Kabanata 1: Bintang

1 0 0
                                    

Naglalakad ako sa tabi ng kalsada.Dala dala ang isang brown na folder na may mga papeles sa loob.Mag a-apply ako ng trabaho.

Ulila na ako noong sampung taong gulang ako at may dalawa akong kapatid. Ako ang naghahanapbuhay para sa aming tatlo.Simula nong namatay si Nanay. Apat na taon na ang nakararaan.Mahirap tanggapin para sa amin ni Itay lalo na't si Inay lang ang nagtatrabaho para sa amin samantalang si Itay ang nag aalaga sa aming magkakapatid.OFW si Inay sa Saudi.Pinatay siya ng Amo niya doon.Galit na galit si Itay kaya pagkalibing ni Inay sa isang pribadong sementeryo,sumugod si Itay sa Dating amo ni Nanay.
Pagkalipas ng isang buwan,Nalaman nalang namin na patay na si Itay.Masakit,Oo.
Pero kailangan tanggapin.Dalawang napakahalagang tao ang nawala sa amin.

Hindi ko alam kung anong dahilan ng pagkamatay ni Itay.
Pero nasisigurado kong ang pumatay sa kaniya ay ang dating amo ni Inay.Gusto lamang ni Itay ng hustisya para kay Inay.Mahal na Mahal niya ito.Alam ko.Dahil lumayas si Itay sa kanila para lang pakasalan ang Nanay ko.Mayaman ang pamilya ni Itay samantalang ang pamilya naman ni Inay ay may maliit lang na negosyo.Hindi matanggap ng pamilya ni Itay si Inay dahil mahirap lang daw ito.Nagalit si Itay sa paratang ng pamilya niya kaya lumayas siya.Nagtanan sila ni Inay.Nagalit din ang pamilya ni Inay kay Itay dahil sinama ni Itay si Inay sa makamundong dahilan niya.

Wala akong kakilalang kamag- anak ni Inay at Itay kaya ako nalang ang bumubuhay sa'min.
Di ko nga kilala ang magulang ni Inay at Itay.

Nakaharap ako sa isang mamahaling restaurant.Nagbabakasakaling may pwesto pa.Lumapit ako sa gwardya.

"Magandang Umaga po"

"Magandang umaga din Hija.Anong maipaglilingkod ko sa'yo?" Ngumiti pa ito.

"Ahm.May bakante pa po bang trabaho?Kahit ano po."

"Wait lang Hija ha? Magtatanong muna ako"

Umalis na siya.Nakita ko siyang papasok sa isang silid.

Tinitignan ko ang kumakain sa loob.May nag da-date.Meron ding nagbabarkada at masayang pamilyang kumakain.Siguro,Kung buhay pa sina Inay at Itay.Kahit kumakain lang kami sa isang kalenderya.Ang saya saya namin .makakain lang ng masarap at magkakasama kami.Buo na ang araw namin.

"Hija"

Lumingon ako.
" Po?"

"Kakausapin ka daw "

Kumunot ang Noo ko.
"Sino po?"

"Manager ng restaurant na to Hija" ngumiti ang guwardiya sa'kin.

Bakit kaya? Tatanggapin niya ba ako?

Sumunod ako papasok sa loob.Papunta kami sa pinasukang silid ng guwardiya kanina.

"Pumasok ka na Hija.Babalik na ko don" Turo niya sa pwesto niya kanina.

"Maraming salamat po"

Tumango lang siya sakin at nagsimula ng maglakad.Kumatok ako bago ko pinihit ang doorknob.

Just a plain office.Walang kadesign design pero napakasimple na para bang di mo malaman kung office ba to ng mamahaling restaurant na to.

"Magandang Umaga po Ma'am"
Binalingan ako ng babaeng nakaupo sa swivel chair.Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa.Hilaw akong Ngumiti.Nahihiya ako.

"Janitress lamang ang bakante dito Hija.Sure ka bang mag a-apply ka?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Opo"

"Makakaya mo kaya 'yan? Base kasi sa kutis at mukha mo Hija.
Di bagay sayo ang trabahong ito.Parang di trabaho ang pinunta mo dito."

Ano!? Mali ang bintang niya sakin.Bawal bang magtrabaho ang mga katulad ko?

"Ma'am mali po ang bintang niyo sa'kin."

"Mayaman ka Hija .Nasisigurado ko yon."

"Mahirap lang po ako.Ulila nako.Naghahanap buhay para saming magkakapatid.Kaya ko po kahit anong trabaho ."

"Ok sige.Sa isang kondisyon"

"Ano po?"

"Patunayan mo sakin na sa loob ng isang buwan.Kaya mo yan.Walang arte"

"Papatunayan ko po yan.Salamat po"

"You may now go"

"Thank you po" Yumuko ako bago nagsimulang maglakad patungong pinto.

"Btw,Next week is the anniversary of this Restaurant.We will make the theme to party theme.Like Bars,Club.So,I expect you to clean the mess properly."

Tumango ako at umalis.Uuwi na ko at nang makapagluto na ko .Gutom na siguro ang mga kapatid ko.

*********************
Vote.Comment.Follow me

churvaRose

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MistakenWhere stories live. Discover now