Ayoko magsimba...bakit pa?
Meron naman akong altar na basurahan sa garage.Madalas mong katabi ang altar na yun, lagi mong kausap.
Brod, sensya na pag nasuka ako ha. Dito muna ako habang maingay pa.Gusto mong umiyak pero wala namang luhang papatak.
Patawa tawa ka pa minsan dahil nakakatawang tumatakbo ka lagi pag may magulo sa loob ng bahay.Duon ka na din nagdadasal sa harap ng basurahan.
Hindi ka humihingi ng tulong kundi nakikipagusap ka lang kung sino man yung nasa itaas.
Mabuti pa bumalik ka na at walisin mo yung mga nabasag sa floor at mas masakit yun pag natibo ka.