Unang kabanata.
1990-2000
Excited si Soraya habang hinihintay ang pagdating ang donor ng lupa para sa shelter. Ang shelter ay matagal ng project ng "SinagPagasa, ang NGO na kanyang pinamumunuan. Para ito sa mga mahihirap na kababaihang biktima ng pangaabuso at kaharasan.
Marami ng pakakataon na parang nawawalan na si Soraya ng pag-asang maitatayo pa ang shelter, pero hindi niya magawang sumuko tuwing maiisip ang mga kawawang kababaihan.
Hanggang himalang may nag donate ng isang hektaryang lupa dito sa isang bayan sa Laguna. Maganda ang lugar, marami ng subdivision ang sinisumulan na sa paligid. Kaya naman, hindi makapaniwala si Soraya sa kanyang suwerte.
Ngayon ang groundbreaking ng project. Masaya si Soraya dahil tinanggap ng donor ang imbitasyon niya upang ito na mismo ang maghatag ng "corner stone". Ngayon lang din makikila ni Soraya ang espesyal na panauhin dahil foundation to foundation lang ang naging transaction. Pagkakataon niya rin upang personal na makapagpasalamat.
Hindi naman nagtagal, dumating na ang hinihintay ni Soraya, sakay ito ng isang luxury vehicle na angkop lamang sa multi-millionaire nitong pasahero.
Kumilos si Soraya upang salubungin ang bagong dating na nuon naman ay palapit na rin sa kanyang kinaroronan. Biglang natigilan si Soraya, lumakas ang kaba ng dibdib ng makilala ang panauhin. Iisang tao lamang ang nagpapatibok ng ganito sa kanyang puso.
"Mam Soraya Garcia, this is Sir Gerard Montesser." Pakilala ng kasamang assistant ni Gerard.
Matipid ang ngiti ni Soraya, makahulugan naman ang kay Gerard.
"Raya" Anang tinig na kay tagal ng inaasam na marinig ni Soraya.
"Gerard"
Nagkamayan. Mahigpit na nagdaop ang mga palad.
Dama pa rin ang hiwaga, ang haplos ng nakaraan sa init ng kanilang mga palad. Sa kanilang mga mata ay ang pagtanggap sa katotohanang habang buhay silang bilanggo ng takda nilang kapalaran
Tulad ng kanilang naramdaman nuong una silang nagka-daupang palad, tatlong dekada na ang nakaraan.
---------------------------
Dekada 1970-1980
1970
Kasing init ng tag-araw ang alab ng damdamin ng mga militanteng grupo laban sa pamahalaan ni Pangulong Marcos. Bunga ito ng madugo at marahas na pagbuwag ng militar sa mga kilos protesta laban sa gobyerno nuong unang tatlong buwan ng taon. Ang kaganapang yun ay tinaguriang ng mga anti-Marcos militants na "Unang Sigwa ng Kuwarto" (The First Quarter Storm).
Sa panahong yun, may mga namatay, nalumpo, at nabugbog ng todo sa hanay ng mga demonstrador . Hindi sinasanto maging ang mga babae. Pero sa halip na masupil, lalo lamang itong nagpasiklab sa galit ng mga militanteng grupo. Nagpatuloy ang kabi-kabilang kilos protesta, partikular na sa Mendiola. Parang kabute ring nagsulputan ang mga organisasyon mula sa hanay ng mga radikal at moderate na mga magaaral, manggagawa, at iba pang sektor ng lipunan.
Isa sa mga grupong moderate ay ang "Samahang Kamanyang" ng Philippine College of Commerce (PCC), sa university belt ng Sampaloc, Manila. (Bago pa ito naging PUP nuong 1978 at nailipat sa Sta Mesa, Manila). Ginagamit nito ang sining upang imulat ang mata ng mga mamamayan sa tunay na estado ng lipunan.
------------------------
Isang araw, na sa kalagitnaan ng "protest play" ang Kamanyang sa gitna ng kalye Lepanto sa harap ng PCC.
"Tol, hanep sa ganda ang chick na yun." Ani Alex sa best friend na si Gerard, habang nakaturo sa isa sa mga babaeng nagtatanghal.
Kabilang ang magkaibigan sa hanay ng mga usisero at ibang mga tagasuporta na nasa bangketa at nanood.
"Ibagsak ang rehimeng Marcos!"
"Ibagsak"
Ibagsak ang pasistang tuta ng imperyalistang Amerika"
"Ibagsak"
"Makibaka, huwag Matakot."
Makibaka, huwag Matakot"
Sagutan ang sigaw ng mga grupo. Halatang sanay na sa ganitong gawain.
Parang wala namang naririnig si Gerard. Na sa magandang babae na tinuran ni Alex ang kanyang atensyon.
Matangkad, morena at gandang Filipina ang babae. Hindi yun ang type ni Gerard. Lahat ng kanyang naging syota , ay mestisa, sexy at "game."
Pero , bukod sa maganda , may kakaibang dating ang babae na pumukaw sa interes ng binata. Hindi sinasadyang nagtama ang kanilang paningin. Makalaglag panty ang ngiti ni Gerard. Mabilis namang umiwas ng tingin ang babae.
Makisig na lalaki si Gerard. Malakas ang appeal, may aura ng isang taong may kompiyansa sa sarile. Lutang ito sa kanyang kilos at pananalita, bunga marahil ito ng ilang salin ng henerasyon ng pamilyang may kaya at maimpluwensya. Matangkad at katamtaman ang katawan, larawan si Gerard ng isang modelo sa suot na bell bottom na blue jeans at puting tshirt. Parang si Kristo sa buhok at balbas . Tulad ng kanyang idolong si John Lennon.
"Bangon bayan ko, bangon sa pagkakagupiling" Sigaw ng babae bilang pagtatapos ng pagtatanghal.
Bakas sa mukha nito ang sidhi ng makabayang adhikain.
"Makibaka, Huwag matakot" Sagot ng mga manood sabay sa pagtaas ng mga kamao.
Matapos ito, nagmartsa na papuntang Mendiola ang grupo kung saan nag ra-rally ang iba pang militanteng samahan.
Tinangka ni Gerard na sundan ang grupo, pero pinigilan siya ni Alex
"Tol, tara na, late na tayo sa klase. At saka, baka magkagulo na naman, madamay pa tayo."
Hindi estudyante ng PCC ang magkaibigang Alex at Gerard. Classmates sila sa UST, third year sa kursong architecture. Hindi nila gawain ang magsasama sa mga rally, nagkataon lang na vacant period nila at naisipang mag-usyoso sa mga nagaganap na protesta.
"Tol, may kakilala ka ba sa PCC?" Tanong ni Gerard habang naglalakad sila pabalik sa UST.
"Wala, tol, alam ko na takbo ng isip mo. Yung chick kanina ano? Kabisado na ni Alex ang kaibigan.
"Oo tol, gusto ko siyang makilala"
"Milagro, kalian ka pa nangailangan ng tulay para makalapit sa chicks"
"Mukhang Iba siya tol, baka mahirapan ako dito"
"Ikaw pa?"
--------------------------
"Soraya, kilala mo ba yung lalakeng tingin ng tingin sayo kanina habang nagpeperform tayo." Wika ni Aida , ang close friend , board mate at classmate ni Soraya.
"Hindi , bakit?"
"Ang pogi niya, sayang , akala ko sa akin ngumiti eh, sa iyo pala. Mukhang type ka yata ah.
"Wala akong panahon para diyan. Halika na, bilisan natin at naiiwan na tayo ng grupo" Ani Soraya sabay hila sa kamay ng kaibigan.
Maganda si Soraya. Karaniwan na siya ang muse sa mga events sa PCC, bagay na napipilitan niyang tanggapin kahit asiwa ang pakiramdam . Hindi naman kasi siya conscious sa taglay na gandang pisikal at personalidad. Ang pokus niya ay sa pagaaral. Valedictorian siya sa elementarya at sa high school sa isang paaralan sa Nueva Ecija. Kasalukuyang second year commerce student at scholar ng PCC.
Mula pa nuong highschool, marami na ang manliligaw ni Soraya. Lalo na ng mapasok siya sa PCC. Kabi-kabila ang dumidiskarte sa school. Marami din ang mga dumadalaw sa kanyang boarding house. Pero hanggang kaibigan lang ang turing ng dalaga sa kanila. Sa edad na 19 , never pang nagka boyfriend si Soraya.
----------------------------
Biernes . Maaga pa lang ay nagsimula ng magsilabasan ang mga estudyante mula sa iba't- ibang paaralan sa university belt para sa ikinasang "protest walkout" . Nagmamadaling patungo si Gerard sa PCC, umaasang makikitang muli ang babaeng pumukaw sa kanyang interes. Pero, katatapos lang magtanghal ng "Kamanyang" ng dumating sa lugar si Gerard. Nakita pa niya ang grupo na naglalakad na papuntang Mendiola. Mabilis na sumunod ang binata.
Hind pa nakakalayo si Gerard ng biglang sumambulat ang kaguluhan sa Mendiola. Maririnig ang putok ng baril (minsan rubber bullets, minsan tutoong bala), ang pagsabog ng pillbox at Molotov cocktail, habang umuulan ng mga bote, bato at kahoy sa gitna ng nakakasulasok na usok ng "tear gas."
Kasabay nito ay ang nagpupulasang mga demonstrador mula sa Mendiola patungo sa iba ibang direksyon habang hinahabol ng mga miyembro ng anti-riot police na walang habas na namamalo ng hawak na yantok na "truncheon". Sinusuntok, sinisipa rin ang malas na maabutan at makursunadahan. Walang sinisino.
Nagulat si Gerard ng makita ang malaking grupo na tarantang tumatakbo pasalubong sa kanya. Layon ng mga ito ang agad makapasok so loob ng PCC at sa kalapit na University of the East tulad ng nakagawian nila tuwing hahabulin ng militar. Sumabay na lang si Gerard sa agos ng mga tao.
Sa gitna ng kaguluhan, nakita niya ang hinahanap niyang babae na nakaupo sa bangketa . Bakas sa mukha nito ang sakit habang hawak ang isang paa. Tinatanggihan naman nito ang ang mga gustong tumulong. . Nang makita ni Gerard na palapit na ang mga "aso" ni Marcos (mga miyembro ng anti-riot ng METROCOM) , mabilis niyang nilapitan ang babae. Walang sabe sabe na kinarga niya ito kahit tigas ang pagtutol. Ilang hakbang lang naman ay suwerteng nakasingit sila Gerard papasok sa isang maliit na restaurant bago pa naisara ng may ari ang pinto.. Sa loob, siksikan ang ibang mga militanteng nauna ng nagtago duon.
Sa labas, dinig ang mga kaguluhan, putukan, sigawan, at kalabugan.
Pabalagbag na inupo ni Gerard ang dalaga sa isang maliit na mesa.
"What you did is stupid, bakit ayaw mong magpatulong, you could have been seriously hurt" Galit na wika ni Gerard habang hinihilot ang paa ng babae.
"Salamat, but, I didn't ask for your help, I could have managed by myself." Inis din nitong sagot at pilit na inaalis ang paa sa kamay ni Gerard .
"Oo nga naman ano. Akala mo siguro porke maganda ka, hindi ka nila papatulan" Ani Gerard .
"I cant understand why you people are doing this? Risking life ang limbs and for what?.
"What you are trying to prove?." Dugtong pa ng binata.
"Talagang hindi mo maiintindihan dahil mukha kang burgis, naghaharing uri.! Mga walang pakialam sa nangyayari sa ating bayan. Basta lang komportable ang buhay nila.
"Kasalanan ko pa ngayon?" Sadyang napadiin ang paghilot ni Gerard sa paa ng magandang aktibista
"Araaaay, masakit ".
"Opps sorry" Nangingiting wika ni Gerard.
" Shit, ang taray, ang tapang, pero ang ganda talaga, hindi nakakasawang pagmasdan, lalong gumaganda habang tinititigan". Kulang na lang ay bigkasin ni Gerard ang nasa isip.
"Gerard Montesser" Pagpapakilala ni Gerard , matapos niyang talian ng panyo ang paa ni Soraya.
"Soraya Luna" Tinanggap ng dalaga ang nakalahad na kamay ng binata.
Nagdaop ang kanilang mga palad, habang nakatitig sa isat isa.
May mahiwagang pakiramdam na lumukob sa kanilang katauhan ng mga sandaling yun. . Ang pakiramdam na parang may tinakda sa kanilang kapalaran.
Tahimik na sa labas , wala na ang kaguluhan, , malayo na ang mga naghahabulan. Karamihan sa mga nagpulasang militanteng estudyante ay nasa loob na ng PCC at UE ang iba ay sa kalapit na unibersidad Ang NCBA at PSBA, umabot pa hanggang sa FEU.
"Sige na, iwan mo na ako. I am okay now. Salamat uli." Sa unang pagkakataon, na conscious si Soraya sa harap ng isang lalake.
" I'll see you home, I insist" Giit ni Gerard.
"Huwag na, malapit lang naman ako dito. Kaya ko na"
Hindi nagpaawat si Gerard , inihatid niya si Soraya sa boarding house nito.
---------------------
Ng gabing iyun, laman ng isip ni Gerard si Soraya at ang eksena ng kanilang pagkikilala.
