Chapter 5 - Date

24.8K 842 121
                                    

Desperate Seduction
@MyJaff

~

MAKAILANG ulit ng napairap si Aiszel ng hilahin siya ng lalaking nagligtas sa buhay niya kung saan. Hindi nga niya alam kung bakit ba siya nagpapahila sa lalaking ito. Ni hindi nga niya ito kilala at hindi niya alam ang tutuong motibo nito sa kanya. Pero kahit na naiirita siya sa mga kilos at kahanginan nito sa kanya, hindi pa rin siya tumanggi na sumama rito at hindi niya alam kung bakit.

Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit pakiramdam niya ay malaya siya ngayon. Aminin niya man sa hindi, nagkakaroon siya ng comfort zone sa tuwing natataon na inililigtas siya ng binata. Noong una, sa elevator iyong muntik na siyang matumba, ngayon naman iyong muntik na siyang malaglag sa AA Technology building.

Parang kabute nga itong si Hari, sumusulpot kung kailan kailangan niya ng tulong tho hindi niya naman talaga kailangan ng tulong kahit kanino.

Lumaki si Aiszel na nakadipende lang siya sa sarili niya lalo na ng mapalapit ang mga magulang niya sa bastardong si Hellion. Magmula noon, sinaksak niya sa isip niya na siya lang ang makakatulong sa sarili niya. Ang sarili niya lang ang kakampi't mapagkakatiwalaan niya. She needs to bare that in her mind, sabi nga nila, be the master of your own. Kaya mula noon, hindi kailanman nanghingi ng tulong sa kahit na sino si Aiszel.

Siguro nga malungkot siya, siguro nga mag-isa siya, siguro nga tinatago niya ang sarili niya sa dilim pero hindi siya magiging isang matapang na babae kung hindi siya marunong tumayo sa sarili niyang paa. There is nothing more dangerous than the person who doesn't have to lose.

As for Aiszel, wala naman mawawala sa kanya pero hindi niya kayang mawala si Azil sa buhay niya kahit na malinaw naman sa kanya na hindi niya ito pag aari. Kahit na kailan, hindi siya susuko hanggang sa maging maayos na ang lahat. Hanggang sa maging pwede na sila.

“Natulala ka na naman sa ka-gwapohan ko.”

She frowned upon hearing his words. “C'mon, you're so full of yourself.”

Buong buhay ni Aiszel ngayon lang siya nakakilala ng taong mahangin na tulad ng lalaking ito at naiirita talaga siya.

“What? Gwapo naman talaga ako, hot pa. Kaya nga magiging akin ka na e.” He wiggled his eyebrows playfully.

Mas lalo tuloy nainis si Aiszel at the same time hindi niya mapigilang mapangiti? No way! Agad niyang sinipat ang sarili.

“Where are we?” Bigla niyang tanong.

“Nasa park?” Patanong rin na sagot ng kasama niya. “Ang loves ko talaga, sobrang ganda pero slow. Tsk! Tsk!” he even shook his head.

How dare him to call her slow cooker! Baka gusto nitong makatikim ng martial arts skill niya?!

“Do you want to die?” Inis na aniya.

Ngumiti naman sa kanya si Hari. “No, I want a kiss.” he winked at her.

Marahas na nagbuga ng hangin si Aiszel bago umirap at humalukipkip. Goodness! She can't stand this boy! Yes! Boy dahil masyado itong mayabang. Sinalo yata nito ang lahat ng kayabangan at kahambugan sa mundo kahit na may ipagmamayabang naman talaga sa itsura ang gunggong.

“Halika na nga,” hinawakan nito ang kamay niya. “Dadalhin kita sa puso ko, este matagal ka ng nasa puso ko, fuck! I mean, kumain muna tayo loves!” 

Sinamaan niya ito ng tingin.

“Si loves naman masyadong highblood. Lalo akong nahuhulog sayo niyan.”

“Shut up! You're so annoying. Tss.”

“At least you're talking to me now. I'm the luckiest man on earth to be notice by someone like you.” Seryosong anito.

Desperate Seduction (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon