Dati

1.3K 57 27
                                    

Dati kasi... akin pa siya.

Para akong timang na nakaharap sa screen ng computer. Masakit. Nakaka-asar. Ang sarap pira-pirasuhin ang monitor ng PC na ni-rentahan ko. Pero dahil hindi naman sa'kin ay nagtimpi na lang ako. Tiningnan ko ang katabi ko na nakangiti pa habang iniisa-isang i-scan ang pictures sa facebook account nya gamit ang katabing PC na ni-rentahan rin niya.

"Grabe, may maskels na si insan oh!" masayang turan niya. 

Kunwaring hindi ko na lang narinig at agad ni pinindot ang button para alisin na ang picture na nakabalandra sa harap ko.

Masakit kasi talaga. Kahit anong pilit kong itago pa 'to, obvious naman na nasasaktan pa din ako.

Apat na taon, napakahabang panahon para mag-move on pero hindi ko nagawang gawin 'yun. Dahil kung talagang nakapagmove on ako sa kanya, bakit masakit pa ring makitang may kasama siyang iba?

Ang saya-saya niyang tingnan habang nakapatong ang braso sa balikat ng isang babaeng nakangiti. At mas pinalala pa ng sitwasyon ang nararamdaman ko. Bakit sa lahat ng picture na lalabas sa newfeeds ko, picture pa nilang dalawa habang may akay-akay na bata?

Litrato ng isang masayang pamilya.

Masayang pamilya? Nakalimutan niya na kayang minsan sa buhay niya ay nangako siyang bibigyan niya rin ako ng masayang pamilya?

Mahal ko siya. At alam ko ring minahal niya din ako.

Hindi ko naman hiniling na ibigay niya sa'kin ang lahat. Pero halos lahat ng saya na mararamdaman ng isang babae, pinaramdam niya na. Nguni't sa huli, iniwan niya pa rin ako.

Pinili niyang kalimutan ang lahat ng pinagsamahan namin. Pinili niyang maging iba.

Pinili niyang kalimutan ang dating s'ya.


---

Hindi pa 'to tapos. Bow. Haha. Hintay-hintay lang po, paisa-isa ay matatapos ko din 'to. Tiwala lang. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tulad ng DatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon