Crush at First, Love at last.

194 2 0
                                    

Chapter 1

“May mga bagay na hindi nabibili ng pera, tulad ng pag mamahal…”

“Pag mamahal, pagmamahal!” nabulong ko na lang sa sarili ko habang patago kong nilalagay ang earphones ko sa tainga ko, nakakasawa kaya, at tsaka hindi din naman ako nakakarelate. Hello? Accounting subject namin ngayon, hindi humanities. Pero ano pa nga bang magagawa ko, inlove si ma’am eh.

May napansin akong bago sa iPod ko, siguro na-pasama lang sa na dinownload ko pinindot ko yung play para i-check kung maganda yung kanta… at yun love song  pero pinakinggan ko pa din kahit na kaylan man hindi ko magustuhan ang love songs,  pero since nakakarelax ang tono nya, pinakinggan ko na rin.

iPod:

There’s something I wanted to tell you

The love I cannot contain

All the time I’ve spent watching your way

I want to tell you just once…

Today I want you…

Today I want to hold you in my arms

I’m looking at you

As I’m looking at only you~~

“KALOKOHAN!!” Sumabog na lang bigla sa bibig ko. Tss. Patay!

“Yes? Miss Zuñiega? Defend your answer.”

“Ah-eh… Ma’am?”

“Tinatanong ni Ma’am kong ano ang meaning ng LOVE”

 Hai. Buhay, mabuti na lang may katabi akong katulad ni Mico, nasasagip ako sa mga ganitong sitwasyon…

“Ah—Kalokohan ang sumisira sa love, na kung saan ang love ang pinaka sacred thing dito sa earth na dapat pinapahalagahan ng bawat isa.”

At isang masigabong tawanan ang binigay ng buong klase sa sagot ko. Aissh. Kaya ayaw ko nagiging topic ang love eh, palagi lang akong pinagtatawanan. Umupo na lang ulit ako sa upuan ko nang nakayoko sa sobrang hiya.

“Miss Zuñiega, I asked you, what is the entry on February 2. At sasagotin mo ako ng kalokahan, tapos mag eexplain ka tungkol sa love?... Okay class, what will be the entry in February 2?”

*BELLS RING*

“Ui Zuñiega !”

Alam ko na kung sino ang tumatawag, boses palang ng gagong yun kilala ko na. Huminga ako ng malalim, kumukulo talaga ang dugo ko. Mico itong sayo. *Inhale, Exhale*

“Bull sh*t ka!! Tarantado ka pala eh”  talagang di ko napigilang pag papaluin sya ng libro ko.

“Sorry na, hindi ko naman kasi alam na maniniwala ka, Sorry.”

 “May araw ka din sakin. Tandaan mo yan Mico Villa”

Sabay nag walk out ako. Sana hindi nlng Zuñiega family name ko, gusto ko nag sisimula sa A, para malayong malayo sa lettr V as in Villa. Habang nag lalakad ako… *Baam* Ganito na ba ako kamalas para mapahiya sa klase at ngayon mabanga sa isang tatanga tangang tao na paharang-harang sa daanan ko.

“Ouch. A—Ouch”

“Okay ka lang miss?”

“Ha? Sira ulo ka ba? Nabangga mo ako, natumba ako, lumagapak ako sa floor, malamang masakit yun.”

Inoffer nya yung kamay nya para tulungan akong bumangon, at syempre tinanggap ko na yung tulong nya, kasalanan nya din naman in a first place.

“Pasensya ka na ha! Nagmamadali kasi ako. Sorry ulet.” Nag smile sya sakin at nag wave, sabay tumakbo ng napakabilis, baka nga nag mamadali sya, in fairness ang cute nya. Haha. Hinabol ko sya ng tingin, sino kaya sya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 26, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crush at First, Love at last.Where stories live. Discover now