ANG LIHAM NG APOY SA YELO

17 2 1
                                    


" Para sa nagbabagang damdamin na nabuo sa malamig mong pakikitungo."

Isa tayong magkaibang bagay
Nahulog sa patibong na hinangas tahakin
Kahit paulit ulit na madapa
Siguro nga ay ako o ikaw? Masyado tayong uhaw sa tubig ng pagbabago.
Hanggang sa maalaala nating dalawa na ang tubig, ikatutunaw mo at ikamamatay ko
Sapagkat yelo ka at apoy naman ako

Nakakatawang isipin na bakit pinilit ko pang lumapit at tiniis na manghina
Inaakala nila na ang apoy ang mas malakas sapagkat ako ay nakakapaso
Ngunit sa totoo lamang ay kayang kaya mo akong patayin.
Mas malakas ka saakin.
Dahil ikaw ang kahinaan ko

Siguro nga ay nalunod lang ako ng sobra
Sobra sobrang damdamin hanggang sa mapuno at umapaw,
Walang mapagsidlan.
Pinupunan kita kahit na wala kang hinihingi.
Kusa kong ibinigay kaya't wala na akong natitira. Naubos

Nalilito na ako kung gusto mo ba talaga ako o
Gusto mo lamang panoodin akong magbigay ng magbigay.
Hindi ako telebisyon at
hindi ka isang salok.
Hindi mo dapat sinusukat ang kaya kong ibigay para lamang sa wala. Wala ka namang maidahilan.

Masakit. Ang sakit sakit mahulog sa tulad mo
Sinusubukan mo lang ba talaga ako? O
Naaaliw ka lamang dahil kaya kong gawin ang lahat
Lahat lahat para lamang
Sayo?

Isa kang lason na paulit ulit kong pipiliin sa dinamidami ng inumin
At pilit uubusin habang tinatantsa ang lasa at timpla
Na sa lamig nito ay nakakalason na.

Huwag na nga tayong magmahalan pa
Sapagkat
Ikamamatay ko
At
Matutunaw ka.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ANG LIHAM NG APOY SA YELOWhere stories live. Discover now