Kabanata 1: Hiling

2.3K 55 7
                                    

"Every night in my dreams, I see you, I feel you."

Sa isang lugar sa Devas ay nakaupo si Amihan, pinapanood ang kanyang mag-ama na nagluluksa. Habang tinititigan niya ang mga matang nagluluha ng kanyang mag-ama ay namumugto rin ang kanyang mga mata. Mahirap tanggapin sa kanyang loob na siya ang dahilan ng pagluluksa ng kanyang mag-ama, hindi man lang siya makahanap ng paraan upang malunasan ang mga sugatang puso. Wala siyang magawa kung hindi umiyak sa isang sulok sa Devas.

Dumating si Emre at inalay ang kanyang kamay kay Amihan. Itinayo niya ito at kinausap. "Amihan, alam kong masakit, ngunit kailangan rin nating tanggapin ang mga nangyayari." sinabi ni Emre sa kanya.

Mas lumuha pa si Amihan habang isinasambit kay Emre na "Tanggap ko Emre, tanggap ko na wala na talaga ako, ngunit ang aking mag-ama, hindi ko kayang makitang naghihirap at nagdurusa sila dahil sa akin.". Ang puso ni Amihan ay durog na durog habang sinasabi ito kay Emre at habang pinagmamasdan ang kanyang mag-ama.

Upang palakasin ang loob ni Amihan, sinabi ng Bathala rito na "Amihan, huwag kang mag-alala, nangako ka sa iyong mag-ama, at nangako rin ako sa'yo na muli kang makakabalik. Malapit na, kaunting tiis na lamang". Nagkaroon ng pag-asa sa puso ni Amihan at muli siyang ngumiti, ang kalungkutan sa kanyang mga mata at biglang napalitan ng kasiyahan.

"Mahabaging Emre, salamat. Maraming-maraming salamat. Ngunit kailan? Hindi na ako makapaghintay." tanong ni Amihan sa Bathala. "Malapit na, kaunting tiis na lamang, pangako, hindi ito ganoong katagal." idinagdag pa ni Emre. Muling nakita ang mga saya sa mata ni Amihan. Sa buong pamamalagi niya sa Devas ay ngayon lang siya nakitang masaya.

.
.
.

Sa Sapiro naman ay nakaupo ang Rama sa kanyang trono. Pinagmasdan niya ang lugar kung saan niya nakitang walang buhay ang kanyang mahal na Reyna. Habang pinagmamasdan niya ito ay unti-unting umagos ang mga luha mula sa kanyang mata. Hindi na siya nakapagpigil at inilabas niya na lahat ng kalungkutan. Habang tinitignan niya ang lugar na iyon sa punong bulwagan ay bumabalik ang mga alaala ni Amihan.

"Mahal kong Reyna, bakit ka pa nawala? Bakit kailangan mong lumisan sa buhay ko?" sinabi ni Ybrahim sa hangin. Kahit ang hangin ay walang magawa upang mapawi ang mga luha niya. Tanging si Amihan lamang ang makakagawa nito.

Pumunta siya sa balkonahe ng Sapiro at doon isinigaw at ipinagtanto ang kanyang mga nais na sabihin, "Mahal kong Reyna! Nasaan ka! Babalik ka, hindi ba? Nangako ka." pasigaw na sinabi ni Ybrahim. Umagos nang umagos ang kanyang mga luha. Napaupo na lamang siya bigla at hinayaan niyang lumabas ang kanyang mga luha.

.
.

.
Makalipas ang ilang panahon, sa Devas ay muling nilapitan ni Emre si Amihan upang sabihin sa kanya ang magandang balita.

"Amihan, ito na ang takdang oras." Sinambit ni Emre sa dating Reyna. Napuno ng kaligayahan ang mata at mukha ni Amihan.

"Avisala Eshma, Mahabaging Emre. Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya ngayon." Masiglang sinabi ni Amihan.

Binalaan ng Bathala si Amihan "Amihan, ikaw ang isa sa pinakamahahalagang Encantado na magwawakas sa kaguluhang ito. Kaya't maghanda ka sapagkat maaari ito maging balakid".

"Mahal na Emre, utang na loob ko sa inyo ang pagbabalik sa Encantadia, kaya't kahit ano mang mangyari ay nagpapasalamat ako." Nakangiting sinabi ni Amihan.

"Amihan, ito na ang oras. Pumunta ka sa mga retre upang ihatid ka sa Encantadia. Ngunit may sinabi ako, nawa'y ito'y iyong alalahanin. Wala na sa mga kamay ko ang mga mangyayari, na sa'yo na." sinabi ng Bathala kay Amihan.

"Emre, mag-iingat ako. Muli, Avisala Eshma." masiglang sinabi ni Amihan. Lumapit siya sa mga retre at lumisan na ng Devas.

.
.
.

Sa Etheria ay may naramdam si Ether na hindi kanais-nais.

"May mga pangitain akong nararamdaman, Amihan? Tannakreshna! Hindi ito maaari! May kailangan akong gawin. Ena-i!" nag-aalangang sinabi ni Ether. Pumunta siya sa lugar kung saan ihahatid ng mga retre si Amihan.

"Avisala Eshma, mga retre." pamamaalam na sinabi ni Amihan sa mga retre. Sa likod niya ay naroon si Ether, naghihintay ng tamang pagkakataon upang sagupain si Amihan. Ang dating reyna ay nagtungo sa Lireo upang makaharap na ang kanyang anak.

.
.
.

"Ybrahim, mahal ko."

"Amihan, sana'y hindi ako nananaginip."

"Ako ito, Ybrahim."

"Mahal kong Reyna, hindi mo batid ngunit napakasaya ko."

"Ganoon rin ako, mahal kong, Rama."

"Amihan, maaari ba kitang yakapi-"

"Ybrahim, Ybrahim tulungan mo ako! Ybrahim!"

Nagising si Ybrahim mula sa panaginip na iyon. Nagulat siya at nagbuntong-hininga. Inisip niya ang mga nakita niya sa panaginip na iyon.

"Mahal kong Reyna. Amihan!" nagmamadaling sinabi ni Ybrahim. Agad siyang dumungaw sa balkonahe ng Sapiro ngunit wala siyang nakita. Nagbuntong-hininga muli siya. Insip niya ang kanyang mga napanaginipan. Kung wala siyang nakita sa labas ng Sapiro kung saan kita mo ang mga tanawin ay bakit nagkaroon siya ng pangitain?

"Amihan, ano ang ibig sabihin nito?" tinanong ni Ybrahim sa hangin. Sinagot ng hangin si Ybrahim at hindi naging maganda ang pakiramdam niya.

My Heart Will Go OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon