ko naman siya ng 'ok' at umalis na ako ng arcade papunta sa Florel.

Kainis naman yun, nag-iisang oras na ako dun sa machine nayun wala parin akong nakuhang doll, kainis.

Married To A Gangster  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon