Day after

679 1 0
                                    

Nang makauwi ay agad akong nagtungo saking kwarto para makapagshower. I badly need a cold shower. Bukas na lang ako magpapaliwanag kay Lola Riz, at FYI hindi ko siya lola. Personal maid ko siya, ang awkward naman kasi kung tatawagin ko siyang Aling Riz eh pang modern yung pangalan niya at tsaka malapit kami sa isa't isa kaya lola na lang. Baka tulog na din yun.

Kinabukasan ay nagising ako ng marinig ang katok sa aking pinto.

Binuksan ko ang pinto at nakita si Lola Riz, well, sino pa nga ba? Si Gio? Hay, ang aga aga Gio agad? Hahahah. Aba, anong malay niyo at tumalab ang pangseseduce ko sa kanya.

"Hija, magandang umaga. Mag-ayos ka na at may bisita ka." Sabi niya sakin.

"Good morning din, La. Sino ho? Ang aga naman ata." Tanong ko.

"Gino ba yun? Giu? Teka babalikan ko at itatanong." Sagot niya. Hindi kaya...

"Wag na ho, La. Si Gio ba iyon?" Tanong ko ulit. Napatango naman si Lola. Sabi na nga ba. Hala, naakit ata ang loko.

"Ganun ba, La? Pakisabi naman na masama ang pakiramdam ko kaya dumiretso na siya dito." Sabi ko na lang.

"Ano bang ginagawa noon dito? Manliligaw sayo?" Takang tanong niya sakin. Sana nga La.

"Naku, hindi po. May project lang po kami." pagsisinungaling ko tsaka ngumiti ng topic at pumasok muli sa kwarto.

Agad akong humarap sa salamin, maganda naman, naka v-neck shirt lang ako, walang bra at naka panty lang. Ganto ko matulog paki niyo? Nagmamadali akong humiga sa kama at nagtulug-tulugan. I'm good at acting, you know?

WILDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon