A Thousand Memories With You

14 0 0
                                    

Author's Note
I suggest na pakinggan niyo po yung instrumental music na Kiss the Rain para mas dama niyo yung pag babasa hihi.. yun lang po I hope magustuhan niyo to.Nagsisimula pa lamang po ako sa pag susulat eh kaya po don't expect too much ah.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Isang taon na ang nakalipas... Pero hindi ko pa rin matanggap na wala ka na kung pwede ko lang ibalik ang kahapon sana nailigtas pa kita pero malabo na eh... Malabo na ...

Ako nga pala si Mark Kevin Evans. Sabi ng iba swerte ako dahil nasa akin na ang lahat pero hindi nila alam yung totoo.Tingin nila perpekto ako pero hindi eh kasi nawala sa akin yung taong mahal ko. Dahil sa akin nawala yung mahal ko...

Five years ago ...
Naglalakad ako sa park para mag relax. Sa paglalakad ko nakakita ako ng isang babae na malungkot at lumuluha sa isang bench. Lumapit ako sa kaniya kasi ewan ko di ko alam basta parang gusto ko siya makilala ...

"Miss okay ka lang ?"

Tumingin siya sa akin at umiling. Umupo ako sa tabi niya at hinagod yung likod niya paeang ang gibat ng problema niya eh .

"Ako nga pala si Mark Kevin Evans. Ikaw ano name mo ?"

Inabot ko yung kamay ko para makipag shake hands and ganun din naman ginawa niya.

"Michelle Alcantara"

Michelle pala pangalan niya ang ganda naman kasing ganda niya.. Ay ano ba yan tinamaan na ata ako .

"Michelle hmm pwede ko bang malaman kung bakit ka umiiyak? Anong problema? Pwede mo akong sabihan handa akong makinig"

Tiningnan niya ako sandali tapos bigla siyang yumuko.

"Pinalayas kasi ako samin... May nagawa akong hindi maganda itinakwil nila ako... Aaminin ko kasalanan ko naman kasi tumakas ako para makasama sa party pero hindi ko naan alam na mapapahamak ng dahil sa akin yung kuya ko...Hindi ko naman alam na hahanapin niya ako..."

Umiyak nanaman siya kaya niyakap ko na lang siya para naman gumaan yung pakiramdam niya.

"Shh..tahan na huwag mo muna isipin yun okay ? Huwag mo muna ikwento kung masakit pa halika dun ka na muna sa amin."

"Sigurado ka ba?"

"Oo naman. Tara mabait naman ang mga magulang ko eh"

Sinama ko siya samin at tinanggap naman siya nila mama. Isang taon din ang dumaan naging mas close na kami sa isa't isa. Ang dami na namin pinagsamahan eh. Bestfriends nga kaming dalawa eh.Kami nga lang pala ang magkasama ngayon sa bahay dahil nasa Canada ang mga magulang ko may inaasikaso sa business ng family namin. Hindi ko alam kung kelan sila babalik pero kaya naman namin mabuhay ng kami lang ni Michelle sanay na kami eh.

"Huy Kevs may sasabihin ako...Kilala mo si Jarold diba?"

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa classroom namin. Third year highschool na kami at magkaklase kaming dalawa.

"Oh ano meron sa kaniya?" tanong ko

"Boyfriend ko na siya Kevs sinagot ko na siya kahapon grabe ang effort niya"

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig yun.Kumirot ang puso ko bakit parang nasaktan ako ?

"Hindi ka ba masaya para sa akin ? Mukhang malungkot ka oh " sabi niya sa akin

A Thousand Memories With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon