She keeps me warm (Lesbian Love Story)
LoveAnarchist © 2012
-----------------
[Kaye's POV]
"Wag mong hawakan ang kamay ko.. Pinagtitinginan tayo ng mga tao.." Halos pabulong kong sabi sa kanya. But she ignored what I said at lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
"AJ! Ano ba?!" I shouted at her nang makalagpas na kami sa kumpol ng mga estudyanteng nasa tapat ng gate. Hinila ko pabalik ang kamay ko at tinignan siya ng masama.
"Halika, punta muna tayo ng mall." Sabi niya at aakmang hahawakan ulit ang kamay ko.
"Tama na AJ! Ayoko na! Alam na nila ang tungkol satin." Mangiyak-ngiyak kong sabi.
Sumeryoso ang tingin niya sakin at sabay sabing, "Oh di okay. At least, wala na mangungulit pang manligaw sayo dahil alam na nilang tayo." Tapos ngumiti siya. Naglakad na siya at nakapagtatakang sumunod naman ako.
"AJ.. Ayaw sayo ng mama ko.." Mahina kong sabi. Maya-maya ay tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.
"Ayaw ko din naman sa mama mo eh.. Di ako pumapatol sa matanda Kaye. At saka isa pa, ikaw lang ang loves ko.." Ngumiti siya sakin at hinawakan na ulit ang kamay ko. "Tara punta na tayo sa mall.. Libre kita ng fries.. Tapos maglaro tayo ng arcade.. Di ba magaling ka sa..."
"Ano ba AJ?! Ayoko na! Maghiwalay na tayo!" Sigaw ko sa kanya. Napatigil siya sa sinasabi niya. Halata namang nagulat siya dahil sa reaksyon ng mukha niya.
"Ah.. Eh di sige.. U.. uuwi na ko.. Kita na lang tayo bukas. I love you.." Hinalikan niya ko sa pisngi at pagkatapos ay naglakad na siya palayo. Pinagmasdan ko siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko..
"Sorry AJ.. Pero ito ang tama.. Mahal kita pero susundin ko ang mama ko.. Paalam.." Bulong ko sa sarili.
~
Gumising ako kinaumagahan na masakit ang ulo. Di ko alam kung bakit parang ang sakit-sakit ng gagawin ko. Simula kasi ng malaman ng mama ko na may relasyon kami ni AJ ay nagbigay na siya ng ultimatum sakin. Kailangan ko siyang hiwalayan kung hindi ay dadalhin ako ni mama sa States na ayaw ko namang mangyari. Ayaw kong mapalayo kay AJ kaya napagdesisyunan kong sundin na lang ang mama ko kesa malayo ng tuluyan sa kanya.
Kumuha ako ng box at inilagay ang lahat ng mga bagay na binigay niya sakin at may koneksyon sa kanya. Ang mga iniregalo niya sakin. Pati si Chichay bear na niregalo niya sakin nung birthday ko. Pagkatapos ay inilagay ko na sa walk-in closet ang box.
It's time to move on.. Makakalimutan ko din naman siguro siya. At makakahanap din siya ng ipapalit niya sakin. Habang iniisip ko yun ay umiyak na naman ako. Di ko kaya.. Pero kailangan kong gawin.
Tinignan ko ang phone ko at puro messages niya.
From: AJ <3
Good morning babe. :)
From: AJ <3
I miss you. Kita na lang tayo sa school ha?
From: AJ <3
Bakit di ka nagrereply? :(
Tumulo na naman ang luha ko. Isa kasi to sa mamimiss ko sa kanya, ang good morning messages niya. Bakit ba kasi napaka-optimistic ng taong to? Kahit na sinabi ko na sa kanya na ayaw ng mama ko sa relasyon namin, binabalewala niya pa rin ito.

BINABASA MO ANG
She keeps me warm (Lesbian Story)
Non-FictionDahil sa favorite ko na si Mary lambert at ang kanta niyang She keeps me warm, nakaisip ako ng isang story plot about lesbian love. Hope you guys like it, especially sa mga lesbian readers ko jan.