prologue
Nakayuko na naglalakad ako sa pasilyo patungo ako sa bagong classroom—Transferee student ako at second year high school. Bumuntong hininga ako... hindi ko talaga feel ang school na 'to parang may aura dito na parang hindi ako nababagay. Bakit naman kasi lumipat pa kami ng bahay at school ayan tuloy kailangan kong mag-adjust ng environment.
6:40 A.M pa naman kaya mamaya na lang siguro ako pumasok sa classroom doon muna ako sa Study area.
Yon nga ang ginawa ko... Doon ako nagpalipas ng oras.
Ako si Misty Ramshard, 11 years old... Masasabi ng hindi ako gaanong sociable. Tahimik na tao basta wag lang akong kantihin.
Sasabihin ko na rin sa inyo na plain lang ako as in.. 'yong hindi gaanong pansinin ng mga lalaki.. well bata pa naman ako ang sabi ni mama para daw akong ugly duckling. Naiinis ako. Akalain mo inahalintulad ako sa isang panget na bebe?! pero agad din naman na nawala din yong inis dahil sabi niya balang araw daw gaganda ako kagaya ng ugly duckling na naging Swan.
Oh well bata pa naman ako..malay niyo gaganda din ako.
Tahimik lang ako sa isang lugar na walang tao...
“Sigh.. naku sana hindi masasama ang ugali ng mga tao di--”
Naputol ang sasabihin ko sasarili ng may tumama isang bagay sa ulo ko.. siyempre napaungol na lang ako sa sakit at sa pagkabigla. At naglanding ang bola sa kamay ko. Malapit lang kasi ang Study area ang basketball court.
Kainis sino ba yon?
“Sorry hindi ko sinasadya na patamaan ka.”
Isang lalaki na naka-jersey ang lumapit sa akin. Now that I look at him closely.. Napaka-cute niya!
Gwapo at cute? Pwede!
“...................”Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko sakanya? Hindi pa naman ako mahusay na makipag-usap sa isang tao?
“May masakit ba sa'yo?? sabihin mo dadalhin kita sa clinic.” He said in sincerely voice.
Bigla din bumilis ang pagtibok ng puso ko at yon ang unang tumibok ng grabe dahil lang sa isang lalaki!
“Ah..wala..walang masakit sa akin..o heto... kunin mo na ang bola.” Mahinang boses na sabi ko.
“Sure ka? Baka naman iniinda mo lang yan?”
Umiling ako. “Wala nga.” Bigla na lang nag-ring ang bell kaya tumayo ako.Dahil magsisimula na ang klase. Hindi pa rin siya umaalis sa harap ko. Binigyan niya pa ako ng simpatikong ngiti... Tsk.
Tumango na lang ako saka walang sabing umalis... Kainis hindi man siya nag-abala na malaman ang pangalan ko o magpakilala sa akin! Eh ano naman ang expected sa yo?
BINABASA MO ANG
The Reason I Became a Bitch!
General FictionIbinalik ko lang itong story ko. Hindi ko pa po ito na edit at walang balak. XD