Hindi rin makatulog si Soraya. Panay kasi ang kulit ni Aida sa kanya, kahit paulit ulit na niyang naikuwento ang mga pangyayari nuong umaga.
"Kinarga ka at iniligtas, wow ang sweet naman, your knight in shining armor. Kung ako yun, magsyota na kami ngayon.
"Gaga, Matulog ka na."
-------------------------
Maraming extra curricular activities si Soraya. Hindi lang dahil sa nakakadagdag puntos yun sa kanyang pagiging iskolar. Likas sa dalaga ang pagiging aktibo basta para sa magandang layunin ng magaaral at ng lipunan.
Madalas ding maimbitahan ang "Kamanyang" para magtanghal sa kilos-protesta ng mga grupo mula sa iba ibang paaralan. Kaya kilala na rin si Soraya maging sa labas PCC.
-----------------------------
Isang hapon, palabas ng PCC si Soraya, kasama si Ricky, ang pinakamalapit niyang kaibigang lalake, at si Aida.
"Sis, si pogi oh, palapit sa akin, este sa iyo pala" Ani Aida.
"Hi" masayang bati ni Gerard.
Matapos maipakilala ni Soraya ang dalawang kasama, inimbitahan sila ni Gerard na mag snack.
Nagpaunlak naman si Soraya, bilang ganti sa ginawang pagtulong sa kanya ng binata. At saka kasama naman sina Ricky at Aida.
Pero iba ang plano ni Aida, gusto nitong magkasarile ang dalawa.
"Thank you na lang Gerard, pero kanina pa ako nagpapasama dito kay Ricky na bumili ng gamit para sa project namin."
"Ha eh, hindi....." Sasagot pa sana ang nabiglang si Ricky. Pero, hinila na ito ni Aida papalayo.
Walang nagawa si Soraya kung hindi ang sumama mag isa.
Sa una, ay medyo awkward pa ang usapan nina Gerard at Soraya. Parehong asiwa. Tipong isang tanong, isang sagot lang, habang kumakain sila ng halo-halo sa " Little Quiapo". Pero, ng lumaon ay naging komportable na sila sa isa't isa.
Simple lang naman pala si Soraya. Magaang dalhin. Mababaw lang ang kaligayahan. Walang pretensions. Pero, mababasa sa mukha niya ang isang babaeng may karakter, talino at determinasyon. Hindi siya pangkaraniwang babae.
Ito ang nasa isip ni Gerard habang nakatingin sa magandang mukha ng dalaga. Lalong tumaas ang pagtingin niya dito. Hindi siya nagkamali sa kanyang unang impression kay Soraya.
Ang nagkamali ng impression ay si Soraya.
Ang inakala niyang isang iresponsableng "hipping kulelat"ay may laman din pala naman ang utak. Halata rin sa kilos at pananalita ng binata ang maayos na breeding. May pangarap din pala at direksyon ang buhay sa likod ng moderno nitong lifestyle. Dagdag pa rito ang malakas na sense of humor.....at ang guwapo rin ng maamong mukha.!
Hindi nila namalayan ang paglipas ng oras.
---------------------
Madilim na ng ihatid ni Gerard si Soraya sa boarding house.
"Kamusta ang date?" Agad na tanong ni Aida pagpasok ng kaibigan.
"Date ba yun,nagmeryenda lang kame."
"Talaga lang ha, " Tukso ni Aida.
Kakaiba na kasi ang ngiti sa mga labi, , ang ningning sa mga mata ni Soraya....ngayon lang nakita ni Aida na ganito ang kaibigan.
------------------------------
Ang snack sa "Little Quiapo" ay nasundan pa ng marami, kasama na ang lunch. Hanggang naging date sa sine. Pero palaging kasama si Aida.
Enjoy ang dalawa pag magkasama. Waring hindi sila nauubusan ng paguusapan... mula sa makabuluhan hanggang sa kalokohan. Parehong smart at witty.at strong- willed . Kaya minsan hindi maiwasan ang mainit na pagtatalo lalo na pag nadadako sa politika at religion ang usapan. Anti-establishment si Soraya. Pro-Status Quo naman si Gerard. Saradong Katoliko Romano ang dalaga. "Agnostic" at "secularist " naman ang binata. Pero nirerespeto nila ang paniniwala ng isa't –isa.
Hindi naman ligid kay Gerard ang maraming manliligaw ni Soraya sa loob at labas ng PCC. Kaya naman pursigido ang binata sa panliligaw kay Soraya. Basta free time ni Gerard sa kanyang klase ay pinupuntahan niya si Soraya. Pero dahill sa dami ng extra curricular activities ng dalaga, hindi rin sila madalas magkasama.
