Jao's POV
"Jao, gising na! Male-late na tayo", ano ba yan ang ingay.
"JAO!!!!!!!!!!!!!! OMO NASA BABA SI JAMES REID!!!!!!!", bigla naman akong napabangon nang wala sa oras, at kumaripas ng takbo pababa sa sala kasi nandun daw si hubby/James Reid at sa kasamaang palad, wala siya dun. Naisahan nanaman ako nitong pinsan ko, haiistt. At dahil sa biglaan kong pagbangon nakaramdam tuloy ako ng hilo.
"Ano ba 'yan, Ashanti. Agang aga, nambabadtrip ka. Tss", sabi ko sa kanya sabay pasok sa banyo.
"Eh kasi po, kanina pa kita ginigising dahil late na tayo, dedma ka lang. Haiist! Nalulusaw na tong beauty ko dahil sa'yo", Hahaha napatawa nalang ako sa inasta ng pinsan/bestfriend ko, walang kupas ang confidence, hay naku!
"Tss. Masyado ka yatang excited sa new school natin. Ang aga pa kaya!" Sabi ko sa kanya habang naghihilamos.
"Excuse me, Doña Jao. 6:30 na po ng umaga at magsisimula pa ang klase natin ng 7:00, kung hindi ka po marunong tum----", pinutol ko na ang sasabihin niya
"ANOO!!!! BA'T HINDI MO AGAD SINABI SA AKIN. EDI SANA KANINA PA AKO NAGMAMADALI!!!" Sigaw ko sa kanya.
"Ehhhh??", sabi niya na hanggang ngayon naka-cross arms pa rin.
"Ano pa tinatayo mo diyan? Ba't hindi ka pa naliligo? Nag-almusal ka na?", tanong ko sa kanya habang hinahanap yung uniform ko.
"Kanina pa po. Ikaw na nga lang hinihintay ko. O siya, maliligo na ako ha, ikaw rin magmadali ka na. CIAO!", pa-cool niyang sagot sabay labas ng kwarto ko.
Btw, lemme introduce myself. I'm JAO CHRISTINE SEUNG, only daughter of Nikki and James Seung. Our family owns the Seung Group of Companies, maraming branch ang company namin around the world. My mother and father are both half korean. Wala akong kapatid, pinsan ko yung kaninang madaldal at makulit na babae. Siya si Ashanti Faye Joong, anak siya ng kapatid ng mama ko. Simula kinder palagi kaming magkasama. At dahil sa wala akong kapatid, at wala din siyang kapatid, kaya kami nalang ang nagkakampihan at nagtuturingan na magkapatid/bestfriend/cousin. Oha! 3 in 1, parang kape lang chos!! ^_^v..... May secret kaming dalawa ni Ash, isa kaming mga gangster, kabilang kami sa grupong The Devil's Angel. Anim kaming babae na kabilang doon at limang lalaki. Well, nakikipaglaban din kami pero hindi kami pumapatay. We are nice gangsters, nangtatanggol lang kami ng mhga inaapi.
***back to the story***
Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay agad na akong bumaba para mag-almusal. Nakita ko naman dun si Ashanti na nanonood ng Phineas and Ferb palibhasa favoite niya, tsk.
"Oy Ash, hindi ka pa mag-aalmusal??", tanong ko sa kanya habang kumukuha ng pagkain.
"Hay naku Jao, diba tinanong mo na ako niyan. Tss, makakalimutin na ang lola", ayy oo nga no, hehe.
"Pasensiya naman, tao lang nagkakamali din", sarkastikong sabi ko.
Nang matapos na akong mag-almusal ay agad na kaming pumunta sa new school namin. 4th year highschool na kami pero nag-transfer pa rin kami ng school, eh wala lang, trip lang namin hehezz.
Ayy oo nga pala, I forgot to mention the name of the school. Sa Clinton High University kami magta-transfer. Pangalan palang ng school namin pang-mayaman na...hahahah
"Uhmm, mga Ma'am nandito na po tayo", sabi ni Manong Joe, driver namin. Hindi pa kasi kami pwedeng mag-drive kasi wala pa kami sa legal age, we're only 16 kaya kumuha muna sina mommy ng driver na maghahatid sundo sa amin ni Ashanti.
YOU ARE READING
The Hearthrob Meets The Gangster Princess
Teen FictionIt's a story about Jao Christine Seung, who transfer in a university with her cousin/bestfriend Ashanti Faye Joong. There they met new friends, people and also a lover. But its gonna be complicated for them two. Find out why.