"I need an explanation!" sigaw ko.
"siraulo ka ba gab? " sabay batok sakin.
"ilang beses na ba natin to pinapanuod halos memorized mo na... Ay hindi pala memorized mo na lahat! Please tantanan mo na! " iritang reklamo ni ralph
"kasi naman ehhhhh" reklamo ko pabalik habang sumisinghot singhot pa.
"di ka ba nanghihinayang sa dami nang tissueng inuubos mo pagnanunuod ka niyang palabas na yan. Ilang puno na napabagsak mo gab! " reklamo nito pabalik.
"dapat irecord ko nalang tong sinasabi ko kasi paulit ulit lang, di ka naman nakikinig gab" mahinahong sambit nito.
"tigilan mo na to please. Sobrang kalat mo na" patuloy nito.
"sorry" sabay hagulgol ko.
Mag iisang buwan narin akong ganito.
Sobrang wasted ko na. Daig ko pa ponagtakloban nang langit at lupa. Sobrang sakit kasi mabroken.
"hay ayan ka nanaman idadaan mo nanaman ako sa pag iyak. Gab di mo naman to first time na broken. Please lang tumigil ka na" pag amo ni ralph sakin.
"piy pwede bang hayaan mo lang ako umiyak. Ano bang gusto mo? Masaya agad ako pagkatapos niya kong iwan? Anong gusto mo!" sigaw ko sa inis.
Huminga naman ito nang malalim at kinuha niya agad yung vape niya.
"tumahan ka na jan. Wag ka nang magmukmok jan. Hinihintay ka na nang university dance crew mo. Kinukulit na nila ako na papasukin ka na" mahinahon nitong sambit.
Tumingin lang ako dito at nag-isip.
"piy kasi baka makita ko siya sa school. Alam mo naman sa bandang P. E department kami nagppractice diba?" reklamo ko dito.
"eh ano pakita mong di ka naaapektuhan sa ginawa niya sayo. Grow up gab! Kala mo kinagaganda mo yang ganyan ka wasted? " pinagsasabihan nanaman ako.
"haaayy... Sige na nga last ko nang papanuorin yan" sagot ko dito.
Nakita ko naman ang maliit na aliwalas sa mukha nito mukhang di na siya ganun kagalit hihi.
"maligo ka na may practice kayo mamayang 4pm. At pwede ba maglinis ka nang apartment mo!" inis na sabi nito.
"piy... Piyyy" sabay puppy face...
"promise magiging mabait na po ako di na po ako iiyak promise!! " lambing ko dito.
"ano ba! Mukha kang aso tigilan mo yan gab! Pagod ako ayokong maglinis nang apartment mo. Jusko araw araw ako na yata naglilinis nito! " reklamo niya.
"okay sa labas ka kumain di kita ipagluluto! Puro ka reklamo ikaw ba nasaktan. Badtrip! Umalis ka na! " sigaw ko dito nakakairita eh.
Narinig ko naman ang pagmumura nito, mahina pero abot sa tenga ko.
"oo na maglilinis na siguraduhin mong totoo na yang magluluto ka lagi mo nalang akong inuuto. Letche! " sagot nito sabay dampot nang mga kalat at walis.
Hehehehehe sabay talikod ko at pangiti ngiti.
"luto nako bago maligo. Thank you piy iloveyou!! " sigaw ko nang nasa kusina nako.
"sarapan mong babae ka! " reklamo nito.
---
"sheeet I miss this!! Kainis tong yung ungas mong ex kasalanan niya kaya mahigit isang buwan na kong walang masarap na lunch! " bulong na reklamo ni ralph
Sumimangot naman ako nang maalala kong never ko pa napagluluto si frank nito. Iniwan niya kasi ako ehh.
Lalabas na sana luha ko mula sa mata nang nakita kong masamang tingin ni ralph dali dali kong inangat yung ulo ko para mapigilan ang labas nito.
"promise promise ka pa ha" asar na tono ni ralph
"charot drama rama sa hapon bes! " natawa naman to sa depensa ko.
"piy isang linggo nalang pala intrams na nang school" habang nakatingin ako sa kalindaryo katapat nang dining table ko.
"oo nga kaya nga ginugulo na ko nang mga ka-crew mo" sagot nito
"mawawala ako sa special no. nang university dance crew" malungkot na sambit ko.
Kasi pangarap ko to eh. Pinagpaguran ko to para makapasok dun.
"well, buti naisip mo naman kaya mahaba na rin ang hahabulin mo" sagot nito.
"bilisan mo jan. Papasok nako baka idrop pa ko nang major subject ko. Kasalanan to lahat nang ex ko eh, humanda siyang walang yah siya. Tandaan mo to piy sisiguraduhin kong iiyak yun nakaluhod at sasabihin gab balikan mo ko" sabay halakhak ko.
Napailing nalang si ralph.
--------------------
Hi, baka gusto niyo lang i-try basahin mga be :)
Sobrang thank you as in. Welcome din mga comments, any violent reaction charot. Hehehe
jovythedream ❤
BINABASA MO ANG
Elle Estasya
RomanceNagmahal, Nasaktan, Nagbago. (Uso) <3 Nag mahal nang sobra sa mga taong walang ginawa kundi iwan ito. Nasaktan sa mga taong minahal niya at sa mga importanteng tao sa buhay niya Ngunit babangon muli ito upang ipakita sa buong mundo na kahit wala...