"Good morning class." Pambungad nyang bati nung makapasok na sya sa room.
"Good morning miss Taylor." Wow! Full of energy'ng sagot ng buong klase.
Ako eto nakasunod lang ang tingin sa kanya, sa lahat ng ginagawa nya. Pinapanuod ko lang.
Pati kung pano sya umupo at mag salita.. oo lahat un pinapanuod ko lang. Ang weird no? Pero wala eh ganun talaga eh.
Aun, attendance lang muna ginawa namin, tapos nag bigay sya ng seatwork.
Maaga ko namang natapos ung seatwork ko kaya ako unang nag pasa nun..
"Oy Lizzy!"
Tinawag ako ni kuya kaya naman lumapit ako sa kanya.
"ano?"
"Turuan mo ko! Sagutan mo na lang ung akin dali na!"
"Ano ka hilo? Ayoko nga! Bahala ka jan."
Sabay umalis na ko. Nakatingin na kasi si ma'am samin nun.
Ung tingin na parang walang emosyon? Kaya hindi ko maintindihan kung galit ba to or hindi eh?
So aun, ang tahimik talaga pag sya ung teacher, hindi naman sya strict, hindi din sya masungit, mabait nga sya eh saka may kung ano talaga sa kanya na iba. O dahil kaya sa crush ko lang sya kaya ganito ung pakiramdam ko? Hmmm.. May mga nag iingay pero hindi talaga katulad ng ingay na ginagawa nila pag time na ni ma'am Meyer.
"Leslie!" Tawag sakin ni Maan.
"Oh?"
"Tara dun tayo sa harapan na tatlo para pag nagpasa kami ng papel hindi na kami tatayo pa at babalik dito."
"Ang tamad mo talaga!" Sabi ko
"Nako tara na kasi! Oh kung gusto mo maiwan ka na lang dito? Mas masaya kasi dun kela Jayson! Iniinterview si ma'am dali gusto ko ding makichika!"
"Oo nga! Tara tara!" Singit na sabi naman ni Noreen habang hinihila na ko.
Eh ano pa nga ba magagawa ko? Edi sumunod na ko..
Naupo kami sa tabi ni Jayson. Sila nakaupo sa upuan ako dun sa desk ni Jayson. Basta ganun pwesto namin imagine nyo na lang.
"Eh ma'am diba kasi nabanggit samin ni ma'am Franco (adviser namin) na dapat kayo daw dapat talaga magiging home room adviser namin eh bat umayaw kayo?" Tanung ni Jayson
"Oo nga ma'am ayaw nyo ba samin? Mababait naman kami ma'am ee promise!" -paolo
BINABASA MO ANG
Please teach me how to love? (Lesbian Story) (slow update)
Non-FictionPosible bang mangyari na magkaroon ng relasyon ang isang teacher na babae sa studyanteng babae? Mukhang malabong mangyari diba? Kasi kung tutuusin sila na ung tinuturin nating second parents kapag ka nasa loob tayo ng school. Mas mukhang lalong mala...