"I don't care when, where . Make him pay. Bestfriend kita Nessa, ikaw na lang yung taong pwede kong asahan dito. Simple lang naman eh. Gawin mo lang sa kanya yung ginawa niya sa akin. That's it. I just want him to feel kung gano kasakit maiwanan."
Alam kong bestfriend ko si Sandra. Pero anong magagawa ko? Mahal na yata talaga kita? ~ :((
[][]
1 month ago .. Sa isang bar ..
"Best, tama na iyak. Lalaki lang yan, utang na loob!" Bulong ng isang babaeng may mahabang buhok na nakasuot ng isang mini floral dress habang inaawat ang kanyang kasama sa pag-iinom ng alak.
Siya si Vanessa Cunetta. "Nessa" for short. 2nd year college, nag aaral sa isang exclusive school. Sikat dahil sa natatanging ganda at talino. Mabait din siya kaya madaming gustong makipagkaibigan sa kanya.
"Damn best! Bakit niya ko kailangan iwan? Sa ganung paraan pa! Anong mukha pa maihaharap ko sa university? Sirang sira na ako best. Ang ganda ganda ng records ko. Sikat ako, honor student pa! Sagot naman sa kanya ng isang babaeng may kulot na buhok na nakasuot ng isang black mini top at short shorts, patuloy lang siya sa kanyang pag-iyak at pag inom ng alak.
Siya naman si Sandra Faustina. Kaklase at bestfriend ni Nessa. Since kinder magkaibigan na silang dalaw at tinuring na kapatid ang bawat isa. Sikat din siya dahil sa natatanging ganda at talino. Compared to Nessa, wild si Sandra. Party goer siya. Pero hindi pa din nito napapabayaan ang kanyang pag aaral, doon tuwang tuwa si Nessa. Mabait din siya, pero mas mapili siya sa mga kaibigan. Kaya kaunti lang ang kanyang mga nakakasama sa school.
"Hayaan mo na best. Magpa chill ka lang muna. Summer vacation naman eh. Go out of town, out of the country. Do some shopping. Makakalimutan mo din siya." Sabi ni Nessa, habang kinakalma si Sandra.
"Ang sakit best. Iniwan niya ko sa ere. Naghanap siya ng iba. Alam naman niyang may sakit ako sa puso diba? Tapos sinasaktan pa niya ako. At yung babae namang yun, alam naman niyang kami tapos lalandiin niya. Mga malalandi. BABOY!" Sigaw ni Sandra, sabay taboy ng mga baso ng beer sa sahig.
Pinagtinginan sila ng mga tao. Nang mapansing may paparating na security guards si Nessa, agad niyang hinatak si Sandra palabas at pinasok sa kanyang kotse. Hinayaan niya muna itong mahimasmasan. Tsaka kinausap.
"Best ano ba?! I know you're better than this. May pinag - aralan kang tao, but the way you act there inside the club, mas masahol ka pa sa mga squatters eh. Lalaki lang yan. Andami dami pang iba dyan." Nangingiyak na sabi ni Nessa habang tinitignan ang kanyang 'wasted' na bestfriend.
"Gusto kong maghiganti best. Ayokong nakikitang masaya siya. Ayokong nakikitang masaya sila!" Sigaw ni Sandra.
"Calm down best. Nasasabi mo lang yan kasi lasing ka. Iuuwi na kita sa inyo." Sabi ni Nessa.
"Please best. Help me. I want him back." Mahinang sagot ni Sandra, pagkatapos ay tuluyan na siyang nakatulog.
Napatigil si Nessa sa sinabi ni Sandra. Alam niyang siya lang ang makakatulong dito. Parehas kasing nasa business tour ang kanilang mga magulang. Kaya magkatabi ang kanilang mga units.
Kinabukasan ..
"Really best?! You'll do that for me?!" Sigaw ni Sandra, sabay yakap kay Nessa.
"Opo Madam! Hahaha. Bestfriend mo ko eh." Biro ni Nessa habang nagluluto ng kanilang breakfast.
"I love you best! I love you talaga!" Sagot ni Sandra.
"Eto lang best ha. Hindi ko alam kung mag wowork to. Lalo na ngayong .. aalis ka na .." Mahinang sagot ni Nessa.
Matagal na kasing binabalak ni Sandra na kumuha ng acting lessons sa USA, kaya't ngayong bakasyon ay napagbigyan siya. Ayun nga lang, isang taon siyang dapat nandoon.
"Uso skype best! Haha. Osyaaa. Yung balak ko." Sabi ni Sandra.
"Ano ba yun? Kaw talaga best. Aalis ka na nga, ayaw mo pa magpaawat. Hahaha." Biro ni Nessa.
"I don't care when, where. Make him pay. Bestfriend kita Nessa, ikaw na lang yung taong pwede kong asahan dito. Simple lang naman eh. Gawin mo lang sa kanya yung ginawa niya sa akin. That's it. I just want him to feel kung gano kasakit maiwanan." Seryosong sagot ni Sandra.
"What?! But .. "
"Nako Nessa. Nagpromise ka na sakin ha. Simple lang naman eh. Make him fall intensely inlove with you. Tapos iwan mo din sa ere. Ganun lang." Sagot ni Sandra.
"Pero .. Pano kapag hindi nag work yun?" Tanong ni Nessa.
"It will work. Ikaw pa? Sa ganda at talino mong yan? Kayang kaya mo siyang paikutin." Sagot ni Sandra.
"You really think this will work? Sandra, pano kung mainlove ako sa kanya by ..."
"It won't happen!" Sigaw ni Sandra.
Biglang napatahimik si Nessa.
"You're my bestfriend right? You won't let that happen." Sabi ni Sandra habang nakahawak sa kamay ni Nessa.
[][][]
Present ..
"Ano na best? Balita ko magkasama daw kayo sa Summer Camp ni Ex ah? 1 week din yun noh. Sabi ni Sandra, na kausap si Nessa sa Skype.
"1 month na yun ha. Hindi mo rin pala nakakalimutan yun? Hahaha." Biro ni Nessa.
"Oo naman. Basta yung promise mo ha? Aasahan ko yan." Sabi ni Sandra.
"Opo madam! Clear na clear! Hahaha. Lolokohin ko yang napakawalang kwenta mong ex at papaikutin ko siya! Hahaha." Biro ni Nessa.
"O sige na alalay! Hahaha. Joke. GoodMorning na dyan! Bye! Hugs from U.S.A!" Sabi ni Sandra.
"Sige po! Hahaha. GoodNight Madam! Hugs from Philippines. Mwa!" Sagot ni Nessa. Sabay patay ng Skype.
Matutulog muli sana si Nessa, nang biglang may tumawag sa kanyang cellphone. Ang ex ni Sandra. Nagulat si Nessa pero napangiti ito.
"Finally. Siya na din ang lumapit. Let the games begin."
BINABASA MO ANG
Sweet Revenge
Teen Fiction"Mahal ko na siya, pero alam kong hindi pwede." Nagsimula sa isang kasunduan, nauwi sa isang matamis na pag - iibigan. Maituloy pa kaya ito ng isa sa kanila kung alam naman niyang ito'y pansamantala?