Kamusta ka?
Ilang ulit nang tanong ng nakararami
Ilang ulit nang gustong sagutin ngunit puso'y tila nahihimbing
Ilang ulit nang lumingon ngunit niisang tingin ay hindi makaratingKamusta ka?
Heto ikaw pa rin ang hinihiling
Ikaw pa rin ang gustong abutin
Ikaw pa rin ang gustong mahalinKamusta ka?
Ilang ulit nga ba dapat tanungin
Ilang ulit nga ba dapat sagutin
Ilang ulit nga ba bago magisingIkaw? Kamusta ka?
Bumalik na ba ang iyong ngiti
Bumalik na ba yang puso mong puno ng pighati
Maibabalik pa ba natin ang bawat segundong pareho nating hiniling na ngayon ay kinuha mo na din nung ako'y iyong lisanin