[][][]
"Hello?"
"Hello .. Nessa .. Si .."
"Oo, alam ko. Si Steward to diba?"
"Balita ko nasa USA na si Sandra ah?"
"Bakit ka ba tumawag? Ang aga aga eh."
"Mangangamusta lang."
"Well, I'm not in the mood right now. Alam mo naman siguro na hindi na tayo okay dahil sa ginawa mo kay Sandra diba?"
"Alam ko .. That's why tumawag ako .. I can explain everything Nessa .."
"Well, first of all dapat kay Sandra ka magpaliwanag. Second, you are too late. Third, wala tayong dapat pag usapan .. Kaya .."
"Wait .. Wag mo ibaba .. We really need to talk .. I'll wait for you at the park .. Sa dating tambayan .. "
"But .. Teka .. "
Then the call ended.
[][][]
"Ano ba naman tong si Steward oh!" Sabi ni Nessa sa kanyang sarili na napakamot na lang sa batok sa inis.
Walang nagawa si Nessa kung hindi sundin si Steward. Naligo ito at nagbihis.
"Para kay Sandra. Para sa bestfriend ko."
[][][]
Samantala, isang matangkad na lalaki ang nakikipaglaro sa isang asong kalye sa Luneta Park. Gwapo ito at halatang anak mayaman. Lahat ay napapatingin sa kanya dahil sa 'well - built' niyang katawan at gwapong mukha.
Siya si Steward Pascual. Ang ex boyfriend ni Sandra. Magkakabarkada sila nila Vanessa dati. Sila ang nagmamay ari ng University na pinapasukan nila. Gwapo at matalino, pero mapili sa kaibigan. Isang varsity player at freelance model. Oo. Nasa kanya na ang lahat.
"Kawawa ka naman. Bakit ka kaya iniwan ng amo mo? Siguro ang sakit kapag bigla kang iniwan ng isang tao sa ere noh?" Sabi ng binata sa asong kalye habang kinikiliti ang tiyan nito.
"Oo naman. Kaya nga iyak ng iyak si Sandra nung iniwan mo siya eh."
Napatalikod si Steward. Nakita niyang nakatayo sa likod niya si Vanessa. May dala itong bisikleta.
"Nessa. I'm glad you could make it." Sabi ng binata sa kanya habang nakangiti.
"Ano ba yung sasabihin mo? Ang aga aga eh. Hindi pa ko nag bbreakfast." Tipid na sagot ni Nessa.
"Tamang tama, ako din eh. Tara, may alam akong masarap na kainan dito. My treat." Sabi ni Steward, sabay kuha ng bisikleta ni Nessa at lakad palayo.
"Ughhhhhhhhhhhhhhh." Bulong ni Nessa, sabay habol sa binata.
[][][]
"Soooo. What now?" Tanong ni Nessa, habang kumakain ng pancakes.
"Enjoying the pancake?" Tanong ni Steward, habang kumakain ng rice and egg.
"Ward, ano ba? Kala ko ba mag eexplain ka? Gosh. Bakit tayo napunta sa pancakes?" Inis na tanong ni Nessa.
"Hindi ka din naman maniniwala kapag kinwento ko eh." Mahinang sagot ni Steward, Ward for short.
"Exactly! That's the point. Bakit mo pa ko pinapunta kung alam mo na palang in the first place hindi ako maniniwala?" Tanong ni Nessa.
"Eh ba't ka pa pumunta kung alam mo naman pala sa sarili mo na hindi ka maniniwala sa sasabihin ko? Hmmm?" Tanong ni Steward habang nakangiti.
Biglang natahimik si Vanessa. Hindi na niya alam ang sasabihin niya.
"Ewan ko sayo! Pinapasakit mo lang ulo ko eh! Bahala ka nga!" Inis na sabi ni Nessa, sabay tayo.
"Teka lang naman. Joke lang." Sabi ni Steward sabay hawak sa braso ni Nessa.
Nagkatinginan ang dalawa. Agad naman binitawan ni Steward ang braso ni Vanessa.
"Umupo ka muna .. Mag eexplain na ako .." Bulong ni Steward.
Painis na umupo si Vanessa sa kanyang upuan.
"I'm waiting .." Inis na sagot ni Nessa.
"I fell out of love for her .. " Bulong ni Steward.
"What? Are you kidding me? Isang taon kang nag effort para pasagutin si Sandra tapos sasabihin mong 'you fell out of love'? Unbelievable." Sagot ni Nessa.
"It's a very long story. Basta, may iba na akong nagugustuhan. Ayun lang yun." Sabi ni Steward.
"Anong ayun lang yun?! Ward naman! Iniiyakan ka ni Sandra. Ganun ka niya kamahal! Tapos sasabihin mo na may iba kang nagugustuhan? Be a man dre! Para kang bakla. Alam mo, nagsisisi ako kung bakit ko hinayaan na magpaligaw sayo si Sandra eh. After all, you're nothing but a rich playboy." Inis na sabi ni Nessa.
"You don't know everything about me. You don't know everything about us!" Sigaw ni Steward, sabay hampas sa table.
Mabuti na lang at walang ibang tao sa restaurant, sila lang at ang mga waiters at waitress, na pinagtitinginan na sila.
"Well then, thank you for this breakfast. Sorry ha. I'm just being a friend. Oops. Kay Sandra lang pala. Hindi ko nga alam kung tinuturing mo akong kaibigan eh. Baka nga maski tingin hindi mo magawa sa akin kung hindi kami magkaibigan ni Sandra. Bye." Bulong ni Nessa, sabay tayo at alis sa table.
Sinubukan siyang habulin ni Steward, pero huli na siya. Mabilis na nagbisikleta paalis si Vanessa. Napaupo na lang sa isang banko si Steward.
"Wala ka kasing alam Nessa eh. Wala." Bulong niya sa kanyang sarili.
Tears are dropping from Steward and Vanessa's face as the sky turns dark blue, then it began to rain.
BINABASA MO ANG
Sweet Revenge
Fiksi Remaja"Mahal ko na siya, pero alam kong hindi pwede." Nagsimula sa isang kasunduan, nauwi sa isang matamis na pag - iibigan. Maituloy pa kaya ito ng isa sa kanila kung alam naman niyang ito'y pansamantala?