Kaya minsan, kahit araw ng Linggo, dumadalaw si Gerard sa boarding house, nagbabasakaling puwede silang lumabas ng dalaga.
Natuto ring magsimba ang binata .
----------------------
Sa canteen ng UST.
"Tol, mukhang iba na to ha, masama na yata tama mo kay Soraya. Ngayon ka lang naging ganitong kaseryoso sa babae. Aba, nagseselos nako nyan, halos hind na tayo nagkakasama."
Biro ni Alex sa kaibigan habang sila ay nagmimeryenda.
"Ewan ko nga ba tol, hindi ko maipaliwanag. Ang alam ko lang tol, masaya ako pag kasama ko siya. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito."
"Syota mo na ba?
"Hindi pa nga eh"
"Tang na tol, ilang buwan na ba yan. Lima, anim? Dati, nakaka -tatlong syota ka na nun.
Ngiti lang ang tugon ni Gerard
"May pag asa ka ba naman, tol?"
"Siguro naman...sana nga ...,ewan ko, tol" Malayo ang tingin ni Gerard.
------------------------------
Nga ilang araw bago mag sem-break , sa boarding house ni Soraya.
"Raya" Ang pet name ni Gerard kay Soraya. Inabot nito ang dalang malaking envelope sa dalaga.
"Ano to?"
"Birthday gift ko sayo" Masayang , malungkot ang mukha ni Gerard.
"Bakit, next week pa birthday ko"
"Alam ko, pero aalis kasi ako"
Biglang nawala ang ngiti sa mukha ng dalaga.
"Bakit, saan ka pupunta" Halata ang lungkot sa tinig nito.
"Sa Australia, may sakit ang lola ko, pinapupunta ako ng mama ko, ako na lang daw ang wala sa pamilya."
------------------------
Yun na yata ang pinakamalungkot na kaarawan ni Soraya....sa kabila ng maraming imported chocolates, roses at dinner invitations mula sa mga manliligaw..Pinili ng dalaga na kumain sa labas kasama sina Ricky at Aida. Kahit pilit pinasasaya ang sarile, hindi maitatago ni Soraya sa mga kaibigan ang tamlay sa kanyang mga mata.
Lalo na kay Ricky na matagal ng umiibig sa dalaga. Mula pa nuong first year nila sa PCC ay nangliligaw na ito kay Soraya. Isa si Ricky sa masigasig at matiyagang manliligaw ni Soraya. Napakabait nito. Mula din sa magandang pamilya. Matalino at may itchura din naman. Talagang "boyfriend material" Hindi nga maintindihan ni Aida kung bakit hindi ito magustuhan ni Soraya.
Masakit kay Ricky ang katotohanang hindi siya ang dahilan ng kung bakit nagkakaganito ang minamahal. Kahit pa matagal na niyang tanggap na hanggang kaibigan lang ang turing sa kanya ni Soraya.
-------------------------------
Pagdating sa tinutuluyan ay agad kinuha ni Soraya ang birthday gift ni Gerard upang muli at muling pagmasdan...ang para sa kanya ay pinakamahalaga sa mga regalong natanggap.
Isang 20x20 –inch charcoal portrait ni Soraya.
Nailarawan ni Gerard ang tunay na karakter sa likod ng magandang mukha ng dalaga. Nakita ni Soraya ang sarile sa paningin ni Gerard.
"Mahal ko si Gerard, sis" Wala sa sarileng usal ni Soraya dala ng bugso ng damdamin.
"Nagyon mo lang nalaman, sis. Akala ko matalino ka. Ako nga eh, matagal ko ng alam na mahal mo si pogi."
-------------------------------
Nang unang dumalaw si Gerard sa boarding house ni Soraya, matapos ang dalawang linggo sa Australia, sa pinto pa lamang ay sinalubong na siya ng dalaga. Mahigpit nitong niyakap ang binata.
Mas mahigpit ang yakap ni Gerard.
Wala ng salitang pang namagitan. Hindi na kailangan.
Naging sila na mula nuon...........
BINABASA MO ANG
DEKADA (completed)
RomanceSa gitna ng lagim at kaguluhan sa ilalim ng martial law, umusbong ang isang pagiibigang hindi kayang baguhin ng mga dekadang nagdaan. Si Soraya at si Gerard , magkaiba man ng mundo , paniniwala at prinsipyo, magkaisa naman ang damdamin at...