A/N: A VALENTINE SPECIAL po ituuu! Hahaha. Gusto ko maramdaman nila na may nakakaintindi sa nararamdaman nila at pagaanin ng konti yung burdens ng mga pusong sawi para naman maki-hart hart di sila! ♥ ♥
Finish your reading then if you have your point of view just comment para sa additional knowledge. Thank you! Maka-relate sana kayo ^____^
Also play the video in the right side :) Para mas dama :)
Hope you like it! :* Enjoy Reading! : )
*bluedust*
----
Bakit nga ba nagiging bitter ang isang tao? Dahil ba.. nasaktan ka nya? niloko? pinaasa? Maybe yes, but what we don’t realize is nagiging bitter tayo because we’re not that satisfied or not really satisfied sa reasons nya o kaya kabaligtaran ng gusto nating marinig o malaman ang ating natatanggap mula sa kanila and what hurts the most is that, the person you thought would never hurt you, disappointed you.
Ang hard dba? They don’t see the things we did for them. Buong puso ka nagtiwala sa kanya. Yung minahal mo sya sa kabila ng katotohanang may mahal syang iba. Patuloy pa din ang pag suporta mo sa kanya. Yung nagmumukha ka na palang tanga para mapansin ka lang nya. Yung nakikita ng ibang tao sayo, ikaw sa sarili mo di mo nakikita. Explain ko pa, Yung sinasabi sayo ng ibang tao na, pinagsisiksikan mo yung sarili mo sa taong hindi ka naman gusto. Pero ikaw, ang alam mo sa sarili mo hindi yun totoo, dahil ang alam mo lang masaya ka sa kanya. I understand na bulag ka pa sa katotohanan at ayaw mo pa itong tanggapin.Wag kna umasa sa taong di ka pansin o di ka kayang mahalin. Isipin mo, kung mahal ka nya di mo na kaylangan magpapansin pa. Huwag ka na mag-antay na dumating yung oras na lalapitan ka nya at sasabihin nyang mahal ka din nya dahil kung mahal ka nya hindi ka nya hahayaang mag-antay pa. Ito yung reason kaya nagiging bitter ka nag-aassume ka, umaasa hanggang dumating yung time na napapagod kna tapos ang ending umaasa ka pa din. Ayaw mo rin simulang mag-move on dahil sa pag-asa at paniniwalang dadating ang time na lalapit sya sayo at sasabihing mahal ka din nya. O sa pag-aakalang baka kapag nagmove on ka o nakamove on kna saka pa sya magsabi na mahal ka nya. Nanghihinayang ka sa mga naiisip mong pwedeng mangyari, pero hindi mo ba naisip na mas dapat kang manghinayang sa panahong kasalukuyan? Na sa pag-aakala mo, nababalewala mo na ang mga espesyal na tao na andyan lang sa paligid mo?o kaya nasasayang mo ang mga opportunity na dumadating sayo dahil ipinako mo ang pansin mo sa iisang tao na di ka sigurado?
Gumising ka sa katotohanan. Buksan mo ang iyong isipan. Wag mong hayaang makulong ka sa ganyang kalagayan, gusto mo bang dumating yung point na nahihirapan kang umalis sa at talikuran ang isang tao? Nakakapagod kapag nangyari yun. Yung tipong naglalaban ang iyong puso at isipan. Darating ang point na pati sarili mo hindi mo na maintindihan. Oo, tamang umasa ka, pero huwag ng sobra sobra,I assure you masasaktan ka lang. Oo, nagmahal ka ng sobra at na-take for granted ka, instead of blaming yourself, just take it positive. Mahirap? Imposible? NO. you just need to look at it on its brighter side. Isipin mo na lang na you already did and gave your very best. So kapag wala pa din nangyaring maganda, you better accept the fact and let go.
The feeling of being in the process of moving on is too hard, right? You always have your second thought. Yung tipong nagmomove-on ka nga, but still there’s a part of you na patuloy na umaasa. Mind you. If you really want to move on, you also need to hurt yourself. Crazy thing isn’t it? Baka sabihin mo “ eh kaya nga nagmomove-on we! Para di na masaktan, eh baket kelangan pa saktan ang sarili ko?” Ganito yun, hurt yourself in a way that feed your mind and’ keep that to your mind na he don’t love you,anyway. Try to think all the mem’ries that you two had. Kapag mas marami yung mem’ries na nakapagpalungkot sayo dahil nasaktan ka nya, the truth is, truth is just waiting you to notice it. Yun bang, sa dinami –rami ng mga nangyare maiisip mo na “Oo nga ano, kaya pala ganun, kaya pala ganito kase di naman talaga nya ko mahal.” Sa una, masakit sobra. Araw-araw nalulungkot ka. Nagtatanong ka sa sarili mo bakit hindi ka nya mahal. Naiisip mo, ano ba meron sa iba na wala ka. Pati tuloy sarili mo naja-judge mo na. Dumarating din yung time na kapag mag-isa ka lalo na sa gabi na patulog ka na, lahat ng nangyari nagpa-flashback wala kang magawa kundi ang umiyak. Nagiging daily routine mo pa nga dba? You better change it, yung mga tanong mo sagutin mo, ikaw din ang may alam ng kasagutan sa mga tanong mo. Oo, may mga kaibigan ka, nagsasabi ka sa kanila, may advice pa nga sila dba? Pero maniwala ka, nalilito ka lalo dba? Bakit hindi mo subukang i-encounter ang bagay na ito na ikaw ang lulutas? Gaya ng, instead of questioning yourself kung ano ba yung wala sayo na wala sa iba, why don’t you try na i-enhance ang sarili mo? Update yourself wag puro status lang ang ina-update. It will boost your confidence. I was saying na, kaysa malungkot ka dyan sa isang sulok, simulan mong gawing makulay ang lifestyle mo. Paganda ka! Smile lagi :) Keep this in your mind, hinahayaan tayo ni God na bitawan ang isang tao ng sa gayon meron syang lugar at dahilan upang ibigay ang mas nararapat sa pagmamahal natin. Ganun dapat. At syempre, recipe din ng pagmomove-on ang pagpapatawad. I assure you, once na napatawad mo na sya, acceptance happens and everything will follow. Bakit? Dahil wala kang mabigat na dadalhin sa pagtalikod mo sa kanya.
Patiece is a virtue ika nga. Wag mo madaliin ang paghilom ng puso mo. Wag mo din hayaang makasakit ka ng iba pang tao dahil sa kagustuhan mong mapabilis yang pagmomove-on mo, yung eksenang makikipag-flirt ka sa iba, yung tipong gagawin mo silang panakip butas lalo at di mo naman sila mahal dba. Gusto mo din ba maranasan nila yung sakit na iyong naramdaman? Gusto mo din bang kaawaan niya yung sarili niya dahil nasasaktan din siya sa parehong kadahilanan na hindi sya mahal ng taong akala nya mahal din sya? Think of it. Ikaw lang makakasagot nyan.
Give yourself a break. Maghintay ka lang, wag ka mainip at magsawang mag-antay na dumating yung taong magtuturing din sayo bilang prinsesa. Malay mo, may balak pa sayo si God. Na hinuhubog lang nya ang puso at isipan mo, para kapag dumating na yung time na handa ka na, He will make a way para mahanap ka nung taong magmamahal sayo. Just think positive. Most importantly, pray to God. Talk to him every day, just like how you usually talk to your friends. Sa kanya mo sabihin ang buong nararamdaman mo, dahil higit pa sa pagpapagaan ng kalooban ang ipagkakaloob nya sayo, kundi ang mga iba pang bagay bagay na dapat ay i-appreciate mo. Learn to understand na may mga bagay lang na hindi talaga meant to be. After that process, you will realize you are stronger and better than before. So smile, cheer up :) God will shower surprises to your life. You’re beautiful, get-up, dress up and never give up :) *End*
HAHAHA! Okay ba? :3 Sana may natutunan kayo : )
Vote and Comment