Ang Aking Tatay

4 3 0
                                    


Para Sa'yo

Nakatingin sa malawak at madilim na kalangitan na may nagkikintabang mga palamuti.

Inaalala ang nakaraan at muling binabalikan kasabay ang bahagyang pag-agos ng luha mula sa mata nito.

Pumasok sa isang kwarto na may puting kahon,tinitingnan ng nakangiti ngunit may lungkot sa mga mata.

Ako na lamang at si tatay ang magkasama.

Lumaki ako ng walang nanay ,namatay daw ito pagkalabas ko kaya si tatay ang nagpalaki ta nag-aruga sa akin.

Isa s'yang construction worker. Napakabait ng aking tatay binibigay nya lahat ng aking pangangailangan.

Hindi ko lang sya tatay, bestfriend ko din sya. Kinukwento ko lahat ng masasaya't masasakit na pangyayari sa aking buhay.

Lagi syang nandyan sinusuportahan ako.

Isang araw, sumali ako ng isang singing contest.

Hindi ito alam ng aking tatay ngunit pagkaakyat ko ng stage si tatay agad ang nakita ko.

Sa laki ba naman ng banner na ginawa nya,sinong di makakakita sa kanya.

Nakaguhit ang pangalan ko dito at sinisigaw nya ang aking pangalan.

" Anak ko yan! Go Sheon!! Galingan mo!!".

Hindi man ako nanalo noong araw na iyon pakiramdam ko'y suporta palang ng aking tatay ay panalong panalo na ako.

"Okay lang yan nak!! May next time pa hahaha Bakit ba hindi mo sinabi? sayang di ako nakapaghanda".

Nagbibiro ba sya? Sobrang effort na nga nun. Niyakap ko si tatay.

"Akala ko po kase di nyo ko papayagan.."

"Hahahaha ano kaba? Si galing mong yan? Sayang talent!"

"Tay naman eh!"


"Hahahaha kahit ano pa yan nak basta sa ikabubuti mo susuportahan kita,nandito lang ako palagi para sa'yo"


"Salamat tay.."


Pagkalipas ng ilang buwan sa araw ng Graduation ko. Nauna ako sa kanya dahil may trabaho pa sya at maya maya pa ang simula ng program.

Habang papunta si tatay no'n, naaksidente ang sinasakyan niyang jeep. Kasalukuyang nakikipagkwentuhan ako sa aking mga kaklase nang may tumawag.

"Hello"


"Ikaw ba ang anak ng biktima?"


"Biktima? Ano po ang ibig nyong sabihin?"


"Pasensya na pero patay na iyong ama.."


Napawi ang ngiti sa aking mga labi pagrinig ko ng kanyang sinabi.


"Nandito sya sa tapat ng Jollibee sa Rotonda.Mis---"


Binaba ko agad at kumaripas ng takbo upang makasakay ng sasakyan.

Pagdating ko sa pinagyarihan ng aksidente, napakaraming tao.

Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko sa aking nakikita lalo na nang makita ang kalagayan ng aking tatay.

Agad ko siyang nilapitan.


"Tay? Tay? Gi-sising po.."


Utal-utal kong pagsabi at nagmulat ang mga mata ng aking tatay.


"Tapos na ba ang program anak? Sorry di na ko makakapunta"


"Tay naman eh!" At humagulgol na'ko ng iyak.


"Wag ka nga umiyak nasisira ang magandang mukha ng anak ko haha" Dumating ang ambulansya at sinakay si tatay, sumama na din ako.


"Nak.. mag-iingat ka ha? Kaya mo na naman sigurong magluto? Pumunta ka sa tita mo,dun ka muna hah. "


"Tumigil ka nga po tay,di po ko papayag na malayo sa inyo"


"Pero nak oras ko na.."


"Hindi pa!! Hindi pa!! Buhay ka pa po! Di ba gagala pa tayo? Di ba ipapakita ko pa sa'yo ang diploma ko? Di ba magkakatrabaho pa ko? Ipapakilala ko pa sa'yo magiging mapapangasawa ko?"

Ngumiti lang sya.


" Sino na magagalit sakin pag may mali ako ginagawa? Sino na bestfriend ko? Sino na no.1 fan ko? Ikaw lang yun tay... Sasamahan mo pa kong maabot ang mga pangarap natin".


Bago sya ipasok sa operation room. "Lalaban ako nak! Hintayin mo ko ah! Pangako yan!".


"Salamat sa aking guro't mga kaibigan,sa lahat ng sumusuporta sakin at higit sa lahat... Ito'y di ko makakamit kung di dahil sa kanya... Para sa'kin sya ang pinaka the best na tatay sa buong mundo. Hindi lahat ng tao may ganitong ama kaya lubos akong nagpapasalamat sa panginoon at biniyayaan nya ko ng napakamabait, mapag-aruga at mapagmahal na tatay. Tay..."


Nagsimula ang paglabas ng likido sa aking mga mata.


"Kung nasan ka man po ngayon,lagi mo pong tatandaan na mahal na mahal kita ah. Para sa'yo to tay...Salamat". Nagsimulang magpalakpakan ang mga tao, karamiha'y umiiyak.


Pinagmamasdan ko ang mukha ng aking tatay.

Bukas na ang kanyang libing kaya sinusulit ko na.


"Tay... Kahit po na mahihiwalay kana bukas samin. Nandito ka pa rin po sa puso ko. Tatandaan ko po mga bilin nyo. Dadalawin ko po kayo palagi,ikukwento ko pa rin po ang mga nararanasanko. Ok lang po kahit wala akong natatagap na response, nakakatakot po yun pag meron haha. Mag-iingat po ko para sa inyo. I love you and I miss you tay..." Niyakap ko ang kabaong ni tatay. "Goodnight po..Sleepwell...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DadWhere stories live. Discover now