FA 1

2.7K 14 4
                                    

Chari's Point of Veiw

Nagising ako dahil may naramdaman akong mabigat na bagay na nakapatong sa akin. Kelan pa bumigat ang unan ko? Sinubukan ko itong tanggalin ngunit malakas talaga at hindi ko magawang igalaw. Kinapa ko ang lamp shade sa tabi ko. 

Anong oras na ba?  2:30 am.... Tsk! Maaga na namn akong nagising. 

Binaling ko ang atensyon ko sa bagay na mabigat na nakapatong sa akin ngunit parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng malaman kong hindi pala iyon isang bagay kundi isang tao. Napahawak ako sa ulo ko. Napamura ako ng maalala ang nangyari nung gabing iyon. Shit!

Kinusot ko ang mga mata ko nagbabakasakaling isang malaking panaginip lang ang lahat. Ngunit hindi. Lahat ng ito ay totoo. Ako na walang saplot at tanging isang puting tela lang ang nakabalot sa aking katawan. Katabi ko ang isang lalaking mala anghel ang mukha ngunit masama ang ugali. 

Nakaramdam ako ng takot.

Gumalaw ito at pinulupot ang kanyang mga braso sa bewang ko. Tila ba takot na takot na maiwan. Naramdaman ko ang kanyang mainit na hininga sa leeg ko at naging sanhi ng paghinga ko ng malalim.

Matutuwa ba ako? Halo-halong emosyong ang nararamdaman ko ngayon. 

"Sleep" muntik na akong mapatalon sa higaan dahil bigla itong nagsalita. Gising siya. Nagising ko ba siya?

Hindi ako gumalaw ngunit nanatili akong nakatingin sa kanyang mga mata. Ang mga matang nagtatago ng sobrang daming emosyon ngunit kelan man ay hindi nakita ng iba. 

"Baby please sleep. Maaga pa ang pasok ko bukas" sabi niya sabay siksik ng ulo ko sa matitipuno niyang dibdib. Napilitan akong hawakan ang mga ito. Napangiti ako. Ngayon ko lang ulit nahawakan ang mga dibdib na ito.

"Ian I'm scared" hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pang gusto tumulo mula sa mga mata ko. Napakagat labi ako. 

Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim. Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ito. 

"Akong bahala sayo. Just stay beside me. We'll get through this" sabi niya sa mahinang tono ngunit mararamdaman mo ang sinseridad sa mga boses na iyon. 

Iniangat niya ang mukha ko na nakasubsub sa kanyang dibdib at tinitigan ako. 

"Hmmmm...mmmm" ungol ko sapagkat hinalikan niya ako. Ramdam ko ang pagmamahal sa mga halik na iyon. Pagkasabik. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko sapagkat gusto ko rin namn ang mga ito. 

Hinalikan ko siya pabalik. Nagtatagisan ang mga dila namin tila ba ayaw magpatalo. Gumuhit ng matipid na ngiti ang kanyang mga labi. Naramdaman ko ang pag-init ng buong katawan ko. Siya lamang ang nakakapagparamdam sa akin ng ganitong sensasyon. Nakaka-addict at nakakapag-pasaya.

Naghiwalay ang mga labi namin at pareho kaming naghahabol ng hininga. 

"Sleep. We'll continue this tomorrow. " nang-aakit na sabi nito sa akin at muli akong dinampian ng halik sa aking noo. 

"Good morning baby. Sleep na ulit tayo." pagaaya niya sa akin. 

Nginitian ko siya pabalik at sumiksik sa kanyang tagiliran.

Yinakap ko siya. Sabay ang pagtulo ng mga luha ko.

Mahal ko ang anak ng asawa ko. At alam kong hindi tama ito. Ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko. 

It's a Family AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon