Chapter 2

67 13 0
                                    


Miracle's Pov

Pagbaba ko sa tapat ng mansyon namin nakita ko agad ang napakaseryoso kong daddy sa harap ng pintuan. Di naman halata na papagalitan na naman nila ako

Kung alam nyo lang kanina pa ready ang tenga ko...

  "Given get inside, we have a lots of things to talk about".maawtoridad na sabi ni daddy with matching pokerface pa.

Sumunod agad ako kay daddy, takot ko na lang sa kanya ..

Pagkapasok ko sa loob andun na sila sa sala, nakaupo at handang handa na silang sermonan ang nag iisa at napakaganda nilang anak, yes nagiisa akong anak

siguro kung may kapatid ako siguro may kakampi ako, may karamay ako, kahit ang mommy ko sumusunod lang din kay daddy hindi man lang nila ako hinahayaan magpaliwanag, palagi na lang silang nasa trabaho saka lang nila ako napapansin pag may nagagawa akong kasalanan o kalokohan sa school kaya ko nagagawang makipagaway at gumawa ng kalokohan para magkameron sila ng oras sakin pero kahit ganon di ko naman pinapabayaan ang studies ko, ako pa! Ang kaisa isang magandang anak nila...

  "Given, what are you waiting for?".sabi ni dad

  "Ah eh w-wala po daddy". utal na sagot ko sabay upo sa harap ng upuan nila

"Anak, ano na naman bang ginawa mo at tinawagan kami ng tita veronica mo na nakipagaway ka na naman hindi porket tita mo siya gagawin mo na kung anong gusto mo, siguro naman alam mo anak na madami kanang kaso sa Fryde university? Tandaan mo sikreto lang natin na tita mo siya, ang alam nilang lahat ay principal mo siya".mahinahong sabi ni mommy

Yan parati ang sinasabi ng mommy ko sakin para ngang nasasaulo ko na hahahahaha naalala ko pa ang kaaway ko naman nuon pag hindi yung bruhang Misiel, yung mga kaibigan naman niya, syempre kasama ko din sina Mhisty, Zhan at Cj sa pakikipagaway ganon talaga kami, kaaway ng isa, kaaway na naming lahat....

   "So we decided na ilipat ka na lang ng ibang university baka sakaling magbago ka nahihiya na rin kami sa tita veronica mo puro sakit ng ulo ang ibinibigay mo sa kanya".maawtoridad na sabi ng daddy ko

"Dad! Mom! Di nyo man lang tinanong kung gusto kong lumipat".sa gulat ko nasigawan ko na sila

  "Anak, kung ito lang ang pa---".hindi na pinatapos ni daddy si mommy at nagsalita na ulit siya

  "Given buo na ang desisyon namin ng mommy mo inaayos na namin ang lilipatang university na papasukan mo at next week lilipat ka na..".

Kahit labag sa loob ko as if naman may magagawa pa ako...

"Punta na po ako sa kwarto ko".sabi ko na lang sabay talikod s kanila

Glhenn Pov

"Hon hindi ba parang sobra naman kung lilipat agad natin siya sa ibang university?.nagaalalang tanong ko

"Ito lang ang alam kong paraan para magtino siya.." sagot ni Michael sa tanong ko

"Nagaalala lang ako sa anak natin Hon kung makakaya kaya niyang makarecover sa papasukan niya, alam mong mga responsableng  mga estudyante lang ang pumapasok don..Paano kung mahulog siya? Alam nating graduating na siya". Sabi ko sa kanya

"Hon just calm down, alam kong may talino ang anak natin. Kailangan nya ring maging responsable, she's turning 17 and we know she's acting like a 12 years old baby who loves to do trouble things." Seryosong sabi niya

Miracle's Pov

Padabog kong isinara ang pinto ng kwarto ko. Kailangan pa ba talaga nilang gawin na ilipat ako ng ibang University?

Ito pa ba ang paurasa ko?

Ganon na ba talaga ako kalala??

Di ba nila alam kung gaano kahirap ang magadjust?

Di ko namalayan na umiiyak na pala ako, ang hirap pala pag hindi iniisip ng magulang ang nararamdaman ng anak.

Mahirap, kapag ang iniisip lang nila ay ang kapakanan ko pero di nila iniisip kung sasaya ba ako?

Siguro itutulog ko na lang ito. Baka paggising ko maging maayos na din ang lahat, wala na rin naman sigurong makakapagbago sa disisyon ng daddy ko...

Baka pag duon ako pumasok sa university na sinasabi nila mapapansin  na rin nila ako hindi bilang sakit ng ulo kundi bilang maipagmamalaki rin nilang anak.. sabay pikit ng mga mata ko....
Zzzzz... Zzzzz....

UnExpected LoveWhere stories live. Discover now