Chapter Three

89 2 0
                                    

Chapter Three: She Will Know Who She Really Is

Walter's POV

Nang pumasok ako sa establishment ay nagulat ako ng makita kong pumasok si Alodia. Ilang years ko naring hindi siya nakikita pero kilalang kilala ko parin ang maganda niyang mukha

"Alodia?" napalingon to sakin

"Walter?" hinawakan ko ang braso niya

"Saan mo dinala ang prinsesa?"

"Ano?"

"Saan mo dinala ang anak ni Zianna at ni Zandro?"

"Sandali lang Walter! Ligtas siya okay? Alam kong wala kang tiwala sakin. Pero inilayo ko siya. Pinalaki ko siya"

"Okay. Alodia, kailangan siya ng kaharian natin. Kailangan niya nang mamuno"

"Pero Walter, hindi pa siya handa!"

"At kalian siya magiging handa? Sigurado naman ako na hindi niya alam kung sino siya at kung ano ang tunay niyang pagkatao. Kailangan niya nang harapin ang responsibilidad na naiwan sa kanya"

"O sige o sige. Ngunit Walter, kung maaari ay gusto ko sanang siya mismo ang makadiskubre ng kapangyarihan niya. Alam ko namang malapit niya nang malaman kung sino siya"

"O sige. Gusto kong ipakilala mo muna ako sa kanya. Hihintayin natin na malaman niya ang pagkatao niya at doon natin sasabihin para kahit papaano ay makapaghanda siya bago natin siya dalhin pabalik sa Magical World"

"Mommy, ang galling nilang magexchange ng lines, oh? Artista ba sila?" Sabay kaming napalingon sa batang nagsalita sa mommy niya

"Baka anak, nagpapractice para sa enactment nila"

"Baka po mommy" naintindihan ng bata kung ano ang enactment?

"Sandali lang Walter, tatawagan ko muna ang anak ko"

"Anak? May anak ka na?" hindi ko alam kung bakit parang nanghihinayang ako sa kaalamang may anak na si Alodia sa isang mundane (tawag namin sa mga normal na tao na walang kakayahan katulad namin)

"Basta" lumayo muna ito pero dahil sa skills namin, naririnig ko parin ito

"Hello ma?" narinig ko ang boses ng babae sa kabilang linya

"Nak, may kailangan akong sabihin sayo, okay? May ipapakilala ako sayo"

"Po? Ngayon na?"

"Oo nak. Uwi ka muna, okay?"

"Sige po"

"Halika na" nauna akong maglakad

"Saan ka pupunta?"

"Sa sakayan"

"Nakalimutan mo na ba kung ano ako? Kumapit ka na" hinawakan ko siya at nagteleport na kami. Pero bago kami maglaho, nakita naming ang bata kanina na napasinghap at nakanganga na nakatingin samin

Trixie's POV

"Kookie, tumawag si mama. Uuwi muna ako"

"Samahan na kita, Trixie"

"Wag na Kookie, alam kong gusto mong makita si mama. Pero ako nalang ha? Sa susunod ka nalang bumisita. May ipapakilala daw siya sakin eh"

"Ano? Baka naman binata yan at iaarange ka. Aba mas lalo akong dapat sumama-"

"Tumigil ka nga. Anong arrange? Uso pa ba yun?"

"Nagbabakasakali lang, at hindi naman sa hindi ko gustong makita si mama Alodia. Gusto kong sumama dahil gusto kong safe ka"

EXO ACADEMY:School of Magical PowersWhere stories live. Discover now