It's been years since I started this habit. Suki sa iba't ibang clubs but this is my favorite one. The Enarci . Live band and beer tapos mamaya magkakadisco. It's one of my escapes in reality.
Alam kong pinagtitinginan ako ng bawat tao na malapit sakin. Sino nga bang hindi? Isang babaeng nakalong dress na galing sa isang ball at nandito ngayon sa isang stool ng bar.
"Isa pa."
"Pero ma-." Tiningnan ko siya ng masama kaya agad namang tumalima ang bartender at ibinigay agad sakin ang isang matapang na alak.
"Hi miss wanna dance-."
"Fuck off." Matalim kong sabi kaya umalis na siya. Wala nang ibang nagtangkang lumapit dahil kahit ang bartender ay di makatingin sakin dahil sa takot. Wala na ding nagtangkang pang lapitan ako bukod sa lalaki kanina.
"Isa pa." Order ko ulit.
"Zai, tama-" bago pa man niya matapos ang sasabihin niya mabilis ko siyang sinuntok sa mukha.
"Wag. Na. Wag. Mo. Akong. Tatawaging. Zai." Madiin at madilim kong pagbabanta at nakita ko naman ang pagkatakot sa mga mata niya. Tsk, ito na nga ang nangyayari kapag nakakainom ako, nagiging nakakatakot daw ako. Bumalik nalang ako sa paginom ko, 'di parin kasi ako nalalasing kahit naka sampu na akong bote ng beer, tsk. Ang taas kasi ng tolerance ko sa alak. Ilang beer pa ang inorder ko at medyo tumatalab narin sakin ang alak.
" Zaira, ba't ka ba kasi umiinom? Shit ansakit ng suntok mo." Tanong at reklamo ni Yandro- ang kasama ko sa nakalipas na siyam na taon. Di ko siya pinansin at uminom lang ako ng uminom.
"Sampung taon na pala ang nakalipas." Sambit ko saking sarili na narinig ni Yandro.
"9 years lang tayong nagkasama Zaira ano bang pinagsasabi mo? Tsaka kung tungkol to kay lola, hindi siya matutuwa sa ginagawa mo." Takang tanong niya. Napatawa ako ng mapakla na siyang ikinakunot ng noo niya tandang naguguluhan siya sakin.
Tumawa pa ako hanggang naramdaman ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo na naman. Haha ito ba ang karma ko sa pagiwan sa'yo? Kasi kung oo, masakit na. Sobrang sakit. Napayuko ako kasabay ng pamamalisbis ng mga luha saking mga mata. Uminom pa ako ng uminom at hinayaan ko nalang ang mga luha na dumaloy saking pisngi.
"Shit Zaira, umiiyak ka ba?" Tanong ni Yandro. Napatawa ako ng mapakla.
"Hahahahahaha nakakainis siya! Sobrang nakakainis! (Sob) Hahahaha pero sino nga ba naman ako (sob) para magreklamo. (Punas ng luha) It's all my fault by the way. I runaway from him. I left him broke anyway so why am I surprised that after all this years may iba na siya? Hahahaha He belongs now to someone else..." Di ko napigilan umiyak at kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig ko. Marahil nadin siguro sa kalasingan ko. Kulang nalang ay sabunutan ko ang sarili ko.
"I love him but I left him. Hahahahahaha tanga ko diba?" Nilingon ko si Yandro na nakatingin sakin ng seryoso ngayon.
"Alam mo ba na kahit sampung taon na ang nakalipas, ito (sabay turo sa puso ko) patuloy parin na nagmamahal sa kaniya at mas lalo pa ngang lumalalim sa bawat araw. Fuck it! I tried to forget him pero ba't ganun hanggang sa panaginip nandun parin siya. All those fucking years, without him was like a day without a sun, a night without the moon and a life without a reason to live." Napaiyak na naman ako sa muling pagkakataon pero ngayon di ko alam kung kakayanin ko pa ang sakit. Kasi sobra na hindi ba pwedeng time out muna? Kasi sobrang sakit na sobra- sobra na.
"I thought someday when we'll meet again, pwede na. I won't let go of him kahit anong mangyari. Pero tadhana nga naman. All I ever want is him. I need him every bit of seconds, minutes, and hours. But why can't it be? Hindi na ba talaga ako pwedeng sumaya kapiling siya?" Muli namang pumatak ang luha sa pisngi ko na agad kong pinunasan.
BINABASA MO ANG
Her Unrequited Love
Short StoryTama ang magmahal ngunit mali lalo na kapag sa maling panahon... Pero paano kung tama na pero hindi na pwede... Sana pala sinabi kong Mahal din kita....