4

9 2 0
                                    

Malapit ng matapos ang performance ng Prime ng may biglang pumasok na customer na hindi inaasahan ni Kim. Agad niya itong nilapitan.

"JP" tawag niya. Nang makalapit siya ay awtomatiko silang nagyakap pagkatapos ay nakangiti itong humarap sa kanya. "buti nakapunta ka!"

"Alam mo namang hindi kita kayang tiisin ganon yata kita kamahal kahit sobrang sakit mo sa ulo."

"Aray, tagos yon ha." tapos na ang oras ko dahil dumating na ang aking karelyebo na absent nung nakaraan kaya naman pwede na akong magrelax.

Kahit na maingay ay masaya parin kaming nakapag kwentuhan ni JP. Sa totoo lang kahit lagi kaming nagkikita sa school ay namiss ko pa rin ang bonding namin.

Ikinukwento niya ang progress ng panliligaw sa isa nitong co-teacher habang ako naman ay nakayakap sa braso niya ng matigil kami dahil sa isang malakas na ingay mula sa stage. Biglang tumahimik ang paligid. Napatingin ako kung saan nagmula ang ingay at nakita ko si Roden na matalim ang tingin kay JP at sa akin. Lumapit ito samin at hinaklit ako sa braso kaya napabitaw ako kay JP.

Madilim pa rin ang mukha nito at halatang tinitimpi ang pagsabog ng galit. "Di ba binawalan na kitang lumapit sa kanya pero hindi ka parin nakinig. Akin ka lang kim akin lang!." At bigla ay namalayan ko na lang na nakalapat na ang mga labi namin.

~ARIA💖

MISTAKEN 1-Roden's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon