Mika's POV
December. Bago magpasukan ulit, nagtext siya. Nung una, di ko alam na siya ang nagtext sakin. Di ko rin alam kung saan niya nakuha yung number ko. Naging close lang naman kami nung may shooting kami yung parang may gagawin kang music video. So yun nga. Doon na kami naging close. Nung una, sa text at chat lang kami close. Sa personal, parang nahihiya pa. Syempre ayaw naman namin na mapagtripan kami ng mga kaklase namin. Habang tumatagal, mas lalo pa kaming naging close at dumating sa punto na, unti-unti na kong nahuhulog sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa palagi niya akong inaasar, kinukulit at pinapasaya? I think so. Kasi bawat oras ko siyang nakakatext, nakakachat, at nakakausap, palagi niya akong pinapasaya at parang lahat na ng bakante niyang oras itinutuon na lang niya sakin. Di ko lang maamin sa sarili ko na gusto ko siya dahil syempre gusto ko munang makasigurado. Pero yun nga, dumating na dun sa point na, Finally! Naamin ko din sa sarili ko na may gusto ako sa kanya. Di ko lang pinapahalata sa kanya kasi ayokong masira ang friendship na nabuo at binuo namin.
One day, may nakilala akong bagong girl friend. As in, kaibigan na babae. Naging close din kami. Medyo. So pinakilala ko sa kanya yung boy bestfriend ko sa kanya. So naging friends din sila.
At yun yung araw na pinagsisisihan ko.
Naging close din sila. Naramdaman ko lang na lumalayo na si boy bestfriend sakin. Mas natutuonan na niya ng pansin yung kaibigan kong babae.
Natanong ko na lang sa sarili ko na, "Hindi pa ba ako sapat? Hindi pa ba ako sapat na maging girl bestfriend niya? Pangit ba ako? Kinakahiya niya ba ako as his girl bestfriend?"
Dinamdam ko iyon. Well, sino ba naman ang masisiyahan na yung dati mong boy bestfriend may iba nang girl bestfriend? Walang usap-usap. Wala siyang sinabi na di na niya ako gusto na maging girl bestfriend. Iniwan ako. Ipinagpalit ako. So meaning, hindi ako sapat.
At ang mas masaklap, nahulog na ako sa kanya.
Almost 2 years na. Di pa ako nakakamove on. Pero ngayon, nakikita ko naman na masaya na sila as bestfriends, kahit sa social media nagkukulitan sila. Tinatag nila ang isa't isa, mukhang masaya naman na sila. So it's time for me to move on. It's time na pagtuonan ko na ng pansin ang sarili ko. I'm done. 2 f*cking years akong naghintay. I hoped na mapansin niya ulit ako. I was wrong. He didn't come back. Nawalan na ako ng parte sa buhay niya. He left me. Nakakapit pa rin ako sa lubid, pero siya bumitaw na. Pero nagpapasalamat ako kasi naging parte ako ng buhay niya at ganun din siya sakin. I'm moving on to my next part of life.
-------
Hi! Sana magustuhan niyo po ito! Sinubukan ko lang pong magsulat dito and based na rin po ito sa experience ko. Gusto ko lang pong maglabas ng ano.... (luh, greenminded siya) hinanakit ko sa ex ko.... EX BOY BESTFRIEND! WAG KAYO! HAHAHA BATA PA AKO! CHAROT. OKER. BYE! LOVELOTS :*
-kkk

BINABASA MO ANG
Just Move On
Historia CortaDi ko alam kung kailan ko sisimulan. Basta ang gusto ko lang, makalimutan ko na siya. -Mika