MAPLE

1.2K 54 6
                                    

AGA

Aray!

Nakalimutan kong masakit pala siyang sumampal.

"Ang sakit nun a." Walang anumang sabi ko habang hinahaplos ang nasaktan kong pisngi.

Mamumula na ito mamaya, for sure.

"Wag ka nang bumalik. Mas mabuti pa nga sigurong makipagbalikan na lang ako kay Rob kaysa araw araw kang pakisamahan." Mahina ngunit may diin at bigat ang bawat salitang binitawan niya.

Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko pero parang huli na. Galit na siya. At kung galit siya, hinding hindi na siya makikinig sa paliwanag at pakiusap.

Pero sabi niya makikipagbalikan siya sa gagong doktor na yun, aba, di naman ako makakapayag niyan.

"O tingnan mo, e di umamin ka din na gusto mo talaga ang Manansala na yun at naghihintay ka lang nang pagkakataon para hiwalayan ako."

Ooppss! Patay! Bakit yun ang sinabi ko. It's like putting fuel on the fire. Ano ba naman, Aga. Mag-isip din.

Akala ko sasampalin naman niya ako sa kabilang pisngi pero hindi nangyari.

"Bago ka umalis ngayon, lahat ng gamit mo dalhin mo na rin. Wag kang mag-alala, hindi ko naman ipagkakait sayo ang mga bata. Malaya ka pa ring makasama sila."

Uh!oh!

Teka lang, seryoso ba siya?

"Bakit mo ako pinapaalis? E di ba asawa mo ako? At saka sabi mo mahal mo ako, o anong nangyari?"

Napaawang ang labi niya. Akmang may sasabihin pero walang lumabas na salita mula sa bibig niya.

"Basta! Ayaw na kitang makita." Bulyaw niya saka pumasok na sa bahay.

Lahat ng plano ko ngayong araw ay nawala na sa aking isipan. Mas importanteng makausap ko ang asawa ko.

Sige na, sige na, sinisisi niyo na naman ako. Okay na, sorry na, ako na ang may kasalanan dahil ako ang nagsimula nito. 😅


Nadatnan ko siya sa kwarto namin na inilalabas mula sa tokador ang mga damit ko.


Hala! Seryoso talaga siya.

"Anong ginagawa mo?"

"Ano pa? E di tinutulungan kang mag-empake." Sarkastikong sagot niya.

Wow, marunong na siya.

Lumapit ako at hinawakan ang braso niya.

"Bitawan mo ako." Asik niya pero lalo ko namang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.

"Ano ba!"

"Pwede bang mag-usap muna tayo? Masyado kang nagpapadala sa emosyon mo."

Tinaasan niya ako ng kilay pero hindi na lang nagsalita. She must be really mad. And I can't blame her.

"Hindi totoo yun, Lea. Okay?"

"Alin ang hindi totoo?"

"Hindi ako makikipagkita kay Carmen. Sige, aaminin ko, nagkita kami noon sa Mall pero yun lang yun, hindi na naulit kahit tinatawagan niya ako. Ayokong may malaman ako sa kanya na ikasisira ng pamilya natin. Hindi pa lubusang bumabalik ang lahat ng alaala ko at natatakot ako sa kung ano pa ang pwede kong madiskubre sa sarili ko. Kung ano pa ang mga nangyari more than 3 years ago. I'm sorry if I've been such a jerk these days. But I love you and I can't afford to lose you again." Humihingal ako pagkatapos kong magsalita.

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now