Uhaw! (one-shot)

1.2K 33 9
                                    

Ang Init!

Bakit ba ang init ngayon?

Hay makalakad na nga..

Naglalakad ako ngayon papuntang school. Tanghaling tapat kasi at wala pa akong payong pero may cap naman ako. Baseball cap. Wala naman kasing sabi sa school na bawal mag cap eh.

" Jade!" hmm.. may tumatawag. Ang dakilang bakla slash besty slash shunga kong kaibigang kahit kailan pati sa gantong oras kumakarengkeng sa daan.

" Hmm.. ano naman ngayon.. ba't ka nandito?" sabi ko sabay paypay sa blusa kong halos mapuno na ng pawis...

" Dalian mo , may laro si Papa Mim ngayon ng soccer. Andami na ngang tao doon sa field eh." waaahhh si Honey Mim ko, may laro daw.. matingnan nga...

" Ba't ngayon mo lang sinabi.. lika na.." At binitbit ko na si Ed . Ed kasi name nito eh, short for Eduardo hahah. Nagtataka nga ako, ba't naging bakla eto eh pero so much for that, nagmamadali na ako. Masulyapan ko man lang ang itsura ng honey Mim ko. Waaaahhhh Wag kayong ano dyan, pwede namang mangarap diba. Pero bakit ba ang init! Aba malamang Jade, nakasikat kaya ang araw, baka di mo kilala si haring araw? 

Soccer Field

" Waaaahhhh! Ma MI MI MiMim.. waahh papa Mim! Ang galing mo!"

" Ang hot mo talaga Super Mim!"

" Akin ka na lang Mim my loves"

" Wiiiiitt weeeww."

Sigawan ng mga tao sa field lalo na ng mga girls pagkarating ko doon. At ako naman heto. Pasimpleng tumatawa sa tuwing nakakagoal si Honey Mim ko.. waaaaahh

Ng Makagoal siya.. tumingin siya... sa.. sa akin?

at nakasmile pa with matching winks!

Dyusmeyo! .. Pero dahil sa sigawan at sa dami ng taong katabi ko, biglang nagbago ang ayos ng mukha ko.

Siguro di para sa akin ang smile na yun.

Nang tingnan ko siya again, wala na.. bumalik na siya sa paglalaro.

Ang assuming ko. pero ....

NAG SMILE SIYA! waaahhh! Di talaga maalis sa isip ko ang smile niya.. hang cuuuuuuttteee!

May napansin lang ako, nang tiningnan ko ang bench kung saan sila, wala man lang drinks. Sa tingin ko mauuhaw si Honey ko nito pag nagkataon kaya isang masiglang plano ang naiisip ko ngayon.

*ting*

Sabay takbo....

" hoy saan ka pupunta, " sigaw ni Ed the Besty of mine..

" Babalik ako kaagad, this is between life and death kaya baboosh!" hahahha andwae? Between life and death talaga? hahah ang sabihin mo.. Life kasi ayaw mo pang mamatay sa dehydration ang Honey Mim mo... hahahha ano ba yan.. wag na kayong umepal. Kahit Di ko Boyfie yun... mahal ko yun kahit di naman niya ako kilala. hahaha

Oo di niya ako kilala. First year ako noon at as always I have my baseball cap on my head pero di ako tomboy huh! Nakita ko lang naman siya for the first time na tumatawa with his friends. Grabeh.. natulala talaga ako that time. Kung Di lang talaga ako nabunggo ng mga fans daw kuno niya.. ay di ako magigising from a very great dream hahaha . Dream talaga.

Naging Stalker na nga niya ako halos eh.. Silip dito. Pakunwaring daan sa classroom o di kaya.. pasimpleng tinitingnan siyang kumakain sa kantin. ewan ko ba.. Ang cute niya kasi. As in. Feeling ko makalaglag panty eh ngayong fourth year na siya at ako ay third year, di pa rin niya ako kilala. Nalaman ko ang totong name niya. Mim Ki Naoki. Ewan Japanese ata yan eh. Pero magandang ipares siya sa Jade Hava King tapos magiging Jade Hava Naoki.. waaahhh! ang ganda pakinggan.. heheheh

Kaya kayo wag niyo akong agawan huh.. heheh sa akin na alng ang honey ko

bleeeeehh!

Canteen....

" Maam, Gatorade po, yung blue." medyo hingal kong sabi.. kaw pa naman tumakbo from field to canteen.

Inabot na sa akin ng cashier ang Gatorade. Ayos .. Yung malaking gatorade and binibili ko lage. bakit lage, kasi. everytime may game si Mim, ako ang nagbibigay ng Gatorade sa kanya pero hindi direct huh.. Minsan, Pinabibigay ko, o di kaya, nilalagay ko sa upuan niya o di kaya tabi ng towel niya. heheh

Pero may kasama kasi yung .. heheh nahihiya ako.. NOTE. oo saying ...

' Don't thirst yourself' hahah tapos may letter J.

..... balik sa Field....

Nang Tumingin ako sa field ay wala na siya pero ng tiningnan ko naman ang Bleachers kung saan ang area nila... wala naman siya. Saan kaya yun. Kaya heto ako ulit nilagay ko na lang ang gatorade with matching Post-it note na

' Dont thirst yourself'- J

hahah oh di ba.. ang galing ko...

.....

Kinabukasan.

Naglalakad na naman ako papuntang school galing bahay. Umuuwi kasi ako lage for lunch sa bahay eh. kahit na may driver kami. ayoko magpahatid. bet ko kasi ang maglakad at magbilad.. hooh..

Mabuti na lang at may nakita akong isang waiting shed. Pero may lalaking nakaupo kaya lang sa sobrang init ng araw ay medyo nakakasilaw kaya di ko na kilala kung sino yun kaya tumakbo ako pa puntang shed.

pagkarating ko, tinanggal ko kaaga ang cap ko.

" Ang init!" sabay paypay ko sa sarili ko gamit ang cap.

mayamaya lang ay nagsalita ang lalaki.

" Eto oh, Gatorade, wag kang mag-alala, di ko pa yan nainuman." sabay bigay niya at nag smirk o ngiti ba yun at lumakad na.

Familiar ang Built ng katawan niya pero dahil sa uhaw na talaga ako ay kinuha ko ang gatorade at nilagok.

" Ahh...." ang lamig ... nanggigigil ako. grabe... pero may biglang nahulog na papel.

hmm na curious ako kaya kinuha ko na lang.

at ang nakasulat

' DON'T THIRST YOURSELF' tapos may dagdag pa. ' AYOKONG DEHYDRATED ANG LILIGAWAN KO, PS. -M'

one ...

two......

three....

" kyaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!"

" waaaahhhh"

Totoo ba 'to?

pano niya nalaman?

Waaahh kinikilig ako..

Ang saya ko..

Thank you, gatorade ...

~~ FIN~~~

************************

kinilig ako kakatype.. waahhh

Please read my new one-shot SECRET LETTER. Just visit my profile :)

kayo na ang bahalang humusga.

PROPERTY OF © nashimeisai

vote and comment

thanks

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Uhaw! (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon