Besh-Zoned

18 4 0
                                    


"Besh, libre mo ako mamaya ah?", sabi niya saakin at kinalabit ako.

"Oo nga", sabi ko. Kanina pa to eh. Akala siguro nakalimutan ko na birthday nya ngayon.

"Yey!", sabi niya at kinuha yung diary niya.

Actually, nag-handa ako ng surprise dinner for the two of us. And also, para narin magtapat ako sakanya.

"Besh", kaso, besh zoned ako.

"Bakit Besh?", tanong niya.

"Sabay tayo umuwi mamaya ah? May dadaanan lang tayo.", sabi ko.

"Ok. Pero hindi mo talaga naalala kung anong occasion ngayon?", tanong niya. I pretended to be thinking. 

"Hindi talaga Besh eh. Ano ba ang meron sa November 23?", I acted na parang wala akong alam. Well, alam ko naman talaga.

"Wala.", sabi niya at umayos na ng upo.

***

Lunch na, ako at si Patricia, nandito ngayon sa rooftop, kumakain.

"Besh may tanong ako.", sabi ko.

"Ano yun?", sagot niya.

"Kung may aamin sayo ng feelings niya, magagalit ka ba? Or lalayuan mo tung tao?", tanong ko, trying to cover my nervousness. 

"Hm.. Hindi naman. Actually, I'd be happy kasi he's honest with his feelings.", sagot niya kaya napa ngiti nalang ako.

"Weh? Kahit na ka-close mo siya?", dagdag ko.

"Bakit? Ikaw ba?", tanong niya pabalik.

"Huy ako lang ba kaa-close mo na lalake? Ako, Besh mo ako. Sila, ka-close lang. Ganon.", sagot ko at sumubo.

"Well, kahit na ka-close ko siya, hindi magbabago ang trato ko sakanya coz I'm glad to have a friend who is honest.", sagot niya.

"Wag ka ngang mag-english diyan. Dumudugo na utak ko.", sabi ko kaya tumawa nalang kaming dalawa.

Hay. Her laughs are like music to my ears. Ang sarap lang pakinggan. Sana nga hindi kami magbabago.


***

"Class dismissed"

"Tara na Besh", sabi ko sakanya.

"Teka lang.", sabi niya at nilagay ang libro sa bag niya.

"Geh tara.", sabi niya at tumayo na.

Lumabas na kami ng room at naglakad sa hallway.

"Uhm Besh, change of plan. Ihahatid nalang kita sa bahay niyo para makapag bihis ka tapos susunduin kita. May pupuntahan lang tayo.", sabi ko.

"Huh? Bakit? Saan ba tayo pupunta?", tanong niya.

"Basta.", sabi ko at ngumiti.

"Osige. Sabi mo eh", sabi niya at naglakad na kami papuntang parking lot.

Binuksan ko ang pintuan ng kotse at pinapasok siya sa loob tapos sumakay na din ako.


During the whole ride, kwentuhan lang kami. Nakinig ng radyo, kantahan.

"Andito na tayo Besh", sabi ko.

"Salamat Besh. Geh, ingat ka ah? Labyu Besh"

"Sige. Bye. Labyu too Besh"

Sakit nun ah. Okay na sana pero may Besh pa.

"Wag masyadong mabilis ang andar. Susunduin mo pa ako"

Besh-zoned ONE SHOTSWhere stories live. Discover now