Chapter 3

123 5 0
                                    

Elle's POV

(Kinabukasan)

Hindi ko pa din makalimutan yung kahapon. Yung nag Kick Ball kami, natamaan ako ni Ernest sa bola. Ang sweet niya sa clinic. Binilan niya pa ako ng pagkain. Sabi niya na gusto niya daw ako kasabay sa pagkain. At ito ang pinaka hindi makakalimutan, sinabi niya saakin na mahal daw niya ako, habang nakayakap siya saakin.

Nagulat nga ako sa sinabi niya eh. Mahal niya daw ako. Kung alam niya lang na Mahal ko din siya. Baka kami na. Haha. Pero Meant To Be kami sa isat-isa.

Ngayon kasama ko si Vay at LJ. Nandito ulit kami sa garden. May binabasa ako na libro, si Vay naman hawak ang cellphone niya. Hindi ko alam kung ano ang tinitignan niya doon. Si LJ naman may sinusulat. Hindi ko alam kung ano ang sinusulat niya doon, mukhang diary.

Kwekwento ko kaya yung nangyari kahapon? Or hindi? Hindi din kasi nila alam na Crush ko si Ernest eh. Sabihin ko na nga. Kasi lahat ng gusto ko gagawin nila.

"LJ, Vay. May sasabihin ako sainyo" Sabi ko sakanila.

"Ano yun?" Sabay nilang sabi.

"Wag niyo akong tatawanan!" Natatawa kong sabi.

"Promise!" Sabay ulit nilang sabi.

"Crush ko si Ernest." Nakayuko kong sabi.

Wala akong narinig na tumatawa. Tutuo nga yung promise nila ang hindi sila tatawa.

Tumingin ako sakanila ng dahan-daham. Nakakatuwa sila! Pag katingin ko sakanila. Seryoso silang nakangiti.

"Weh?" Sabi ni Vay.

"Tutuo nga!" Malungkot kong sabi.

"May kwekwento ako sainyo, yung nangyari kahapon na kasama ko si Ernest" Sabi ko.

Kwinekwento ko sakanila ang mga nangyari.

----------FLASHBACK----------

Nagpapahinga ako dito sa gilid, kasama ko si LJ at Vay.

Binigyan kami ni Sir ng Free Time, kasi lahat daw kami ay marunong na.

Hindi na ako naglaro kasi pagod na ako kanina kakatakbo.

Bigla ako napailag doon kayla Ernest.

O my Goodness! Ang GWAPO!! Napa-slow mow yata ako sakanya.

Sisipa na si Ernest.

*Roll*Roll*

*Booghs*

Yung pagsipa ni Ernest. Nagkamali na siya ng sipa. Kaya papunta na saakin yung bolang sinipa niya.

*Booghs*

Aray! Ang sakit ng ulo ko!

Tumama saakin yung bola. Napahawak ako sa ulo ko, sa sobrang sakit.

Nakita ko si Ernest na pumunta saakin.

"Okay ka lang?" Sabi saakin ni Ernest, habang naka dapa sa harapan ko.

"Ahhhhh.... Oo, medyo masakit ang ulo ko" Sabi ko, malapit na umiyak. Nagsinungaling lang yung medyo masakit. Sobrang sakit kamo.

"Punta tayo sa clinic" Sabi saakin ni Ernest habang nilayo ako sa mga classmates ko at tinulungan pumunta sa clinic.

"Sige." Sabi ko habang inakbayan ako papuntang clinic.

"Alika na! Alis na tayo!" Sabi niya, habang palakad papuntang clinic.

My Bestfriend's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon