Kanlungan
(A Short Story)
Written by: ellesanity / Elle Walker of Wattpad, 2014.
DO NOT COPY MY STORY. PLAGIARISM IS A CRIME. THANK YOU.
Elle’s Note: Project ko ‘to sa Filipino na pinasa ko nung isang araw lang. Bunga lang ‘to ng imahinasyon (lels) ko kaya ‘wag niyong ser’yosohin. Na-tripan ko lang ‘tong i-post dito. Sana magustuhan niyo! :>>
- - -
“Sa’n ka na naman nanggaling? Gabi na ah!”
Hindi sumagot ang kinakausap bagkus tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad na para bang walang naririnig.
“Nanggaling ka na naman sa lalaki mo ano?”
“Pwede ba Eduardo…wala akong lalaki!”
“Sinungaling!”
“Tama na, lasing ka na! Kung makapang-akusa ka d’yan a… Buti sana kung naghahanap ka ng trabaho! Andami-daming gastusin dito sa bahay, tapos panay lang ang hilata mo d’yan?! Mababaon na tayo sa utang tapos wala ka manlang ginagawa d’yan? Ikaw pa ‘tong may ganang magalit sa ‘kin? Aba! Aba! Sumosobra ka na! ‘Pag ako napuno, lalayas na ‘ko rito!”
“E ‘di lumayas ka! Wala namang pumipigil sa ‘yo!”
Ayan. Ayan na naman. Nag-aaway na naman sila. Nag-aaway na naman ang nanay at tatay niya. Lagi na lang. Paulit-ulit nalang. Nakakasawa na.
Nakakapagod na.
Sawang-sawa na siya sa ganitong eksena. Sawang-sawa na siya sa buhay niya. Pero wala naman siyang ibang magagawa kundi makisabay nalang sa agos ng buhay. Tiis-tiis nalang hangga’t kaya pa.
Ang tanong, hanggang kailan siya magtitiis? Hanggang kailan niya kakayanin?
Ewan, hindi niya rin alam.
Hindi na niya nagawang ubusin pa ang kinakain. Uminom na siya ng tubig, tumayo at naglakad paakyat ng hagdanan.
“Hoy Lara! Iyong pinagkainan mo, ligpitin mo!” Pahabol pa ng kaniyang ina.
Hindi niya nalang ‘yon pinansin. Nagpatuloy siya sa paglalakad at nang makarating sa taas ay nagtungo na sa kaniyang silid. Nang makapasok sa k’warto’y kaagad siyang sumalampak sa kaniyang kama.
Naramdaman niyang nag-vibrate ang kaniyang cellphone. Inilabas niya ang isang lumang Nokia 1200 na may tali pa ng goma. Nag-text pala ang kaniyang nobyo! Binasa niya ang natanggap na mensahe.
From: Mahal ko <3
Gud evenin’ babe!
Napangiti siya nang mabasa ‘yon. Buti nalang at nand’yan ang kaniyang nobyo! Kahit papaano’y nababawasan ang stress sa buhay niya.
Kaagad niyang ni-reply-an ang kasintahan.
To: Mahal ko <3
Gud eve din! Ok naman ako. Ikw?
Nakilala niya ang kasintahan nitong nakaraang buwan sa isang bar no’ng gumimmick ang barkada nila. Dalawang linggo silang naglandian at nagligawan kuno sa text bago niya ito sinagot. Mabait naman daw kasi si Cedric. Saka g’wapo rin ito, maginoo at mayaman pa! Wala ka nang hahanapin pang iba!
Mula nang maging sila, lagi siya nitong hinahatid-sundo sa kanilang university kahit na magkaiba sila ng pinapasukan. Alam ng mga magulang niya ang tungkol dito pero parang wala namang pakialam ang mga ito. Hinahayaan lang sila. Bukod pa ro’n, lagi pa siya nitong nililibre. Sagot nito lagi ang kaniyang pamasahe, meryenda, pati load! Alagang-alaga siya. Ramdam niyang mahal siya nito kahit na ilang linggo pa lang silang magkakilala.
BINABASA MO ANG
Kanlungan (Short Story)
Short Story[Short Story] Hanggang kailan siya magtitiis? Hanggang kailan niya kakayanin ang lahat?