11.

378 37 18
                                    

Kinakabahang nakatayo ngayon si Xenon sa gitna ng quadrangle. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya.

Ready na ang kantang sasayawin niya which is "Whistle" by blackpink na kanyang paboritong grupo, ang mga speaker; nakasuot na rin siya ng simpleng leggings lang, itim na loose na shirt, at roshe. Ito lang kasi ang nasa locker niya na pampalit.

In short, all set na at mga audience nalang ang hinihintay. Tumakas lang siya sa last subject niya para paghandaan ito, for the sake of her pins. Ganon kahalaga ang mga 'yon sakanya.

Inhale. Exhale. Kaya ko 'to.

Pagkakalma niya sa sarili. Napatingin siya sa kanyang wrist watch at nakitang 1 minute nalang ay tutunog na ang bell hudyat na uwian na.

Okay... 3... 2... 1...

"Umm, h-hi guys! Can you please spare me a little moment and... Ah, you know. I-m going to perform... Basta, a-ayon, kailangan lang. Thanks," Nahihiyang sambit ni Xenon habang nililibot ang tingin sa lahat ng studyante. And there, nakita niya yong taong dahilan kung bakit sasayaw siya ngayon.

Nakasandal ito sa puno habang nakatingin sakanya, nakangisi na para bang nanunutya. Huminga siya ng malalim, at sinenyasan ang bestfriend niya na i-play na ang music.

Sa totoo lang, ayaw niya ipalam sa iba na marunong siyang sumayaw. Bata palang siya gustong-gusto na niya ang pagsasayaw. Pero ngayon nandito siya sa gitna ng quadrangle ng school at sumasayaw ng Whistle sa harap ng maraming estudyante. Ang galing 'di ba? Salamat talaga kay Krypton Lee.

Nang matapos ang kanta, hinahabol ang hininga siyang nagbow. Nagtagal pa siyang nakabow lang dahil natatakot siyang makita ang reaction ng mga schoolmates niya.

Pero nang tinaas ang ulo, gulat ang gumuhit sa kanyang mukha dahil sa mga sigaw at palakpak galing sa mga schoolmates niya. Halatang nagustuhan nila ang sinayaw niya. Napangiti siya, "Thank you po."

Sinenyasan niya ang bestfriend niya na ikaw-na-ang-bahala-dyan look dahil may gagawin pa siya. Yes, kukuhanin na niya ang pins niya kay Krypton.

Tinignan niya puno na kaninang pinagsasandalan nito at nakitang naglalakad ito palayo. Hindi naman ito kalayuan sa kinatatayuan niya.

"Krypton!" tawag niya dito pero nagtaka siya dahil hindi siya nilingin nito.

"Hoy Krypton!" Tawag niya ulit pero hindi siya ulit pinansin kaya no choice siya kundi tumakbo nalang papalapit dito.

"Hoy! Bakit ka ba di namamansin–" hindi niya natuloy ang sasabihin dahil bigla itong humarap at tumingin ng malamig sakanya, napunta sa kamay niyang nakapatong sa balikat nito.

Nagulat siya sa inasal ni Krypton. "Ba-bakit ka ba hindi namamansin? Yong pins ko?" Hindi ulit siya nito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ang pangit ng sayaw mo kanina." Sabi nito bago tuluyang nakalayo.

———

omg sana di corny kinalabasan 😂

hiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon