HELP!!

10 1 0
                                    

Francis Cody Min's POV

Nakaheads down lang ako sa canteen at naghintay na mag-ring ang bell.

Please sana takaga maging bato na lang ako. Mga ilang minuto ay nag-bell na at may kumalabit naman sakin.

"Uyy!! Sabi na nga ba! Napalayas ka nanaman sa classroom niyo?" Natatawang sabi ni Xyrus

"Ano bang magagawa ko?" Sabi ko at napasalumbaba

"Ganyan rin dati nung highschool diba?" Natatawa niyang sabi

"Ewan sakit mo sa brain cells." Sabi ko

"May brain ka ba?"

Tinaas ko ang kamao ko at tinaas rin ang middle finger ko

Napatawa naman siya. Nagkwentuhan lang kami dun ng mga 45 minuto at biglang nag-ring yung bell meaning next subject na.

"Geh balik na ako ng classroom" sabi ko at umalis

"Sige madapa ka sana" sabi niya habang tumatawa

Bumalik na akong classroom nang biglang may nakita akong mga gr. 11 na nakapila sa labas

Pumasok na lang ako ng room nang bigla silang nagsitinginan lahat sakin at biglang umingay

"QUIET! CLASS QUIET! NAKAKITA LANG KAYO NG LALAKE GANYAN NA KAYO!" Saway ng teacher

Napa-smirk naman ako at tuluyan nang pumasok a classroom. Gwapo ko talaga

"Cody ano yung ingay sa labas?" Tanong sakin ng kaklase ko

"Wala fangirls ko lang." Sabi ko at umupo na sa pwesto ko

Frances Stelaria's POV

Nag-cr lang ako saglet nang may tiliang nangyareh sa may hallway.

Anong nangyareh? May zombie ba? Andiyan ba si James Reid nagbibigay ng libreng napkin?

Tinignan ko naman mga classmates ko okay pa naman sila.

"Anong nangyare" Tanong ko sa isa kobg kaklase na halos mangisay na sa kilig

"OMG SI FRANCIS!!!" -Classmare ko

"Ako!?! Bakit ako!?! May ginawa ba akong kasalan?" -Ako

"Francis kasi hindi Frances. FRANCIS! I hindi E!" Sabi ng classmate ko

"Ahhh... Sino yun?"

"Baguhan ka pa lang wag mo nang alamin." sabi niya at umirap

Sarap batukan ng babaeng to. Tsk.

"Bunot kayo girls!" Sabi ni miss saka pinasa ang isang box. Habang pinagpapasahan namin ang box may sinasabi si miss. "May iinterviewhin kayo about sa college life nila. Obserbahan niyo yung mga galaw nila kung anong meron sa kanila and all. Obserbahan niyo. Bale kung sino ang mabunot niyo siya ang maiinterview niyo." Pagkatapos nun binalik na nila ang kahon

Isa isa naming binuklat ang papel

Francis Cody Min

Woah what!?! Sino to? Siya ba yung Francis kanina na sinasabi nitong babaeng to or what.

Kanya kanya silang tanong king sino ang nabunot nila.

"Sino nabunot mo?" Tanong ng kaklase kong nasobrahan sa cheek tint parang nasampal

Kapag Ang lalake Nasaktan[|YOONGI FF|]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon