Kabanata I

389 18 9
                                    

Kabanata I: Pangungulila

Sa Devas:

HINDI MAPIGILAN ni Amihan ang lalong pagluha nang makita niya ang pagtangis ng kaniyang mag-ama mula sa kinatatayuan niya sa Devas. Ilang taon na ang nakalipas, ngunit hindi pa rin siya matahimik. Hindi niya malimutan ang Sapiryang iniibig at ang kanilang anak na kapwa nagdadalamhati sa kaniyang pagyao.

"Hindi mo pa rin sila makalimutan, mahal na Hara" ani Ades na kanina pa pala siyang tahimik na minamasdan.

"Dahil nagsisisi ako, Ades" lumuluha niyang sagot na hindi man lamang inilayo ang paningin sa dalawang taong pinananabikan niyang makapiling muli. "Nagsisisi akong iniwan ko sila. Tama ang tinuran ni Lira, hindi ko man lamang sila isinaalang-alang nang magdesisyon akong ibuwis ang aking buhay."

"Ngunit tapos na iyon, Amihan. Hindi na natin muling maibabalik ang nakalipas na. At ginawa mo naman iyon para na rin sa kanila, lalong-lalo na para kay Lira."


Naglakad siya, at tinumbok ang daan tungo sa hardin ng Devas. Tahimik na nakasunod ang matapat na dama sa kaniya. May pakiwari na ito kung ano ang sadya ng reyna doon.

Sa Lireo:

"Itay, sobrang miss na miss ko na si Inay. Alam kong nag-promise siya sa atin na muli soyang babalik dito para makasama tayo, pero ilang taon na ang lumipas eh" tumatangis na sabi ni Lira.

Nasa silid niya sila ng kaniyang amang hari. Pilit siya nitong pinatatahan sa pag-iyak, ngunit tila may kung anong sumabog sa puso ni Lira nang magkasagutan sila ng ama sa balkonahe kanina. Para bang lahat ng kinimkim niyang emosyon noong pumanaw si Amihan ay noon lamang niya nailabas.

"Alam ko ang nararamdaman mo, anak. Ako'y gayundin ang nararamdaman. Sadyang napakapait ng pagsubok na ibinigay sa ating dalawa. Ngunit naniniwala ako sa pangako ng iyong ina" tinabihan niya ang anak sa pagkakaupo nito sa kama at niyakap ng mahigpit.

"Pero, 'Tay! Hanggang kailan tayo parehong maghihintay? Bakit ayaw ibalik sa atin ni Emre si Inay? Napakatagal namin nagkahiwalay. Sasandali pa lang kami magkasama eh kinailangan na niya akong iwan para ipagtanggol ang Encantadia. Ang unfair, 'Tay!" Patuloy na iyak ni Lira.

Alam ni Ybrahim na tama ang tinuran ng anak. Maging siya ay tinatanong na rin ang sarili kung bakit hindi ibinabalik ng mahabaging Emre ang kaniyang mahal na Reyna. Maliban sa kanilang pangungulila, kasama na ang mga Sanggre, ay kulang na kulang ang kanilang pwersa laban sa mga Etherian.

"Hindi ko rin masasagot ang iyong mga katanungan, anak. Ngunit huwag mong hayaang lamunin ng puot at pangungulila ang iyong puso. Ang mahal na Emre na lamang ang ating matatakbuhan sa ngayon at alam kong may rason kung bakit hindi pa niya pinababalik ang iyong ina" mahabang saad ni Ybrahim.

Bumitiw sa pagkakayakap si Lira at tinignan ang mukha ng amang hilam na rin sa luha. "Itay, sorry po. 'Di ko man lang inisip, pati pala kayo eh namimiss na si Inay." Nangiti si Lira. "Grabe, Itay. Ilang taon na ang dumaan, love mo pa din si Inay. Sana makakita rin ako ng lalaking mamahalin ako ng ganiyan."

Napangiti si Ybrahim. "Iba kasi ang pinagdaanan namin ng iyong ina. Magkasama kaming lumaban sa mga pagsubok na ibinato sa amin. Dinamayan ang isa't-isa. Hanggang sa lumalim ang mga damdamin namin. At sinisiguro ko sa iyo na makatatagpo ka rin ng engkantadong magmamahal sa iyo ng tunay" sabi niya habang hinahaplos ang pisngi ng anak.

Sa Etheria:

Maririnig ang napakalakas na tawa ni Ether. Ito ay tawa ng tagumpay. Natutuwa at nagdiriwang ang bathaluman, sapagkat buhay ng muli ang reyna ng kaniyang nasasakupang kaharian. Si Avria.

"Maligayang pagbabalik, mahal na Hara" ani Andora, sa katauhan ng dating Mashna ng mga Hathor na si Agane.

At sumilay ang nakapangingilabot na ngiti mula sa mga labi ng kabubuhay lamang na Hara ng Etheria.

Sa Lireo:

Nakaupo noon si Danaya sa trono ng Hara ng Lireo, nagiisip. Ang mga pinadala niyang espiya ay walang naiulat sa kaniya nang ang mga ito ay magbalik ng kanilanh kaharian. At hindi ito naiibigan ng reyna ng mga diwata.

Mula sa kawalan ay lumabas at nagpakita ang kaniyang apwe, na ngayon ay reyna na ng kaharian ng Hathoria. Nakasuot ito ng baluting pandigma, bagay na ipinagtaka ni Danaya. Ilang araw na ang nakalilipas nang huli silang magsuot nito. Kinukutuban siya ng masama.

"Ano't napa-rito ka, Pirena? May nangyayari bang hindi maganda sa Hathoria? May problema ba?" Napatayo si Danaya mula sa kaniyang pagkakaupo.

Lumapit sa kaniya si Pirena at tinapik ang kaniyang balikat. "Walang nagaganap sa Hathoria, Danaya. Wala ring kakaibang nangyayari sa buong Encantadia."

Noon naman pumasok ng silid bulwagan ang mag-ama ni Amihan. Kasunod nito ay ang pagdating rin ni Mira. Noon nakadama ng kakulangan si Danaya. Para bang may puwang sa kaniyang puso. Tila kulang ang mga taong kaniyang kaharap. Hanggang sa napagtanto niyang wala si Aquil, ang dating Mashna ng Lireo. Naalala niyang lumisan na ito sa kaniya na ring utos, matapos malamang itinago nito ang pagkatao ng ama.

"Anong nangyayari rito, Ina? May pagpupulong ba?" Ani Mira.

Kunot ang noong bumaling si Ybrahim sa tagapangalaga ng brilyante ng apoy. "May dapat ba kaming malaman, Hara Pirena?"

"Walang kaganapan sa Encantadia, Rama. Bagay na aking ikibinabahala. Ilang araw nang tahimik ang mga kalaban nating Etherian" sagot ni Pirena na nagpapalakad-lakad sa bulwagan.

"Iyon din ang aking iniisip kanina bago ka dumating, Pirena. Ano't walang ginagawang kaguluhan ang mga kasapi ng bathalumang si Ether?" Tugon ni Danaya.

"Tunay ngang nakakabahala iyan" pagsang-ayon naman ng rama.

"Kaya ako naparito ay upang hingin ang inyong basbas, apwe... Ybrahim. Nais kong magtungo sa Etheria at magmanman" sabi ni Pirena.

"Sasama ako, Ina!" Ani Mira.

"Ssheda, Mira! Mag-isa akong tutungo roon. Magpapalit wangis ako upang sa gayon ay mas makasagip ako ng ulat. At hindi ko nais na sumama ka dahil delikado ang misyong ito" mahabang paliwanag ni Pirena sa anak.

"Tama ang iyong ina, Mira" lumapit si Danaya sa kaniyang hadia at hinaplos ang balikat nito. "Lubhang delikado ang kaniyang gagawin. At hindi makatutulong sa kaniya kung iisipin pa niya ang iyong kapakanan. Hayaan mo muna siya."

Malungkot naman na tumango si Mira. "Mag-iingat ka, Ina."

Lumapit si Pirena sa anak at niyakap ito. "Babalik ako, anak." At naglaho na siya gamit ang evictus.

_____

Paano nga kaya makababalik si Amihan sa Lireo? Sa susunod na kabanata, mga apwe.

02/25/2017
SJG

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Encantadia: Dure LiveaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon