Untitled Part 1

13 1 1
                                    


"Mama...Papa...." ang bulong ko habang nakikita ko kung paano sila pinagpira piraso ng halimaw na nasa harap ko....hindi ako makagalaw..waring ang mga pulang matang iyon ay nakatitig sa aking kaluluwa...gusto ko tumakbo pero di ko kaya lumapit siya sa akin hawak ang ulo ni mama umupo siya sa harap ko "Naging mabuti kang bata...kaya hindi kita papatayin...sana pag nagkita ulit tayo...malaki ka na" bigla akong nakatayo mula sa kinaroroonan ko at hawak ang isang pilak na punyal ay tinangka ko siyang saksakin ngunit may mga baging na tila humila sa akin...palayo na ang halimaw na iyon...papatayin ko siya..."may natitira pang buhay sa ama mo...sabihin mo na ang gusto mong sabihin bago pa siya tuluyang mamatay" sabi nito napatingin ako kay papa na wala nang paa at kamay habang ang mga mata ay walang laman. "P-papa....."naibbulong ko lang habang tinitignan siya" narinig kong umiiyak si papa "Anak...paano mo ito nagawa sa amin ng mama mo...." sa isang iglap naramdaman ko na parang may tumutulo sa bibig ko.....tinignan ko ang kamay ko at puro dugo ito...napasigaw ako ng sobrang lakas...hanggang sa PAK! isang malakas na sampal ang gumising sa akin sa bangungot....

nang imulat ko ang mata ko ay nakasakay na pala sa akin ang pinsan kong si Alessana na ngumiti pa sa akin "Good Morning Lulu!" bati niya pa...nanlaki ang mga mata ko...teka..si Alessana ba talaga to? bakit parang ang laki na niya? tinulak ko siya ng malakas at tinanggal ang dextros tapos  tumambling palayo sa kanya "Bampira!" sigaw ko nasaktan ata siya ng husto 

"Masakit un ah!" sigaw niya sa akin "Nasaan si Aly!" may hawak akong asin galing sa side table kanina. "Magrelax ka...ako to" explain niya...dumating sila tita Ambrosia,Scalpel at Razor. pinagbabato ko ng asin si alessana mukhang di siya sinasaktan "Aray! sira ka ba?hindi naman ako ba't mo ko binato ng asin"  reklamo niya hinawakan ako ni Razor "Tama na yan!"sabi nito  "kumawala ako sa kanya at nagtatakbo sa labas...nang makalabas ako doon ko lang napagtanto...na nasa ospital pala ako...

teka..anong nangyari? bakit wala akong maalala?

naguguluhan ako...nakita kong hinahabol nila ako kaya tumakbo ako...nagtatalon ako sa bubong ng mga sasakyang rumaragasa sa kalsada hindi ko alam kung saan ako pupunta basta makalayo lang dito...

sinusundan nila ako kahit saan kaya ako pupunta...nagisip ako...at nakarinig ng tunog  ng kampana naaninag ko ang malaking simbahan kaya doon ako tumuloy.Ayaw ng diyos sa mga bampira kaya ligtas ako dito

Binuksan ko anhg malaking pinto at pumasok sa loobnaramdaman kong papunt na sila sa kinaroroonan ko kaya nagtago ako sa altar...nakapasok sila. "Batang iyo,kahit kelan pasaway" sabi ni Razor "Nalilito lang siya" sagot ni Scalpel 

Papunta sa kinaroroonan ko si Razor buti na lang may nakita akong crus na may matalom sa dulo lumabas ako at mabilis na nakapunta sa likod niya tinutok ko ang matalim na bahago sa leeg niya "wag kayong magkakamali kung hindi mamatay kayo" seryoso kong banta. Hindi makagalaw si Scalpel "nalilito ka lang,let s explain" sabi ni Razor hinawakan ko ang buhok niya at hinila pataas "Wag kang magsasalita ng wala akong pahintulot!" sabi ko. "Hindi ka namin sasaktan.Hunter din kami" sabi ni Scalpel "Hindi ako naniniwala sa inyo" Sagot kong muli. maya maya ay napangiti si Scalpel tapos may naramdaman akong tumusok sa leeg ko at nawalan ako ng malay

Muli naman akong nalunod sa madilim na lugar na mag isa lang ako...ano ba tong lugar na to? bakt parang mas malala pa to sa mga bangungot ko?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sinister RoseWhere stories live. Discover now