Kabanata 4: Kapahamakan

1.6K 52 21
                                    

"You have come to show you go on."

Nakarating ang mga diwata sa Lireo.

"Tay, magpahinga ka muna."

Kinausap ni Lira at Mira si Danaya.

"Aking mga Hadia, bakit kayo luhaan kanina?"

"Nakita po namin si, si Inay."

"Lira, huwag mo akong niloloko, pumanaw na ang iyong ina!"

"Ashti, totoo ang sinasabi ni Lira. Hindi namin batid ngunit hindi niya kami kilala at sinaktan niya pa ang Rama."

"Pashnea. Kailangan kong makaharap si Amihan."

.
.
.

"Ano ang maari kong gawin sa'yo? Sino ulit iyon? Si Ybrahim? Hmm. Makisig siya."

Nagsanay siya sa pagpapana. Nakuha niya agad ito sapagkat ginagawa na niya ito dati.

"Para sa Etheria."

.
.
.

"Ybrahim"

"Amihan? Amihan! Diba't-"

"Huwag kang mag-alala, Ybrahim. Nandito na ako."

"Mahal ko."

May pumana sa aking likod at nawala ang katawan ni Amihan.

Bigla na lamang akong nagising sa isang napakasamang panaginip. Hindi ko mawari ngunit tila isa itong pagbabadya.

"Tay! Buti at gising na po kayo."

"Nasaan ang iyong Ashti Danaya at Ashti Pirena?"

"Bumalik sila ng Etheria."

"Amihan! Baka mapahamak ang iyong mga ashti. Kailangan kong pumunta roon. Kailangan ko silang pigilang makaharap si Amihan. Lira, tara, gamitin mo ang iyong kapangyarihan na makapaglaho."

"Ngunit Itay!"

"Sundin mo na lamang ako, Lira! Kung gusto mo pang muling masilayan ang iyong Ina at mga ashti!"

Nag-evictus ang mag-ama papuntang Etheria. May mga nakasalubong silang nagbabantay roon at agad silang napaligiran.

"Lira, tumakas ka na! Bumalik ka na sa Lireo!"

Naglaho si Lira at kinalaban ni Ybrahim ang mga Etherian. Sinugatan niya ang mga ito at agad na dumeretso sa punong bulwagan ng Etheria. Doon ay nakita niya sina Pirena at Danaya.

"Mga mahal na Hara."

"Ybrahim, hindi ba't nagpapahinga ka?" wika ni Danaya.

"Mamaya na ako magpapaliwanag, ngunit-"

"Avisala, mga Diwata." sambit ni Ether na bigla nalang nagpakita.

"Ether. Ang bathaluman ng aking ama."

"Wala ka pa ring pinagbago, Pirena. Ngunit kung gusto niyo pang mabuhay ay lumisan kayo sa kaharian na ito ngayon din!"

"Pirena, Danaya, pakiusap, bumalik na tayo sa Lireo!"

"Ybrahim, sasagipin natin si Amihan!" pabulong na sinabi ni Danaya sa kina Pirena at Ybrahim.

"Wala siya sa kanyang pag-iisip, maaari niya kayong saktan!"

"Nanaisin mo bang hindi makasama ang iyong mahal?" wika ni Pirena sa Rama.

"Pirena, walang oras para sa ganitong mga usapan. Tara na't bumalik sa Lireo!"

"Mukhang batid niyo na nga na narito si Amihan. Ngunit nagkakamali kayo, wala siya rito!" sabi ni Ether sa mga diwata.

"Tannakreshna, napalibutan na nila tayo. Esta Sectu, Danaya, ihanda mo ang iyong brilyante."

"Agtu!" sigaw ni Danaya.

Kinalaban nila ang hukbo ng Etheria. Dumami na rin ang kanilang bilang kaya't nahirapan ang mga diwata. Umabot sila sa puntong hindi na nila kinaya ang rami ng mga Etherian.

"Danaya, Ybrahim, mukhang kailangan na nating umalis."

Kumapit si Ybrahim sa mga Sang'gre ngunit pagkalaho ng mga ito ay pinana siya ni Odessa kaya't hindi siya nakasama sa paglaho.

"Avisala, hindi alam ng reyna na sumugod muli ang mga diwata. Ngunit bakit wala ang mga Sang'gre dito? Bakit ang Rama ng Sapiro ang tanging naririto?"

"Sapagkat pinana ko siya. Pagmulat niya'y siguradong iba na ang kanyang nararamdaman sa akin at sa atin."

.
.
.
Nang lumitaw ang dalawang Sang'gre ay napansin nilang wala si Ybrahim. Nagtaka sila.

"Nasaan ang Rama ng Sapiro, hindi ba't kumapit siya sa atin?"

"Ashti Danaya, si Inay? Si Itay? Nasan silang dalawa?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Heart Will Go OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon