Chapter 8

29 1 0
                                    

KYLE's POV.

ito na ang araw. Magsosorry na ang 3 mean girls. LOL Binabantayan ko ang mga kilos nila, at alam nila yun kaya kailangan nila umayos ng kilos. Nasa tapat sila ng room namin kung san nakaroom din si Tricia. Inaantay nil si Tricia habang binabantayan ko sila kahit nasa loob ako ng room.

 Maya maya pa dumating na si Tricia, Bago siya makapasok ng room. Bigla ng lumuhod ang tatlo at sumigaw ng "SORRY TRICIA LEE UMALI."

 Yung mukha ni tricia parang nagulat sya. Napahinto sya sa pagpasok ng room? Parang nagtataka kung bakit. Yung parang ganto yung looks... O_o

"Bakit kayo nagso--"

 hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil nagsalita na ang tatlo.

 "Sorry tricia, kami ang nagpakalat ng photos mo sa Buong campus with those bad comments. We're really sorry. Please, mapatawad mo sana kami."- sabi ni ginger

 "Sorry tricia, Hindi na mauulit PROMISE."-sheena

 "Patawarin mo na kami Tricia. Please."-christine

 "E mga Gag* pala kayo e! Gagawa kayo ng ganun tas magsosorry. Anu tingen niyo kay tricia? Uto-uto para magpatawad lang ng ganun ganun tapos ipapahiya niyo na naman?!"-gizelle

 "Hinde. Sorry na talaga. PROMISE HINDING HINDI NA MAUULET."-ginger

 "oo PROMISE hndi na mauulit."-sheena

 "kahit lumuhod pa kami maghapon, mapatawad mo lang kami tricia."-christine

 "Tara na nga tricia, pumasok na tayo. Hayaan mo silang magsisi sa pinaggagawa nila sayo."-gizelle

 "Hinde gizelle, Ok lang. Tumayo na nga kayo. Para kayong tanga! Para kayong pulube! Wala kayong kwentang tao. Hindi kayo kailangan sa mundo. Walang mapapala yang pinaggagagawa niyo. Mga bullsh*t kayo! Letche!"-tricia

 "aw. sabi mo ok lang ? haha tara na nga. hayaan mo sila jan."-gizelle

 "wala, ok lang tlga. pinagsabihan ko lang sila. Sinabi ko lang yung totoo, na panira lang sila sa mundo. Diba?"-tricia

"TUMAYO NA KAYO KUNG AYAW NIYONG MAGINIT PA ULO KO! BWISET KAYO! WALANG KWENTANG TAO! SINASAYANG NYO PAGKABABAE NIYO. PANO KAYO GAGALANGIN KUNG GANYAN KAYO?! "-tricia

"hindi na mauulit tricia."-sabi nilang tatlo

"DAPAT LANG!" 

"pinapatawad mo na ba kami.?"-christine

"OO NA! TUMAYO NA KAYO!"

akala ko pa nman di mapapatawad ni Tricia yun. HAHAHA

ang cute talaga ni Tricia pag nagagalit. Grabi? Para lang kaming nanunuod ng live dramatic play. Ang lakas ng boses ni Tricia e, parang nakaspeaker. Grabihan sumigaw. Ang cute niya tlga pag galit. HAHA LOL

Pumasok narin siya ng room. Korni talaga ng klase, wala naman akong naiintindihan. Boring e. Kahit yung ibang students di rin nakikinig, halos lahat sila pinaguusapan yung mga pangyayari kanina hanggang sa Recess na. 

9:30am, andun na sa stage ang tatlo.

"EHEM. Alam po namin na nakakahiya to'ng gagawin namin. Pero alam din namin na malaki ang aming kasalanan kay Ms. Tricia Lee Umali ng 3rd year Section B-Copper. Inaamin na po namin, wala naman talagang ginagawang masama si Ms. Tricia, sa totoo lang, mabait siya. Kahit malaki kasalanan namin sa kaniya, nagawa parin niya kaming patawarin. Nagawa namin siyang tapunan ng tubig, sigaw sigawan, o murahin. Ayaw na ayaw naming napapahiya ang sarili namin, lalo na ako. Alam niyo yan. Pero, gusto ko lang naman na malinis ang panglan ni tricia dahil nga kasalanan din namin to.  Sana mapatawad niyo kami. Sa pagkakaalam ko, matagal ng friends ang mom ni Kyle at Tricia, at hndi naman talaga nilalandi ni Ms. Tricia si Kyle, actually, sila na po talaga. We're really sorry for every sin na nagawa namin."

Nagsigawan ang mga students, pinagbabato sila ng crumpled papers. Tapos puro "boooooo". Si tricia naman, napatingin lang. Parang ang lungkot parin niya. Bakit kaya? :(

 Hayy.. Alam ko na, mamaya ko na lang ibibigay si Kuromi sa kaniya para matuwa naman siya. Alam ko na matutuwa siya pag nakita niya si Kuromi. Ang cute nun e ^^

"TUMIGIL NA NGA KAYO JAN! Di naman ako utu-uto, di naman kayo gagawa ng ganyan kung di kayo napipilitan e. Wag na kayo magsorry kung labag lang din sainyo. Walang kwenta! Plastik."

Nagulat ako nung bigla siyang sumigaw dun. Grabe? Ano kaya problema nun. Parang ang init ng ulo niya e. Parang abnoy lang e.

 Uwian na. Niyaya ko si Tricia na ihatid sa bahay nila. Pero bago ko siya ihatid, d?umaan muna kami sa bahay. Kinuha ko si Kuromi at binigay kay Tricia nung nasa kotse sya. Yung nakakunot na noo niya, biglang nwala tas biglang an laki ng ngiti niya. Nkakatuwa kasi napasaya ko siya. Tas bigla niya ko niyakap sa tuwa tapos paulet ulet siyang nagpapapasalamat.

 Kaya ayun, hinatid ko narin siya sa kanila. Sabi niya na wag na daw muna ako umalis.  Pumayag naman ako dahil gusto ko siyang makasama. Hindi ko alam kung bakit pero masaya talaga ko pag kasama siya. 

Naglaro kami ng Xbox, nakakatuwa siya. Pag naglalaro, nasabay yung katawan niya sa kilos nung player niya. LOL Parang bata lang. tas naiinis na siya kase 5 wins na ko, sya 1win pa lang. HAHAHA Tas nung naka 3 wins na sya, biglang natatalon. HAHA 

Hindi ko naramdaman tong saya na to kay alexa. Puro kasi date , shopping at pagpapaganda alam nun e. Pero si Tricia, kahit di siya magayos, maganda na tlga. Hindi nga din daw siya marunong mag make up e. HAHA sya lang ata ang kilala kong babae na maganda pero di marunong mag make up. haha :))))

Ang ayoko lang sa babaeng to, hindi talaga siya nagaayos. Pero ayus lang din, maganda nman kasi siya e. Ayoko din dito yung pag nagagalit, grabe! Nakakatakot. HAHAHA

Pagkatapos namin maglaro, kumain kame. Nakakagutom kasi talaga. Pagkatapos namin kumain, pumunta naman kami sa garden nila kasama si Kuromi. Nakita ko yung dalawang aso niya, ang cute. HAHAHA 

TRICIA's POV.

Anu bang meron ngayung araw? Nakakabwiset kasi yung mga babaeng yun e. Ang plastik. Halata naman na ayaw nilang magsorry, at panigurado na napipilitan lang sila. HELLO?! Ipapahiya ba nila sarili nila para saken? sus. tss. Nakakainis! Wala kong pake sa kanila. amp.

Nagulat ako, nawala na sa isip ko yung deal namin ni Kyle na pusa. HAHA ang cuuuuuute. Kuromi na daw naipangalan ni Kyle, sabagay gusto ko din naman na kuromi ang pangalan, favourite ko yun e. Si kuromi ng Hello kitty and friends? Cute niya diba? ^^

Hindi ko muna siya pinauwe, hindi ko alam. Basta gusto ko lang na dun muna siya, siguro dahil sa sobra akong natuwa sa pagbigay niya sakin kay kuromi.

Naglaro kami ng Xbox. Tapos kumain, at pumunta ng garden. 

Maya maya pa umuwi narin siya. Mag gagabi narin kasi tsaka ayko nman na uuwe siya ng gabi dahil lang sakin. Mahiya naman ako diba? Binilhan na nga niya ko ng kitty e. 

Hanggang sa araw araw na naming ginagampanan ang pagiging Couple kahit FAKE. 

Alam ko naman na dahil lang kay  Alexa kaya niya ginagawa to, pero bakit parang ang sakit sakit parin isipin na nagiging sweet lang kayo para sa ibang tao. Hindi ba niya ko kayang mahalin at maging tunay na Girlfriend? Bakit ang sakit sakit sa pakiramdam na tuwing dadaan si Alexa, tsaka lalabas na naman pagiging sobrang sweet niya. Ba't ba kasi ako pumayag na gamitin niya para layuan siya ni Alexa e. Baka nman pinagseselos lang niya si Alexa para balikan siya, baka kunwari lang yung dahilan niya na para layuan siya. Ewan ko ba :(

2months na kami sa school, bukas naman 2months and 1day. 

1st monthsary din namin ni Kyle bukas. Ang hirap naman kasing magpanggap na kunwari lang ang nararamdaman mo kahit pa alam mong totoo naman. Alam niyo yun?  Alam ko naman din kasi na kaibigan lang tingin sakin nun ni Kyle e. Ba't pa kase ko naasa. E sa gwapo nung lalakeng yun, dameng nagkakandarapa dun. Pano pa ko magugustohan ni Kyle. ANG DRAMA KO! Nakakaines. AMP. 

Small WorldWhere stories live. Discover now