Prologue

96 7 16
                                    

Hinihintay ko siya dito sa labas ng veranda ng bahay namin. Tumakas lang ako dahil kinulong ako ng mga magulang ko sa bahay kasama ang mga kasambahay.

Nakatalikod ako habang nakatingin sa sunset. Maya maya ay may tumakip sa mga mata ko.

Napangiti ako dahil alam ko kung sino ito. Tinanggal ko ang pagkakatakip ng kamay niya sa mata ko. Nilingon ko siya at binigyan ng matamis na ngiti.

"Mahal! Dumating ka!" Tumayo ako at niyakap siya.

Naramdaman ko ang pag pulupot ng kamay niya saakin, "Aba syempre naman. Hmmm, ang sarap naman ng yakap mo, Mahal."

Kumalas kami at tinitigan ang isa't isa. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, "Mahal na mahal kita. Wag mo akong iiwan ha?" Sabi ko.

"Mas mahal kita at ipaglalaban kita... Nandito lang ako sa tabi mo at never akong mawawala. Sana, ipaglaban mo ako." Sabi niya.

"Pangako ko, mahal! Ipaglalaban kita." Tugon ko naman.

"Walang iwanan ha?." Paninimula ko.

Nakita ko ang sinseridad at pagmamahal niya ng tignan niya ako sa mata.

Ang pangakong yun ay siniil namin ng isang matamis na halik.

❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀

Hinahabol ko siya...

"Pinaglaban kita! Ako ba? Ako ba pinaglaban mo? Nangako ka! Sabi mo walang iwanan. Sinungaling ka! Ginawa mo lang akong tanga! Kahit na inilayo ka ng mga magulang mo saakin lagi akong nag tatry. Pinupuntahan kita! Eh ikaw ba? Did you even try to look for me or even talk to me?"

Buhos ng buhos ang luha ko. Galit na galit an lalaking sobrang minahal ako pero wala akong ginawa kung hindi saktan lang siya.

"I tried! Hinanap kita! Pero ang sabi ng mga tao eh lumayo ka na daw. Nung una at hindi kita kinibo dahil pinagbabantaan ng mga tauhan ni Daddy ang buhay mo pag hindi ka lumayo sakin! Kaya ako lumayo dahil gusto kitang mabuhay. Alam kong masasaktan ka. I'm sorry. I'm sorry."

Napaluhod na ako at akap-akap ang mga tuhod niya.

Tumawa siya ng napakapait, "Alam mong masasaktan ako? Alam mo?!" Tumaas na ang boses niya, "ALAM MO PALA EH! Pero ginawa mo pa rin! At tama ka! Dahil nasaktan nga ako! Ang galing mo! Naniwala ka sa mga tao kaya gumive up ka agad?!"

Humagulgol pa rin ako ng humagulgol. Tumayo ako paunti-unti. Niyakap ko siya ng mahigpit, at hinarap siya, "Mahal kita!"

Tumawa ulit siya, ganun pa rin, "Mahal mo ako? Ano nanamang kasinungal--"

Hinalikan ko siya. Nakita kong napapikit siya. Hindi siya gumawa ng kahit anong aksyon pero tumugon rin sa mga sumunod na sandali.

Bumitaw kami, "Mahal kita, maniwala ka."

Niyakap ko siya ng sobrang higpit, "This time, lalaban na ako. Hindi ko na hahayaang magkahiwalay pa ulit tayo. Huwag mo lang akong papakawalan."

❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀

My second story!!!
Sana magustuhan niyo rin!
Thank you for supporting BITL! <3

ABANGAN NIYO KUNG PAANO MAGSISIMULA ANG LOVESTORY NA 'TO! PATI NA RIN AN MGA MANGYAYARING PLOT TWISTS.

Don't forget to vote and comment! :)

❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀

A/N: Names and persons in this story are chosen to be in this fictional story to give readers a better imagination. Any resemblance to actual persons, anyone living or dead, or actual events is purely coincidental.

❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀

Twitter: @gotkathniel_
Instagram: @gotkathniel

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Señorita ChandriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon